Chapter 9

556 15 0
                                    

"Hello, Ma'am. Kamusta naman ho kayo riyan?" Pagtatanong nung isa sa tauhan ko mula sa kabilang linya.

"Still pretty and alive. So, how's there? Wala bang naghahanap or nagtataka kung bakit nandiyan kayo?" I asked.

"Wala naman ho. May sasabihin ka ba, Ma'am? Napatawag ka ata." Lumingon muna ako sa paligid hanggang sa makita ko sa labas si Ingrid.

"I wanna speak to Tvath." Sabi ko.

"Sige, Ma'am. Ililipat namin kayo sa linya niya." Tumango nalang ako hanggang sa magsalita na 'to. "'Sup?"

"I'm gonna fucking tell you something. Remember, the man I kissed?"

"Yeah."

"He's here with me." Sabi ko at huminga ng malalim.

"What the actual fuck? Really?! Paano siya napunta riyan? So, buking kana? Paano na yung plano mo?" Sunod-sunod ang kanyang tanong sa akin.

"He'd already knew that I'm not really dead." Sagot ko. Rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Should I trust this guy? I mean, nakakagaan siya ng loob pag kasama ko siya-"

"He's still a detective, Ara. Kakampi ng batas yan. Kung kinakailangan kang hatulan ng parusa dahil niloko mo ang mga tao ay gagawin niya yo'n." Damn, ayo'n ang naiisip ko kung bakit ayoko magtiwala sa taong 'to. "I told you, I should've killed him." Halatang naiirita siya.

"Meron namang paraan para-"

"But, he knew what happened. Maliban nalang kung ipagtatakpan ka niya at sasabihing maling katawan ang nakuha." Alam kong madali ko lang gawin yo'n. Pero sa tingin ko ay mahihirapan ako dahil nandito siya. "Sige. Marami pa akong gagawin."

"Yeah, balitaan mo ako." Saktong pagkababa ko ng telepono ay nasa gilid ko na siya habang nakasandal sa pader. "Shit! Bakit bigla-bigla kang sumusulpot?"

"Who's that?" He asked then pursed his lips. I raised my left eyebrow.

"None of your business, goon." Saka ako lumakad palayo sa kanya.

Mukhang wala na akong ibang magawa rito kundi maligo, matulog at kumain. Mukhang umiitim narin ako. Bagay na bagay sa body beach ko. Handang-handa na ako sa summer ah.

"Ayaw mo bang maglibot-libot? Tutal wala namang nakakaalam nitong isla." Sabi niya. "Jetski?"

"No, thanks."

"I insist. I can see that you're bored." Sabi niya kaya nilingon ko siya. "Trust me. They won't see you." Parang bumilis yung tibok ng puso ko nang sabihin niya yo'n.

Hindi ko alam kung sasama ako sa kanya o hindi. Hanggang sa makita ko ang kanyang ngiti. Bakit ba naaasar ako sa ngiti niya? Parang may humihila sa akin palagi na sumama ako sa kanya.

"Argh! Fine!" Iritang sabi ko. "Just wait me. I'll change my clothes." Bago ako makaakyat ng hagdanan at nagsalita siya.

"Not to showy. Baka ma-attract sila at mahuli ka pa." Napairap nalang ako sa sinabi niya.

Hinihintay ko siya sa mismong dagat habang kinukuha niya yung jetski. Napalingon ako nang makita ko siyang naka-topless. Napakagat ako sa labi ko. Bakit ang hot ng lalaki 'to? Nagiging manyak na ako sa lagay na 'to.

"Bakit isa lang?" Pagtatanong ko. Nakita kong tumaas ang isang kilay niya.

"Kaya ko bang idala ng sabay yung dalawa?" Nga naman, medyo excited lang kasi.

Hanggang sa bumalik na siya na hila-hila yung isang jetski. Mabilis akong sumakay dito at hinagis niya sa akin yung susi.

"Want some fun, goon?" Mapang-akit na tanong ko. Kinagat niya yung ibabang labi niya at isinuklay yung daliri niya sa buhok niya.

"Why not?"

"Then, catch me." I winked at him. Nagsimula ko nang paandarin 'to at narinig kong pinaandar narin niya 'to.

Tawang ako nang tawa sa tuwing malalapitan na niya ako ay binibilisan ko yung pagtakbo. Akala ko bubungguin na niya ako pero pinaikutan niya lang ako at basang-basa na ako ng tubig dahil nagtatalsikan sa akin.

"Damn you, goon!" Sigaw ko sa kanya pero tumatawa lang siya.

Mamaya-maya ay may naramdaman akong nangalabit sa balikat ko. Then, I realized that he touched me and now I'm the one who'll catch him. Dammit!

"Catch me, prinsesa." Hinahamon talaga ako ng isang 'to ah.

Mabilis niyang pinaandar 'to papalayo at ako naman ay bumebwelo. Nang paandarin ko na ay sobrang bilis nito at maaabot ko na sana si Ingrid nang may malaking alon at humampas sa akin.

Tumilapon ako sa tubig at hindi ako nakaipon ng hangin. Mabilis akong lumangoy paakyat kaya nang makaahon ako ay hingal na hingal ako.

"Fuck! You okay?" Tumatakbo papalapit sa akin si Ingrid at hinawakan ang magkabila kong pisnge. "Prinsesa, I'm sorry. I didn't mean to..." nagtama ang aming paningin.

"That was fun!" I shouted while throwing my hands up in the air.

"What the hell? Masaya ka pa nang muntik kang malunod?!" Parang tumaas yung tono ng boses niya.

"What? I mean, marunong akong lumangoy. Bakit mukhang alalang-alala ka?" Nagtiim bagang naman siya at tumayo.

Nakita ko nalang ang bulto ng kanyang katawan na papalayo. Ano nanamang problema ng isang yo'n? I don't wanna assume pero nag aalala kaya siya? Natakot ba siya nang muntikan akong malunod? Kung oo, bakit naman?

Naabutan kong nagluluto na siya para sa tanghalian namin. Hindi niya ako iniimik kaya ngumuso nalang ako. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin.

Muli ay nagpalit na ako ng damit. Shit, kailangan palang maglaba kundi ay maghuhubad na ako rito hanggang sa makaalis kami.

Nang lumingon ulit ako sa kanya ay seryoso siya. Mukhang pwede naman akong tumulong kaso baka mas lalo siyang magalit. Pero kung hindi ako tutulong ay matatagalan pa siya. Think, Ara! You're smart! Dapat alam mo yung mga bagay na katulad ng ganito.

Alam ko na! Ako nalang mag-aayos ng pinggan namin. Mabilis na lumingon sa akin si Ingrid nang lumapit ako sa lalagyanan ng pinggan.

"Don't do anything. Maghintay ka nalang." Sabi niya.

"Para diretso na kaagad mamaya." Sagot ko naman.

"I said, just sit over there and watch the goddamn television." Nagulat ako nang sabihin niya yo'n. Nagkatitigan kaming dalawa at nagtatalo kami sa pamamagitan no'n.

"Fine!" Pinal kong sabi at pabalag na umupo sa sofa. Nagsasawa na ako kakanuod ng t.v. kung panay sampalan din naman ang nagaganap at paulit-ulit nalang yung artistang napapanuod ko.

Akala mo napakabait nila. Ang babaho naman ng ugali sa personal. Lalo na yang si Vivienne! At biglaang sikat naman siya ngayon nang maging tambalan sila ni Leo.

Nanggagalaiti ako habang napapanuod sila. Ang arte niya um-acting. I am not insecure! It's just the way she acts. It not even natural.

"Tara na rito. Baka masira mo yang t.v." rinig ko mula sa likuran ko. Nakita ko ang nakangisi niyang labi. Mabilis kong pinatay yung t.v. at lumapit sa kanya. "Nagseselos ka kay Vivienne dahil sila na partner ni Leo?"

I scoffed, "I don't mind them. Magsama yang dalawang yan." Saka ako sumubo ng kanin na may ulam.

I heard him chuckled, "Dapat lang."

Capturing LiesWhere stories live. Discover now