Chapter 48

52 2 0
                                    

Nagtatampo ang mukha ni Sarr nang sunduin ko siya sa lugar nila. Hindi man lang daw siya kasi sinama ni Hanz kahit na boys night out yo'n. Ewan ko ba kung immature parin siya o sadyang may ubo lang sa utak.

"Dalian mo at nang makita ko kung may babae ang lalaking yo'n!"

"Aw, good bye, first lady." Pang-aasar ko sa kaniya.

Sumalubong ang malakas na tugtugan mula sa loob ng resort at napansin naming may mga babae nga. Papunta pa mismo ro'n sa event na ginawa ni Hanz.

"Tingnan mo! Puro raw lalake pero may babae! Sinungaling na talaga yo'n!" Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya. Hindi niya alam na faithful sa kaniya ang Selrom na yo'n. "Hanapin ko lang siya, go find your man."

Maraming nakapansin sa akin at agad na nilapitan ako para magtanong tanong. Ang iba ay iniiwasan ko at nagpatuloy lang sa paghahanap kay Ingrid. Nanguha ako mula sa waiter na may hawak na tray na may martini glass at paniguradong malalasing nanaman si Sarr sa alak.

Naupo ako sa isang tabi habang tahimik na umiinom. Siguro nga wala siya rito. Hahanapin ko nalang mamaya si Sarr para magpaalam.

"It is a miracle to find you." Napatigil ako sa pag inom nang marinig ang boses na yo'n. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Ingrid," Humarap ako sa kaniya at hindi ko maiwasang mapamangha sa itsura niya. Ilang taon ko ring iniiwasang titigan ang kaniyang itsura dahil alam kong mahuhulog ako muli. Ngunit narealize kong maling magkabalikan kami. "Good thing you saw me."

"The moment you came, I already got my eyes on you. I wonder why you're here." Hindi maiwasang mapangiti. No, no, mali ang nasa isip niya.

"I am hoping to see you here. Sineswerte nga naman ako."

"So, you wanna talk about---"

"I wanna tell you the reason why you should stay away from me." Hindi na ako nag alinlangan sabihin sa kaniya yo'n. Ilang segundo rin kaming natahimik dahil sa sinabi ko. Hindi siya kumibo. "Let's talk somewhere else." Tumango nalang siya at sumunod sa akin.

Tahimik kaming nakatayo habang pinagmamasdan ang pag alon ng tubig sa dagat. Ang sarap sa pandinig ngunit ang sakit kung ito ang senaryo para maghiwalay.

"Bakit mo nasabi yo'n?"

"It's the best for us. For Raven."

"No..." tumitig siya sa aking mga mata. Napapansin kong parang may namumuong luha. Don't do that, don't cry infront of me, Ingrid. "Imagine Raven growing up without a father. Alam ko yung feeling na walang gumagabay sa akin."

"I'm with him. I can be his father."

"Ara, no. You don't get me. It is my responsibility."

"Okay, I will let you be his father but we will not be together."

Mas lumakas ang paghampas ng alon, medyo naririnig parin ang tugtugan sa venue at mas lalong lumamig. Nagtataasan ang balahibo ko lalo na nung narinig ko ang paghikbi niya. Hindi dapat kami umiiyak, hindi rin dapat ako umiiyak. I know this is a wrong move to sacrifice.

"Paano mo nasabing nakakabuti ito para sa atin?"

"I cannot hide my guilt anymore. You lied just to save my ass, you saved me and I am thankful for that. Pero natatakot ako kung dumating yung panahon na ikaw naman ang nangangailangan at hindi kita maliligtas." Nagsimula narin tumulo ang luha ko.

"You don't need to save me, Ara. Kasama lang kita alam kong payapa na ako. Please."

"I couldn't save your mom. I watched her die, watched her bled. I did nothing but watched her. You helped me but I did nothing, may tinatago parin ako sa'yo. You'll hate me, Ingrid." I am sure that the women I saw bathing her own blood was his mother.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now