Chapter 3

688 12 0
                                    

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Kumalat nanaman yung mga cancer sa social media. They're posting about what I did to Leo. Yung iba ay pinupusuan ko pa e.

"Kami ang nag-aalala sa'yo." Rinig kong sabi ni Ate Ayen. Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa at tiningnan si Ate.

"Ate, ano naman kung magkaroon ako ng death threats galing sa mga haters ko. Like, duh! Parang ikauunlad nila yo'n ah." Mataray kong sabi.

"Death threats? Hindi ka ba takot mamatay? Paniguradong sesermunan ka nanaman ni Nard pagkarating niya." Napairap ako sa hangin.

"Palibhasa, bunso parin ang tingin sa akin." Bulong ko. Kaya nang magtama ang paningin namin ay kumunot ang noo niya. "Wala. Sabi ko kailangan ko pumuntang salon."

Habang nagpapa-pedicure ako ay kinakalikot ko nanaman yung cellphone ko. Hanggang sa umabot ako sa Twitter. Napaawang ang bibig ko nang makita yung bagong tweet ni Vivienne.

Vivienne Mateo

Ang kapal naman ng mukha niya para i-reject yung tao!

Nakakatawa! Ang immature ng isang 'to. Wala akong oras para patulan ang isang katulad niya. Dinagsa na kaagad siya ng mga taga-suporta ko. Bahala siya riyan.

"Magc-CR muna ako." Sabi ko ro'n sa nagpepedicure sa akin.

Pagkapasok ko sa banyo ay nagulantang ako nang makita ko si Vivienne. Taas noo akong lumakad at humarap sa salamin. Naglalagay pa siya ng lipstick sa labi niya. Nagpatay malisya akong hindi siya napansin hanggang sa magsalita siya.

"Leo doesn't deserve you." Napangiti ako nang marinig yo'n. Humarap siya sa akin at nakita ko naman siya sa salamin. "Hindi ko alam kung bakit ka pa niya pinagtitiisan."

"Hindi naman niya ako kailangang pagtiisan, Vivienne. Alam mo bang acting lang ang lahat ng pinag-"

"We had sex, Ara!" Bulyaw niya. Napahawak ako sa dibdib na kunwaring nagulat. Bakit pa ako magtataka kung malandi naman talaga siya? "Pero, inamin niyang mahal ka niya. Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng tao ay nagkakagusto sa'yo."

Nagulat ako nang bigla niya akong ambahan ng sampal tapos inapakan niya pa yung paa ko. Napasigaw ako sa inis at kinalmot yung mukha niya. Nakita kong nagkagalos kaagad siya.

"Fuck you, bitch!" Tili niya. Bago pa ulit siya makasampal at sinipa ko yung tiyan niya. Hinila ko yung buhok na at inuntog sa lababo.

Napatili ako nang makita kong umagos yung dugo niya. Marahan ko siyang sinipa para malaman kung may malay pa siya. Napatakip ako ng bibig ko at nagmadaling lumabas ng C.R.

Inabutan ko nalang ng pera yung nagpedicure sa akin at nagmadaling lumabas ng salon. Patingin-tingin ako sa palagid hanggang sa may makabunggo ako.

"Shit!" I yelled. Nalaman kong si goon pala 'tong nakabunggo ko. "Bakit nandito ka nanaman?"

"Oh, may itatanong sana ako kay Vivienne." Nanlaki ang mata ko.

"Paano mo nalamang nasa salon siya?" Hindi dapat ako natatakot. Pero, ngayong kaharap ko ang lalaking 'to. Alam kong mapapahamak ako.

"GPS on her phone." Then, he shrugged. Maglalakad na sana ulit siya nang hawakan ko ang braso niya at niyakap yo'n. "What the hell, Ara?"

"Pabayaan mo na siya yo'n. Let's go!" Hinila ko siya. Pero, masyadong siyang malakas kaya nananatiling lang siyang nakatayo ro'n. Pinagtitinginan na kami ng mga tao buti may mask akong suot.

"Nagseselos ka ba?" Nakangiting tanong niya.

"No! What the fuck?! Just come with me!" Mas nairita ako nang titigan niya lang ako. Bumuntong hininga ako. "Please, Ingrid."

He chuckled, "Fuck... okay." Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag siya. Hinila ko ulit siya sa braso niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"S-saan mo gusto pumunta?" Nang lingunin ko siya ay nakita ko kung gaano kalaki yung ngiti niya.

"You're acting weird." Nang sabihin niya yo'n ay binitawan ko siya sa braso. Bakit ko ba ginagawa 'to? Wala akong katakutan. Hindi ko pa napatay si Vivienne, hindi. "Natulala ka naman ngayon."

Ngumisi ako, "Want me to make-over you?" Nagtaka naman siya sa tanong ko. "I mean, mukha kang stress. Para ka talagang goon." Natawa naman siya.

"Why would you?" Humalukipkip naman siya. Napatingin ako sa braso niya. Yung polo na halatang puputok na dahil sa muscle niya. Napalunok ako nang maalala kong nayakap ko yo'n kanina. "I don't need a make-over, Ara." Napaatras ako nang lumapit siya sa akin. "You're already attracted to me, prinsesa." Bumilis yung tibok ng puso ko nang marinig yung accent niya.

"Prinsesa?" Natatawang tanong ko.

"Ain't you a princess?" Umiling ako. "You are... to me." Ano bang pinagsasasabi nito? "Nagtanghalian kana ba?" Oo nga pala't niyaya ko ang isang 'to.

"Hindi pa. Tara! Libre ko!" Mabilis ko siyang hinila hanggang sa may humintong sasakyan ng pulis sa harap namin.

"Sir," bati niya rito. Nag-salute pa siya hanggang sa may mga dumating narin na ibang tao.

"Ingrid, yung pinapaimbestigahan namin sa'yo. Mukhang patay na o hindi pa." Nagtakbuhan papasok yung pulis at nagkatinginan kami ni Ingrid. Nanlamig ang kamay ko sa mga tingin niya.

"Ara-"

"Nahihilo na ako sa gutom. Mauuna na ako. Bye!" Saka ako tumakbo palayo sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa akin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Napamura ako nang maramdaman ko yung sakit sa paa ko. Damn that bitch! Inapakan niya pala yung paa ko kanina. Pagkasakay ko sa sasakyan ay nagmadali na akong nagdrive pauwi.

Nang makapasok na ako sa loob ng mansyon ay biglang nagsalita si Ate Ayen kaya nagulat ako. Kumunot ang kanyang noo.

"You're weird."

"Huh? Me? No!" Umiling-iling na sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Naglakad ako ng mabilis para hindi na ako makarinig ng mga tanong niya.

Buong maghapon akong nasa loob ng kwarto ko. Halos lahat ng ilaw ay nakapatay maliban sa t.v na nagsisilbing liwanag. Sumubo ulit ako ng sushi hanggang sa ilipat ko yung channel.

"Vivienne Mateo, nagbibigay ng death threats kay Ara Tremor." Pagkarinig ko no'n ay nag-init yung dugo ko. Fuck! She's really an idiot! Kung magbibigay siya ng death threat dapat hindi niya sinasabi!

"Akala mo napatay mo ako? Ako ang papatay sa'yo!" Sigaw ni Vivienne sa harap ng camera. Medyo gumulo ito dahil tinulak niya. Oh, well, lumabas narin ang totoong ugali niya sa harap ng camera. "Tandaan mo, wala akong pake kung makulong ako. Basta mapatay lang kita!" Imbes na matakot ako sa kanya. Sa isang tao lang ako natatakot.

Nasa bandang likod siya pero kitang-kita mo ang pagkaseryoso ng mukha niya. Ibang-iba sa taong lagi kong inaasar. Why am I getting scared? I mean, yeah, he is intimidating! But, hell! Ano naman?!

"Detective Ingrid, anong masasabi niyo?" Kumabog ang puso ko nang makita ko siya sa t.v. Grabe kung makatitig siya sa camera. Ngayon ko lang na-appreciate ang itsura niya. He's manly but dangerous.

"I know they both did something to each other. I'm not on both sides. I'm always neutral. But, if any of them acted suspicious..." his jaw clenched. "...trust me, hindi ka makakatakas." Parang ako na mismo ang kinakausap niya kaya awtomatikong pinatay ko yung t.v.

Kung balak din naman nila akong hulihin o patayin. Gagawa na ako ng aksyon. Let's see if they can capture me.

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon