Chapter 4

639 12 0
                                    

Pumunta ako sa hotel kung saan nakacheck-in si Leo. Walang anu-ano'y pumasok na ako sa loob ng kwarto niya dahil hindi naman ito nakalock. Naabutan ko lang siyang nakatulala ro'n pero nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin.

"A-ara... bakit nandito ka?" I chuckled.

"Missed me?" Hindi naman siya nakasagot. "Nalaman ko kay Vivienne na may nangyari sa inyo at inamin mong mahal mo ako." Tumango naman siya. "Alam mo? Nagsimula yung kaguluhan nang dahil sa'yo. Sana hindi kana nagsinungaling. Nakipagtalik ka sa kanya tapos sasabihin mong mahal mo ako?!"

"Totoo naman kasi yo'n!"

"You can't fool me, Leo." Seryosong sabi ko. Sinampal ko siya at hindi naman siya umangal. "Ikaw ang humarap sa gulo na 'to. Dahil sisiguraduhin kong mawawala-"

"Takot kana ba dahil sa mga nangyari?" Hindi ko maiwasang mapangisi sa biglaang pagpalit niya ng tono ng pananalita niya. Ngayon, siya naman ang lumakad patungo sa akin pero hindi ko ginawang umatras.

"Not every people who left are scared..." inilapit ko ang labi ko sa tenga niya at bumulong. "...maybe they were planning to kill you." Naramdaman kong bumilis ang kanyang paghinga sa galit na nararamdaman niya. "So, tell me, sino ang takot sa atin?"

"Pagbabayaran mo ang gulong 'to, Ara!" Sigaw niya. Tinalikuran ko siya. Noong susugurin niya ako ay hinarangan na kaagad siya ng guwardiya ko.

Nang malaman ng mga kapatid kong may binabalak si Vivienne na patayin ako ay pinipilit nila akong idala sa ibang bansa. They wanted me to stop my career for good. I mean, hindi ko sila naging pamilya para itago ako at mas piliing takot kami. I just want them to support me what I wanted. Ayaw nila akong pakinggan, kaya hindi na ako mag-aaksaya ng oras para malaman nila.

Nang makalabas na ako sa hotel ay nilapitan na ako ng maraming tao at pinipigilan naman sila ng mga guwardiya ko. Nagagawa ko pang ngumiti ng peke sa kanila kaya ramdam na ramdam ko yung galit ko.

Nang dahil sa lahat ng mga nangyari. Napagdesisyunan kong patayin ang sarili ko. Gusto kong malaman kung may pake ba silang lahat o nagsisinungaling lang sila.

I don't really want them to capture me, I just wanna capture their lies behind my back.

"Ma'am, saan ka pupunta niyan? Paniguradong maraming maghahanap sa'yo." Sabi nung isa. I laughed.

"Bakit pinoproblema niyo yan? My gosh! Malaki ang mga kapit ko. I'll tell my lawyer friend to have a fake information about me. And, all of you, I want you to make a crime scene." Nakita kong napalunok sila isa-isa. Alam kong napakalaking gulo 'tong gagawin ko. But, it's my decision. Hindi ako umuurong. "So, are you in or nah?"

Walang sumasagot sa akin. Nag-iwasan pa sila ng mga paningin.

"Are you fucking in or out?" Pag-uulit ko at mas seryoso pa.

"I-in, ma'am." Sumama ang paningin ko sa kanila.

"Ayokong napipilitan lang kayo. Kayo lang nakakaalam ng plano ko. Kaya kung may malaman ang ibang tao." I smirked. "Ipapatay ko ang isa sa inyo at yung taong pinagsabihan niyo." This is the real Ara Tremor. Not just a rude one, but a bold one.

"Ma'am, nagsasabi kami ng totoo." Madiing sabi nung isa. Napangiti naman ako.

"Good." Sabi ko. "I know a place in Zambales. Walang ibang nakakaalam no'n kundi kami lang ni Dad at Mom."

"Pero, kung sasama kami ay malala-"

"I am still talking, Bert." Madiin kong sabi. "Ihahatid niyo lang ako sa sakayan. At do'n lang kayo sa mismong lugar na yo'n. Solo ko pupunta ro'n."

Capturing LiesOnde histórias criam vida. Descubra agora