Chapter 47

41 2 0
                                    

"Welcome to Paris, darling!" Pagkababa palang namin sa eroplano ay makikita ko kaagad yung ganda ng lugar. Kakaiba rin yung simoy. It is my first time to go here dahil bandang Asya ang lagi kong napupuntahan. "We're going to eat gellatos!"

"Uhm, ice cream din yo'n, di'ba?"

"Kahit na, we will try every cuisine here. Sounds great?"

"Yes," I answered.

"My treat." She clinged her arms to me while telling her experiences here in Paris. Kitang-kita ko ang malaking ngiti sa kaniya hanggang sa mabanggit niya yung kaisa-isang lalaki na minahal niya rito. It caught my interest to listen dahil parehas din kaming nilalayuan yung lalaki.

Pumunta kami sa isang hotel at napamangha naman ako nang makita ang istilo nito mula sa labas hanggang loob. Napupuno siya ng mga estatwa at halos lahat ng palamuti ay kulay gold. Kung saan nagmumukha itong palasyo.

"Feel at home, milady." Pang-aasar ni Miss Mountaelle. Sinarado niya ang double-door sa kwarto ko matapos maihatid sa akin yung mga gamit.

Malaki ang kama, meron ding chandelier at ang umagaw ng pansin sa akin ay yung balkonahe na hinahangin pa yung kurtina. Pagkalabas ko ro'n ay bumungad sa akin ang syudad ng Paris.

Naalala ko pa yung kwento ni Miss Mountaelle na sinusundan daw siya nung lalaki kahit umuwi siya ng Pilipinas.

Ingrid wouldn't do that. Hanggang Pilipinas lang siya at hindi siya mag aaksaya ng oras para lumipad papunta rito sa Paris. Paniguradong marami rin siyang ineembestigahang kaso ngayon.

Two days had passed, sa tuwing tinitingnan ko ang call history at messages ko ay puro mga kaibigan ko at si Mom lang. Minsan yung kapatid ko na nagtataka kung bakit bigla akong nawala.

Hmm, naniwala nga siyang hindi ako makikipag-usap sa kaniya. Well, that was I really meant but why the fuck am I waiting for his calls?

"You still got five days to go, Ara. Saan mo gusto pumunta? May gusto ka bang bilihin?" Naisip ko bigla na pasalububgan ko si Raven.

Nagpunta kami sa mga bilihan ng damit kung saan kilala lahat ni Miss Mountaelle yung may-ari. Dahil nga pinakilala niya ako sa may ari ng isang kilalang bilihan ng damit. Namangha pa ito at nagulat ako nang pinayagan niya akong mamili ng gusto ko at libre na yo'n.

"Sa susunod ba may bayad na yan?" Pagbibiro ni Miss Mountaelle sa matandang babae. Tumawa ito at umiling. Nanatili siya ng ilang taon sa Pilipinas para malaman niya ang kasiguraduhan ng magiging kumpanya niya ro'n. Kaya kahit slang siya magsalita ay naisasabi naman niya ng buo.

"Let's see." Natatawa nitong sabi.

Kumaway at nagpasalamat habang papaalis na kami. Agad namang kinuha sa akin yung mga shopping bag na hawak ko kaya wala nang abala sa akin.

Habang papalabas na kami, may umagaw ng atensyon ko. Isang bilihan ng mga alahas. Dahil nga mahilig din ako sa mga gano'n ay napagpasyahan kong pumasok sa loob.

"Oh, now I've noticed. Where's your wedding ring?" Tanong ni Miss Mountaelle mula sa likuran ko. Namamangha ako sa mga disenyong elegante.

"Actually, we're not married." Nabigla naman siya sa sinabi ko. "Nagplano na kami dati, err, hindi pala. Basta we had something."

"Oh my gosh! Bakit gano'n?! I'm gonna call yo man and let him propose to you!" Natawa naman ako at umiling. "Honey, you're both in love."

"Y-yes but he is not willing to do it, though." Nagpatuloy ako sa pagtitingin. "Kaya hayaan na."

Nang mapatingin ako kay Miss Mountaelle ay nakangisi siya nang nakakaloko. Ilang araw palang kami nagkakasama at magkakilala, pero saulado ko na ang ugali niya. She's too real for her words and actions.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now