Chapter 5

598 13 0
                                    

"Dito nalang ho kayo?" Pagtatanong nung tauhan ko. Hindi ako sumagot at nagpatuloy maglakad. Nasa bangka na yung mga gamit ko at narinig ko pa yung yabag ng paa nila.

"Don't." Nagsitigilan naman sila sa paglalakad. "Wala akong pake kung hindi niyo alam ang lugar na pupuntahan ko. I just want all of you to stay in here. Just call me. Sa landline ko." Nagtanguhan naman sila.

Hindi gaano kagara yung bangka para hindi makakuha ng pansin. Nang paandarin ko na ito ay hindi na ako lumingon sa kanila. Pagkarating ko ro'n ay nahirapan pa akong ibaba yung mga gamit ko.

Sa islang 'to ay may bundok din at medyo mapuno. Kailangan mo munang pumasok sa loob-looban para makita ang totoong ganda nito. Nang makita ko kaagad yung bahay do'n ay napangiti ako. Kung sa labas ay nakapalibot ang dagat. Meron rin sa loob nito na may parteng tubig dagat. Kaya hindi kana mag aabalang mag lagay ng sunblock.

Ang nakakatuwa pa ay may signal parin dito. Nang mapasok ko na yung gamit ko ay naghalungkat na kaagad ako ng pagkain. Binuksan ko yung t.v at bumungad kaagad sa akin yung tungkol sa ginawang pagpatay ni Tvath sa mga tao. Hanggang sa lumabas yung litrato ko na sinasabing patay na ako.

"Ang aktres na si Ara Tremor ay nadamay sa nasabing massacre." Sabi nung reporter.

Nakita kong tahimik lang ang mga kapatid ko, lalo na si Mom sa harap ng camera. Mukhang ayaw nilang magpa-interview sa nangyari.

Biglang tumunog yung landline ko kaya nilapitan ko yo'n at sinagot.

"Have you seen the news?" Halatang si Tvath ito.

"Hell yeah." I answered. "May itatanong nga pala ako."

"Hmm?"

"Anong nangyari kay Ingrid?" Napakagat ako sa labi ko na sana hindi siya magbigay ng malisya.

"He's alive. Hindi siya nakikipag-usap kanina. Tahimik lang siya." Naalala ko nanaman yung paghalik ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na magagawa ko yo'n. I mean, he's my first kiss! Pero, ang swerte ko sa first kiss ko. "Why did you asked?"

"Uhm, wala lang." Then, I hung up the call.

Nagpalit ako ng damit ko at nagsuot lang ng two-piece. Dinoblehan ko ito ng see-through na damit saka lumabas ng bahay. Naupo ako sa buhanginan habang kumakain ng sushi.

Sobrang tahimik. Sa sobrang tahimik ay parang mabibingi na ako. Nang matapos kong makain yung sushi ay tinanggal ko na yung see-through na damit at lumusong sa tubig. Naalala kong hindi rin ako marunong katulad ni Sarr, yung Architect kong kaibigan. Pero, ngayon ay natuto na ako.

Nakarinig ako ng huni ng ibon kaya sinabayan ko yo'n. Maybe, I should play a music. Para naman hindi ako mabingi sa katahimikan.

Nang patugtugin ko na yung kanta ay sinabayan ko yung drums at umaktong nagda-drums sa hangin. Nahiga ako sa buhanginan at pumikit.

Nakakarelax na ngayon. Hanggang sa makarinig ako ng pagsabog o kung ano, pero mukhang medyo malayo. Kinuha ko yung roba ko at binuhat yung riffle. May bala naman na ito kaya pumunta na kaagad ako ro'n.

Napakaraming pasikot-sikot para makapunta sa kabilang banda. Nainis pa ako kasi nakalimutan kong magsuot ng tsinelas. Muli ay nakarinig naman ako ng pagbagsak ng kung ano.

"What the hell?" Bulong ko. Tumakbo na ako hanggang sa makalabas ma ako sa mga puno. Wala akong naabutan do'n kundi ang isang jetski na umaapoy.

Nanlaki ang mata ko nang malalaman kong sasabog ito. Tumakbo ako palayo ro'n pero agad ding sumabog 'to.

"Shit!" Tumilapon ako kung saan at nagkaroon ng konting galos.

Galit akong bumalik sa bahay at agad nag-dial sa landline.

"Yes, ma'am?"

"Fucking bullshit! May balak ata akong patayin ng totoo rito. May nakakaalam ba kung nasaan ako?!"

"Ay hala, ma'am. Wala naman po. Akala nga nila turista lang kami rito sa Zambales. Baka galing sa ibang isla yan, ma'am." Nag-init naman ang ulo ko.

"Alamin niyo kung sino. Isang jetski lang ang nakita ko rito." Iritang sabi ko.

"Pupunta na ba kami riyan, ma'am?" Napairap ako sa hangin.

"No!" Saka ko binaba yung telepono. Napahilot ako sa sentido ko at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

Kung anu-anong ginagawa kong paglilibang dito. Hanggang kailan kaya ako rito? Makakalimutan narin kaya nila ako kung sakaling babalik na ako? Dammit, Ara! Wala pa ngang isang linggo ay gusto mo na bumalik.

Ang tanga ko rin para maisip ang ganitong plano. Well, everything has a reason.

Sino kaya ang naghahanap sa akin? Panigurado wala. Tvath faked a death of me. Malamang ay kumuha na siya ng ibang katawan para sabihing ako yo'n.

Dapat pala ay nagsama rin ako ng mga kaibigan ko rito. Hindi ko naman sinasabi sa kanila yung plano ko dahil paniguradong wala silang pake dahil alam nilang plano ko. They'll choose to keep their mouth shut.

"Because all my life I've been waiting for, I've been praying for. For the people to say. That we don't wanna fight no more. They'll be no more wars. And our children will play..." rinig kong tugtog mula sa speaker ko.

"One day, one day, one day, one day." Sumabay pa ako sa pagkanta. This is my jam! Nagagawa ko pa tuloy mag-head bang nang marahan.

Sinarado ko yung pintuan sa harapan saka ako pumunta sa c.r para mag-shower. Hindi ko alam kung mainit o ano. Trip ko lang talaga mabasa ng tubig.

Mula sa labas ay rinig na rinig ko parin yung tugtog kaya sumasayaw-sayaw pa ako rito na parang tanga. Matapos kong magshower ay kinuha ko yung blower at humarap sa salamin habang pinapatuyo yung buhok ko.

Ganito pala pag walang nag-aasikasong mga alalay mo. Nasanay akong habang may nag-aayos sa buhok ko ay may nagme-make-up na sa akin. Habang nakahanda na yung damit ko. Pero ngayon ako na mismo ang pipili.

Nagulat ako nang may narinig ako kalampag sa labas. Alam kong malakas yung tugtog pero naririnig ko parin. Shit! Bathrobe lang ang suot ko. Kinuha ko yung isang baril na nakatago rito sa cabinet at dahan-dahang binuksan yung pintuan.

Napadako ang paningin ko sa pintuan sa likod. Fuck! Nakalimutan ko palang isarado yan. Meron ngang may nagbabalak pumunta rito. Paniguradong nalaman yung plano ko.

Pinatay ko yung tugtog at pinakiramdaman yung paligid. Pumikit ako para mag-concentrate nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. I slide down my foot to make my opponent unbalance its body. Pero nakaiwas 'to kaya tinutok ko sa kanya yung baril.

Hindi ko nakalabit yung gatilyo dahil hinawakan niya ang pulsuhan ko at tinulak sa pader. Damn! Ang lakas niya masyado. Hindi ko makita ang pagmumukha niya dahil natatakpan ng mahaba kong buhok yung mukha ko.

"Damn you!" I screamed. Mas diniin niya pa ako pader. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang alaga niya kaya napaimpit siya sa sakit. Nang maayos ko ang buhok ko ay nanlaki yung mata ko. "Y-you?!"

He smirked, "Yes, prinsesa." Naiirita ako sa tuwing tinatawag niya akong gano'n. Mas nainis ako nang ngumiti siya. Sinipa ko naman siya ngayon siya tiyan pero medyo nakailag siya.

Nilapitan niya ulit ako. And, this time, I can't even move.

"Why are you here?" Pagtatanong ko. Sinusundan ko ang kanyang tingin pero bigla itong bumaba sa labi ko patungong dibdib ko. Shit! Nakasuot lang pala ako ng roba! Paniguradong nakikita niyang bakat. Pumalag ako para bumalik ang paningin niya sa mata ko. "I asked, why are you here?"

"I knew you were not dead, Ara." He smiled. "You have a mole on your back. And the girl I saw in that crime scene doesn't have."

"P-paano mo nalaman?"

"I saw your naked photoshoot." Nagtiim-bagang siya. "I told you, I'm a great observer." Gusto ko siyang hambalusin sa pinagsasabi niya. Ibig sabihin kung nakita niya ang magazine ko ay pinagpapantasyahan niya ako?! "If you're gonna ask why am I looking at your magazine."

"Wala akong pake. Bitiwan mo ako!"

"Yes, I am fantasizing your magazines." He winked at me. "You should be proud." What the actual fuck?!

Capturing LiesOnde histórias criam vida. Descubra agora