Chapter 26

224 8 0
                                    

Unknown number

Hey, this is Tvath. How you doin'? Nvm. Just leaving this message because I'll be gone for a while. Please, don't call or text any connections from me and erase this message as soon you read this. Thank you. Take care, Ara.

Ayo'n kaagad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari lalo na't hindi ko siya pwedeng makausap.

Pagkabangon ko ay biglang kumirot ang ulo ko. Hindi naman ako uminom ng marami kagabi. Nagmadali akong pumunta sa banyo at nagsuka kahit wala namang lumalabas. Nanghihina akong lumabas at napasandal sa pintuan.

"Hey, are you okay?" Rinig ko sa labas ng kwarto ko. Dito nga talaga natulog si Ingrid. Humarap muna ako sa salamin at sinuklay yung buhok ko gamit ang mga daliri ko saka binuksan yung pintuan. Bumungad sa akin ang nag-aalala niyang ekspresyon.

"Hey," bati ko.

"Anong nangyari?"

"Ah, wala. Medyo sumakit lang sikmura ko." Sagot ko naman.

"You will be busy today." Tapos kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya. "Lei emailed me."

"Lei?" Hanggang sa namalayan kong Manager ko pala ang tinutukoy niya. Oh, so they're close. "Ba't hindi niya sa akin sinabi?"

"I don't know," he said then shrugged. "Magiging busy din ako. Pero sabay tayong mag dinner mamaya. Okay ba sa'yo yo'n?" Okay sa akin? Ewan ko. Mamaya kung anong mangyari. Geez.

"Hindi ko rin alam." Sagot ko. Para naman hindi siya umasa. Dahan-dahan siyang tumango.

"Kumain kana. Mag-aayos na ako." Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ako.

Habang pababa ako ay may narinig akong boses ng lalaki, mukhang may kausap ito. Nakita kong si Nathaniel pala yo'n na nakasandal sa pintuan. Nang makita niya ako ay nagpaalam siya sa kausap niya sa cellphone niya.

"Ay, gising kana pala!" Bungad niya sa akin. "Sorry pero aalis kami kaagad e."

"Not a big deal." Mataray kong sabi. Nakita kong medyo nahiya siya kasabay din no'n ang pagkamot niya sa batok niya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dumiretso sa kusina.

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa lamesahan. Ano na kayang nangyayari sa Zambales? Bakit ba kasi nila ako iniwan dito?

"Hey, guess what?" Halatang excited si Manager Lei nang lumapit siya sa akin.

"Hmm?"

"You'll be on centerfold, darling!" Nanlaki ang mata ko at nakangiti parin siya.

"Really?"

"Yes!" Parehas kaming nagtititili nang biglang bumukas yung pinto ng opisina ni Manager. Isa yo'n sa mga stylist ko at kita ko ang pag ngisi niya. Kung hindi ako nagkakamali ay si Pia 'to.

"Gurl! Ipakita mo ro'n sa bitch na Vivienne na bumalik ka para kabugin siya!" Pagkasabi niya no'n ay nagtawanan kami. Halatang maraming ayaw sa bruha na yo'n.

Tama nga si Ingrid na magiging busy ako ngayon dahil ala-una nang hapon natapos ang shooting. Napabuntong hininga ako pagkaupo at agad naman akong inabutan ng tubig nung P.A ko.

"Ara, sabi ni Ingrid na hindi ka niya masusundo ngayon." Sabi ni Manager Lei. Napakunot naman ang noo ko. Tiningnan ko ang cellphone ko at wala ni-isang mensahe niya.

"Ah, okay lang. Sabay naman kami mag dinner mamaya." Nginitian ko siya at nakita kong dahan-dahan siyang tumango. "How long have you been texting him?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na yo'n.

Capturing LiesKde žijí příběhy. Začni objevovat