Chapter 6

593 14 2
                                    

Nakaupo siya sa stool bar habang ako ay nakasandal sa pader habang pinagmamasdan siya. Nakita ko yung mga sugat sa braso niya at may punit pa yung polo niya. Hindi ako nagprisintang gamutin siya sa mga sugat niya.

"Wala ka bang balak magpalit ng damit?" Pagtatanong niya saka ako tiningnan. Tinaasan ko siya ng isang kilay at humalukipkip.

"You don't have the rights to give an order here." Siningkitan ko siya ng mata. "You're tresspassing."

Tumawa siya ng marahan, "And you're spreading a fake news." Napalunok naman ako sa sinabi niya.

"Ano bang pake mo?! Sino bang nagsabi na pumunta ka rito?!" Hindi ko maiwasang sigawan siya. Kaya nga ako pumunta rito para walang ririndi sa buhay ko e.

"Kapag nasimulan kong pagmasdan ang isang bagay, hindi na maaalis sa isipan ko yo'n." Parang ang layo naman ata sa tanong ko.

"Paano mo nalaman ang islang 'to?"

"Matagal narin akong nandito sa Zambales. Alangan namang hindi ko pa alam ang lugar na 'to." Ngumisi siya at binaba yung bulak na kanina niya pa hawak. "Pero ngayon ko nalaman na kayo ang may-ari nito."

"It's a secret island. Paanong nalaman mo?"

He smirked, "I am your Father's former detective. Naalala mo ba yung kaso niya?" Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Oh, yung nagpakalaman siya yung nangurakot sa kompanya. Marami rin kasing mga taong manloloko.

"So?"

Tinigilan niya yung paggagamot sa sarili niya at nangalumbaba. Mas nairita pa ako nang ngumisi siya.

"We're all alone in here." Parang hindi maganda sa pandinig ko yo'n kaya lumapit ako sa landline ko. Bago pa ako makatawag ay nagsalita siya. "You don't want anyone will know your place, do you?" Napapikit ako ng mariin.

"Then, get lost. I don't want anyone's company." Madiin kong sabi. Narinig ko ang pagtawa niya ng marahan.

"Malay mo, yang mga tauhan mo ay niloloko kana pala. So, it's better to stay here with you." Napairap ako sa hangin. "Saan nga pala ang kwarto ko?" Napaawang yung bibig ko sa kapal ng kanyang mukha.

"Hindi ko talaga alam kung ginagago mo-"

"Hindi ko rin alam kung bakit naging artista ka. Usually, artists never wanted to be hate." I scoffed when he said that.

"I do love hate comments about me." I smiled. "It brings out the best in me. Like, who's that bitch you said that sells her body to gain fame?" I clicked my tongue and posed. "She's dead, bitches!" I swayed my hair.

Nakita kong seryoso ang kanyang ekspresyon, "Does their hate comments makes you happy? Or you're just lying?" Nawala ang ngiti ko sa labi ko. "I-i just saw your express-"

"Get out." Madiin kong sabi.

"But-"

"Just get out before I blow your fucking head." Ngumisi siya.

"By rubbing it up and down?" Nabwisit ako sa sinabi niya kaya nadampot ko yung isang figurine at hinagis sa kanya. Nagmadali siyang lumabas. Kaya nang nasa labas na siya ay sinarado ko yung pintuan.

Dahil glass yung pintuan at nakikita niya ako mula sa loob ay pinakita ko yung middle finger ko para mas lalo siyang maasar. Itinaas niya yung dalawa niyang kamay sa ere habang tumatawa. Pinagmasdan ko siyang tumalikod at nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang polo niya.

I stared at his back because every time it flexes, it looks so hot. I gulped when he gazed at me. He caught me staring at him? Shit! Hindi na ako tumingin sa kanya nang simula niyang tanggalin yung pants niya.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Pinili ko yung manipis na puting sando at pajama. Muli akong bumaba para tumambay sa salas dahil wala naman akong balak matulog.

Dumating ang hapon at nakita ko siyang nakaupo lang sa buhanginan. Kumain na ba siya? Ano bang pake ko? Kasalanan niya pag namatay siya sa gutom. Napailing nalang ako at pumunta sa kusina.

Hindi naman ako marunong magluto kaya kinuha ko nalang yung cup noodles at sumandal sa stool bar habang hinihintay lumambot yung noodles. Napakunot ang noo ko nang makitang wala na siya ro'n sa labas.

Bahala talaga siya riyan. Binuksan ko yung t.v at naupo ro'n habang kumakain ng noodles. Patingin-tingin ako sa labas kung nando'n na ba siya. Naningkit yung mata ko nang makita ko siyang naglalakad at may hawak na buko. Nang mapalingon siya sa akin ay nginitian niya ako.

Oh, nagutom siya? Wala akong pake.

"Kung may balak kang patulugin dito sa labas. Bigyan mo ako ng kumot." Ayo'n kaagad ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pintuan. Sana ay papapasukin ko na siya pero mukhang gusto niya talaga sa labas.

"Kumot? May mga dahon naman ng saging diyan. Magtiis ka." Saka ko sinarado ulit yung pintuan.

Nakita kong ngumuso siya kahit hindi naman bagay. Imagine a bearded guy pouting! Hell! That's what he's doing.

Naisipan kong magbukas ng isa sa social media accounts ko. Sumabog kaagad ang notifications ko pagbukas. Maraming nagsasabing condolence at mga pahayag ng mga fans ko. Pero hindi ko maiwasang malungkot nang makita kong maraming nasisiyahan sa pagkawala ko.

Tama nga yung naaalala nila kung patay kana, pero mas naaalala parin nila kung gaano ka kasama. Hindi nila naaalala kung paano mo natulungan yung iba at napasaya.

That's why people who uses social media that much are cancers. Some of them are denying that they didn't do shits to other people. Do you remember the people you hate? Have you already threatened their lives?

If you don't wanna asnwer those questions. Lie. Just lie. They won't capture you.

Kinagabihan ay kumulog nanaman yung tiyan ko. Nakitang may ilaw naman sa labas at yung ilaw ng buwan ay tumama sa tubig. Nakita kojg nakaupo si Ingrid sa isang upuan habang nakahalukipkip. Isn't cold outside?

Nagdadalawang isip pa ako kung papapasukin ko siya. Naiisip ko kung mamatay ang taong yan, saan ko naman ilalagay? Napabuntong hininga nalang ako at binuksan yung pintuan. Sumandal ako sa pintuan at tumingin sa kanya.

"Sup?" I asked. Nang lingunin niya ako ay nakita kong namumutla ang kanyang labi. Naramdaman ko yung lamig nang humangin.

"Fucking..." he sneezed. "...cold." Napairap ako sa hangin. Kung hindi sana siya naligo kanina. Edi hindi siya giginawin.

"Pumasok kana sa loob." Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Akala ko ayaw mo akong-"

"I don't wanna hear anything. Come inside before I change my mind." Kumurba ang kanyang labi at saka tumayo at naunang pumasok sa bahay ko. Ang kapal talaga!

"Kumain kana?" Pagtatanong niya nang makapasok sa loob. Nakataas ang isang kilay ko nang lumingon siya sa akin. Tumango ako pero biglang kumulog yung tiyan ko. "You were just eating noodles the whole day."

"Anong pake mo?" I heard him tsked.

"Mangangayayat ka rito e." He sounded like a Dad now. Napangisi ako sa naisip ko. "How old are you?"

"Twenty-three." Maikli kong sagot.

"And you still didn't know how to cook?" Bakit ba ang dami niyang tanong? Ano bang pake niya? May problema ba siya sa akin?

"So? May problema ka? Kasalanan ko bang may taga-luto ako?" Inirapan ko siya at binawian niya rin ako ng pag-irap.

"Hindi ka pwedeng mag-asawa." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pero agad din akong ngumisi.

"Edi hindi ako magiging David." Alam kong nagbibiruan lang kami. Pero nagseryoso ang kanyang mukha.

"Let me rephrase my sentence, prinsesa." He smirked. "Hindi ka pa pwedeng mag-asawa." Nang sabihin niya yo'n ay parang kung may ano akong naramdaman dahil sa sinabi niya. Dammit!

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon