Chapter 20

588 19 4
                                    

Minsan napapaisip nalang ako na sana ay hindi nalang ako umalis sa isla. Dahil gano'n din naman mangyayari, boring. Halos si Winsta ang lagi kong nakakasama. Tuwing gabi nalang kami nagkikita ni Ingrid, minsan ay pagod pa siya. Ano bang gagawin ko rito?

Napabalikwas ako nang tumunog yung landline mula sa salas. Nagmadali akong bumaba at agad na sinagot yo'n.

"Hello?" Panimula ko.

"Ara," alam ko na si Tvath agad 'to. Napairap ako sa hangin.

"Sabi ko sa'yo na wag ka basta-bastang tumatawag. Buti wala si Ingrid." Hindi talaga maingat ang lalaking 'to.

"Nakasalubong ko kahapon yang si Ingrid. He's still investigating about the massacre." Rinig ko ang iritasyon sa pananalita niya. "Well, I'm ready to go to jail. Ikaw ba?"

"Ba't nasama ako?" Alam kong may ginawa rin ako at hindi ko naman kailangan tanungin kung bakit makukulong ako. Pero si Ingrid ang pinag-uusapan, di'ba? Siguro naman? Shit. Bakit ba hindi ko naisip na hindi siya gano'n?

"Oh, so, you're still expecting him to save you, again?" Bigla siyang humalakhak sa kabilang linya na ikinarita ko naman.

"Gusto ko lang lumayo sa mga hipokrito't hipokritang tao pero hindi ko plinanong pumatay, Tvath. Alam mo yan." Nanggagalaiti kong sabi. Mukhang idadamay pa ako nito kahit na magkasama pa kami sa grupo.

"Playing safe, Tremor? Kahit gawin mong rason yan. Di ka parin makakatakas. Sabay-sabay tayong makukulong." Napairap muli ako.

"Akala ko ginawa mo yo'n dahil masamang tao yo'n-"

"Yeah, pero nadamay ko ang mga inosente. Dahil narin siguro sa galit ko." Nag-iba ang tono ng pananalita niya. "Well, alam kong magagawan mo ng paraan yan. Isipin mo muna ang sarili mo."

"Tvath-"

"Ara?" Mabilis kong naibaba yung telepono nang tawagin ako ni Winsta. Medyo nagtataka siya sa inaakto ko hanggang sa magsalita muli siya. "Tara na, kakain na."

Ilang linggo rin naman ang lumipas at medyo umayos narin ang pakikitungo sa akin ni Winsta. Pero alam ko namang ayaw niya parin ako. Tuwing umaga't tanghali ay pumupunta pa ako sa bahay nila dahil wala rin naman silang tiwala na magluto ako. Kahit na natututo narin akong magluto.

Hanggang sa hapag-kainan ay hindi parin umaalis ang paninitig sa akin ni Winsta. Tumikhim ako at napatingin naman sa akin ang Uncle ni Ingrid.

"M-may problema po ba?" Tanong ko kay Winsta. Sasagot sana ang Uncle ni Ingrid nang naunang sumagot si Winsta.

"Wala naman." Sagot niya saka ngumiti.

Alam kong kanina palang ay nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda. Ilang oras din ata akong walang ginagawa sa bahay ni Ingrid. Naglinis naman na ako kanina at wala nanamang magawa.

Nagulantang ako nang biglang pumasok si Winsta sa loob ng bahay. May dala siyang bayong at iniabot sa akin.

"Uutusan sana kitang mamalengke para sa gabihan niyo. Hindi ko magawa ngayon dahil may sakit ang Uncle ni Ingrid." Sabi niya.

"Ay, sige po." Pagkasabi ko no'n ay agad na siyang umalis. Naisip kong adobo nalang ang iluto ko dahil yo'n lang ang ulam na kaya kong lutuin.

Naligo ako sandali at sinuot yung sumbrero dahil mainit ngayon sa labas at wala pang payong na nabibili. Sumakay ako sa tricycle at umabot sa bayan.

Naramdaman kong parang may nakamasid sa akin pero binalewala ko yo'n. Patuloy parin ako sa pamimili. Pinapakiramdaman ko ang bawat taong nakikita ko o nakakasalubong ko at hinahanda ko ang sarili ko kung sakali mang may sumugod.

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon