Chapter 15

566 13 2
                                    

"Mom! Dad! It's my audition! Bilisan niyo!" I yelled at them. Napakamot ako sa bagong kulot na buhok ko at nagdabog maglakad palabas ng bahay.

Gusto nila akong sumikat para makilala ang pamilya namin. Kahit na may kumpanya si Dad ay hindi parin sapat sa kanila. Halos maligo na nga sila sa pera araw-araw. Yung mga kapatid ko na malapit na makapagtapos ay sa susunod kikita narin ng pera. Ako? Why do I need to enter that kind of industry?

I got the face, talent and everything! But, it's not my passion.

"Where's the car keys?" Tanong ni Dad pagkababa niya ng hagdanan. He's always wearing his typical clothes like tuxedo. "Ara, nakita mo ba yo'n?"

I shrugged. Napangisi ako nang makita si Kuya Nard na nagtitimpla ng juice at nakita kong hawak niya. Walo kaming magkakapatid, minsan gusto nila akong mag artista pero minsan hindi. Kaya pati ako mismo ay naguguluhan.

"Kuya, baka mapagalitan ka." Bulong ko sa kanya.

"Nah." Sagot niya. Nakita kong papasok si Kuya James na mukhang bagong gising.

"Audition na niya ngayon?" Tanong nito. Tumango naman ako at ngumiti.

"Laging nawawala yung susi ng sasakyan tuwing aalis tayo!" Rinig naming sigaw ni Dad. Gusto namin magtawanan kaso dumating si Ate Angeline kaya awtomatikong nanahimik kami.

"Hmm, kinuha niyo ba?" Pagtatanong nito sa amin. Sabay-sabay kaming umiling. "Pag nalaman talaga ni Dad kung sino may kagagawan nitong mga 'to. Malalagot kayo."

"Well, wag mo silang sisihin, Ange." Singit ni Ate Ayen. Umirap si Ate Angeline at umalis sa harapan namin. Kinindatan kami ni Ate Ayen nang mapaalis niya ito.

Malapit nang matapos ang school year at syempre bakasyon nanaman kaso mapipilit na ako nila Dad sa gusto nila. Kailangan makaisip ako ng plano.

"Uy! Hindi talaga ako sumasayaw!" Iyak ni Sarr na papalapit sa akin. "I hate that freaking festival dance! I'd rather take an exam than dancing!" Imbes na mairita ako sa pinagsasabi niya ay natawa nalang ako.

"You can do it! Tingnan mo si Narisse, kaya niya rin, right?" Nagtawanan kami nang makita si Narisse na sumasayaw ng kung anu-ano.

"You got the confidence, Ara. You're the festival queen." May halong pagkabitter niyang sabi. Kaya hinampas ko nalang yung likuran niya para magising sa katotohanan.

"Isipin mo nalang na nanunuod si Jacob."

"Shut up!"

Mabilis natapos ang pag-e-ensayo namin at kahit pag-e-ensayo palang ay marami nang nanuod. Lumapit sa akin si Vivienne na akala mo mag kaibigan kami. Nagulantang pa nga sila Sarr at Narisse nang yakapin niya ako.

"Oh, mah, gah!" Tili niya. Napangiwi naman ako sa sobrang ingay niya. "You know, ang ganda mo sa tuwing pumapasok kana sa-"

"Get to the point, Viv." Naiiritang sabi ni Narisse.

"The Dean said, kung sino raw mapili niyang magaling sumayaw. Libre na ang pag-aartista. No need sa audition!" Natawa ako ng marahan. Pinatong ko yung kamay ko sa balikat niya at tinapik siya.

"Take that opportunity. I don't need it, anyway." Pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na siya. Alam kong papaiyak na siya dahil sa mga komento ng mga nakikinig sa usapan namin.

Kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa locker dahil sa nagmamadali silang magbihis at ayaw kaming sabayan. Alam nilang may matataas na posisyon ang bawat pamilya namin.

"So, pag sumikat kana wag mo kaming kakalimutan ha!" Natatawang sabi ni Narisse. Mabilis ko siyang hinampas sa braso dahil nang-aasar nanaman siya.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now