Chapter 32

122 2 0
                                    

Sinama muna ako ni Ingrid sa estasyon nila at nang malaman kong nag day-off si Melody ay malakas na ang kutob naming dalawa. Pumunta ako sa opisina niya kung saan nagkalat yung mga papeles. Inunahan ko siyang maupo sa upuan niya habang siya ay may hinahanap parin.

"Look at this," inabot niya sa akin yung isang folder. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang isang kuha ng isang lalaking mukhang nasa 50's. Malabo ito dahil mula sa CCTV kinuha. "It was Wiston."

"Your Dad?" Tumango naman siya.

"We found him outside the bar. Looks like he has a business. He's like a mad man wearing that expensive suit." Umiiling-iling pa siya habang sinasabi yo'n. "But here's the main problem." Muli ay may inabot siyang folder.

"Damn, Ayen?!" Tiningnan ko lahat ng litrato. She looks drunk as hell. Yung unang litrato ay nakahawak siya sa poste. Yung pangalawa ay may kausap siya cellphone niya at yung mga susunod ay may mga kalalakihang hinihila siya papasok ng van. "Kinidnap siya." Nabitawan ko yung mga litratong nakuha niya.

"Mas naunang lumabas si Ayen kaysa sa kanya. Naiisip kong pinipilit ni Wiston na sumama ito sa kanya o kaya tutulungan niya. Look at this picture, it looks like he's finding her. Magkaibang direksyon sila pumunta. Hindi pa natin pwedeng akusahan si Wiston hangga't wala pang ebidensya."

"He's your Dad. Baka pinagtatakpan mo?"

He scoffed, "Ara, kung ikaw nga ay kinasuhan ko. Siya pa kaya? Wag mong isipin na nagsisinungaling ako sa'yo dahil hindi ko magagawa yo'n sa'yo." I smiled as he said that.

"Anong ginagawa ngayon ng Dad mo?" Pag iiba ko ng usapan. Pumunta siya sa mismong harapan ko at sumandal sa lamesa niya. He looks so hot while looking at the folders. He even fixed his wrist watch then looked at me.

"It says that he's still a school president."

"The same school I went?" Umiling naman siya.

"It's unknown." Hanggang sa may naalala ako kaya mabilis kong kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. Nagtaka naman siya.

"I'll call Wigmark." Tumango naman siya.

Habang nagriring ay hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Hanggang sa sagutin na ito ni Wigmark at halatang nag aalaga siya ngayon ng anak niya.

"Kuya," this is my first time calling him. Wala naman kasi talaga kaming pinag-uusapan nito. Kung meron man ay tungkol sa akin at puro kasiraan lang.

"Ara, I'm busy right now."

"May itatanong lang ako." Narinig kong umiyak ang anak niya sa kabilang linya. "Sinong bumugbog sa'yo?" Gusto ko lang malaman kahit alam kong maaway 'tong kapatid ko. Hindi na bago na malamang nabubugbog siya.

"Some fucking business man." Sabi niya. Mukhang dumating ang asawa niya kaya nawala na ang pag iyak. "Why do you asked?"

"Paano kung may binabalak talaga yo'n saming magkakapatid?" Tanong ko kay Ingrid.

"Huh?" Rinig kong tanong sa akin ni Kuya Wigmark. "What the hell is happening now, Ara?" Ayokong madamay pa rito ang mga kapatid ko lalo na't may pamangkin narin ako na pwedeng madamay.

"I don't wanna tell you but Ayen has been kidnapped." Narinig ko ang mahina niyang pagmumura. Kahit hindi kami malalapit sa isa't-isa, alam ko namang nag alala parin kung ano nangyayari. Pero nung nabalitaan nilang namatay ako, hindi sila naniwala. But, again, they were disappointed at me that I only made that to be free whatever I want to do. Kapalit naman no'n ang career ko na wala rin naman akong pake.

"I'll tell Dad," pagkasabi niya no'n ay pinutol niya na yung tawag. Kahit paboritong anak ni Dad si Wigmark ay alam kong hindi ito magiging interesado dahil tungkol parin ito kay Ate Ayen.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now