Chapter 22

251 7 0
                                    

Sa buhay hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo dahil halos lahat ay kayang-kaya gumawa ng kwento para lang mapaniwala ang iba. Parang ako, talento ko na ata yo'n kaya pasado ako sa industriya ng mga peke.

"Manager," napakagat pa ako sa labi ko dahil nagdadalawang isip pa akong tawagan ang manager ko. Alam ko namang magugulat ito.

"Oh, Ara?" Napakunot ang noo ko dahil walang halong pagkagulat ang tono niya.

"U-uhm, diba narinig niyo yung sa balita-"

"Oo, inaayos na namin. Kasama ko nga pala si Detective Nathaniel. Sabi niya ay kaibigan mo raw siya." Mas lalong kumunot ang noo ko. "Sabi niya ay may naninirang tao lang daw sa'yo samantalang nagbabakasyon ka lang."

"Pero..."

"Sige na at pumunta ka nalang mamaya rito sa interview." Napatulala ako sa narinig ko. Hindi ko akalaing detective rin ang isang yo'n. Saka ano bang pake niya para tulungan ako?

Pupuntahan ko sana si Kuya Nard para tanungin sa kanya yung kaibigan niya yo'n kaso sabi nung isa sa katulong ay kanina pa ito nakaalis. Paniguradong lahat sila ay busy. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at inubos nalang yung oras sa pag-aayos.

"Sa'n kana?" Tanong ni Manager Lei. Si Manager Lei ang mismong lumapit sa akin para suportahan ako matapos akong bitawan nung isa.

"Papunta na 'ko. Sinong nand'yan?"

"Nandito si Leo." Napahigpit yung hawak ko sa manibela. Hindi na ba ako tatantanan nung lalaking yo'n?

Pagkapasok pasok ko sa building ay nagugulat yung ibang tao na makita ako. Sabagay hindi pa naman masyadong kalat na nakabalik na ako. Nang makapasok na ako sa mismong opisina ay napairap ako dahil nando'n nga si Leo.

"Ara! I missed you!" Bago niya ako mayakap ay hinagis ko sa kanya yung jacket na ginamit ko. "Hindi mo ba 'ko na-miss?"

"Sino ka ba para ma-miss ko?" Bago ko pa matarayan 'tong si Leo ay pumasok na si Manager Lei at may mga hawak na siyang papeles.

"Pagkatapos ng interview mo. Marami ka ng schedule. You will be busy this month." Nakangiting sabi niya. Napasandal naman ako sa upuan. Going back might be a hell, again.

"Hindi talaga kumukupas ang isang Ara Tremor." May halong pagpait sa tono ni Leo kaya pinakitaan ko lang siya ng gitnang daliri ko. "Woah! Pasalamat ka't walang mga paparazzi." Natatawa niyang sabi.

"Pasalamat ka rin at walang paparazzi nung gumawa kayo ng milagro ni Vivienne." Sumbat ko sa kanya. Agad naman niya akong pinatahimik dahil walang masyadong nakakaalam no'n. Himala't hindi kumalat ang balita na yo'n. Biased talaga sa industriyang 'to.

"Ara," lumingon naman ako kay Manager Lei. "May naghahanap sa'yo sa front desk." Mabilis akong tumayo at kinuha muli yung jacket na hinagis ko kay Leo kanina.

Mula sa malayo ay nakita kong nakikipagtawanan si Nathaniel do'n sa mga babae. Nang makita niya ako ay nagpaalam siya ro'n at naglakad patungo sa akin.

"What?" Walang ganang tanong ko.

"What? Wala man lang 'thank you'?" I rolled my eyes.

"Hindi naman ako humingi ng tulong." Humalukipkip ako. "Alam mo ba talaga ang nangyari at bigla ka nalang pumapasok sa gulong 'to?" Tumawa siya ng marahan at inayos yung buhok niya.

"Miss Ara, nagmamagandang loob lang. Tatanggihan mo pa. What? You're gonna do it with your own way? Sa tingin mo, madali lang sila maniniwala ro'n. Plus, mawawala lahat kung aamin ka nang ganun-ganon lang." Napasingkit yung mata ko dahil sa sinabi niya.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now