Chapter 24

338 9 0
                                    

Sa tuwing gigising ako sa umaga ay hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Napabuntong hininga ako nang makitang ala-sais nanaman akong nagising. Ilang linggo narin ang lumipas at wala namang nangyayaring kakaiba. Mas lalo akong nabuburyong dito dahil paulit-ulit lang ang ginagawa ko.

"Ma'am, nakaalis na po sila." Alam ko na yo'n kahit gaano pa ako kaaga magising ay wala na talaga sila bago ako magising. "Pero, Ma'am, nandyan po si Sir."

"Si Dad?"

"Ah, si Sir David po." Napakunot ang noo ko nang marinig ang apilyedo niya. "Hinihintay niya raw po kayong magising para sabay na kayong kumain."

Ngumiti ako ng pilit, "Salamat."

Dahil ayokong makasabay ang lalaking yo'n. Hinintay kong mag alas-nuebe bago bumaba. Dahil gutom na gutom narin na ako ay nagmadali na akong naglakad. Paniguradong wala na ang lalaking yo'n.

Pero laking gulat ko nang makita kong nagbabasa siya ng dyaryo ro'n. Napalunok ako at aakmang aalis na nang magsalita siya.

"Kumain kana tapos na ako." Narinig ko pang kumalam ang sikmura ko kaya hindi narin ako umalis. Nakaupo kaming parehas sa magkabilang dulo nitong lamesa kaya hindi masyadong nakakailang. "Wala akong masyadong gagawin ngayon dahil nandito naman si Nathaniel para mag asikaso."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa pagkain. Binaba niya yung dyaryo at tinitigan ako. Ayan, naiilang na ako. Napansin ko ring hindi na humahaba ang bigote niya. Clean cut? Nagmumukha siyang inosente.

"I want you to come with me." Napakunot ang noo ko.

"Why would I come with you?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Dahil wala kang kasama rito magdamag." Sagot naman niya.

"May gagawin ako-"

"Wala kang schedule ngayon." Damn, kinakausap niya rin ba ang manager ko?

I smirked, "Akala ko hindi ako ligtas pag kasama ka. Kaya iwan mo nalang ako rito. Kaya ko ang sarili ko." Mataray kong sabi. Siya na mismo ang nagsabi sa akin noon. Ano? Baka bawiin niya? Napapailing nalang ako.

"Sinabi sa akin ng Daddy mo yo'n." Kahit saan o kahit ano na involve si Dad ay hindi ako makatanggi.

"Kung hindi lang sinabi ni Dad." Iritang sabi ko. "Mamaya gawa-gawa mo lang yan." Nakita kong medyo natawa siya.

"Malaki ang tiwala ni Sir Rogelio sa akin kaya wag mong sabihing gawa-gawa ko lang ang sinasabi ko." Pagkasabi niya no'n ay tumayo siya at umalis na hindi man lang ako nilingon.

Habang nag-aayos ako sa sarili ko ay pasimple akong tumingin sa bintana at nakita ko siyang nilalaro yung dalawang aso na alaga ni Dad. Kitang-kita ko ang malaking pag ngiti niya hanggang sa napadako ang tingin niya sa kinaroroonan ko kaya mabilis kong hinarang ulit yung kurtina.

Nang makalabas na ako ay nililipad pa ang buhok ko kaya sinakop ang nagliliparang buhok ko at tinali yo'n. Nakita ko ang paninitig niya sa akin.

"Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" Tanong niya.

Napairap ako, "Wala akong ideya dahil hindi mo sinabi."

"Hindi ka naman nagtanong." Ngumisi siya pagkasabi niya no'n. "Ayos naman ang damit mo. Kaso masasayang din ang pagpapaganda mo. Tatakpan mo rin naman ang mukha mo."

"Bakit? Wanted ba ako?" I faked a laugh. Nakita kong seryoso parin ang mukha niya.

"Hmm, hindi naman. Pero dudumugin ka ng mga tao at dadagdag pa yo'n problema ko." Kumuyom ang kamao ko at matigas siyang tinitigan.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now