Chapter 34

132 3 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa buhanginan habang nilalagyan ang balat ko ng sunblock lotion. Inayos ko pa ang palda ko na nillilipad hanggang sa makita ko sa di kalayuan sila Kuya Nard. Nagtatawanan silang papalapit habang dala ni Ate Ayen ang picnic basket. Nakasunod din pala ang iba kong kapatid pero halatang busy naman sila sa pag uusap na mukhang puro sa trabaho.

"Itong si James! Muntikan na kami mabunggo habang siya nagdadrive nung tricycle!" Natatawang sabi ni Ate Ayen.

"Ba't parang ang saya niyo pa?" Hindi ko rin maiwasang matawa dahil sa itsura nila.

"Nakita niya kasi yung pato. Akala niya masasagasaan niya, e puyat-puyat pa 'to muntikan babangga sa puno!" Hinampas ni Ate Ayen si Kuya Nard kakatawa. Kita ko naman ang pagkabusangot ni Kuya James.

"Hanggang alas diez lang kami rito at magtatrabaho pa kami." Sabi ni Kuya Wigmark. Mukhang uupo nga lang sila Ate Esme, Ange at Roela.

"Hindi sumama si Mom?" Tanong ni Kuya Nard kay Kuya Wigmark. Umiling nalang 'to.

Nung nakaraang linggo ay kinausap ako ni Ate Esmeralda dahil sa kumalat na litrato ko. Walang gabi hindi ako umiyak dahil sa nangyaring yo'n at halos hindi ako lumabas ng kwarto. Kahit pa naireklamo na ni Ingrid ang mga yo'n ay natatakot parin ako sa mga mata nilang nanlalait.

Ngayon lang ulit nila ako napilit lumabas. Sa isang isla kami ngayon na pag aari ng magulang ni Rizz, sina Tita at Tito Gabriel. Nakilala ko si Rizz dahil kaibigan ni Mom ang mga magulang nito.

"Enjoy the beach, Ara." Nakangiting sabi sa akin ni Ate Ayen. Tumango naman ako. Tinanggal ko yung palda ko at tiningnan ako nung mga babaeng kapatid ko. Nakasuot ako ng one-piece swimsuit ngayon at medyo naiilang ako.

"H-hindi po ba kayo maliligo?" Tanong ko sa kanila.

"Ayoko masunog ang balat ko," mataray na sabi ni Ate Roela. Alam ko namang kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan.

"Mauna kana." Seryosong sabi ni Ate Esmeralda. Hindi na ako nagdalawang isip na umalis do'n dahil ayoko marinig ang masasakit nilang sinasabi.

Pagkapunta ko palang sa malalim ay agad akong hinagis ni Kuya Nard kasabay ng tawanan nila. Habang nagtatawanan sila ay binabasa ko sila kaya ginaya nila ako. Mas lalong tumirik na ang araw pero hindi parin naliligo yung apat. Mukhang alas diez na dahil nagsitayuan na sila at kinakausap si Kuya Nard. Hindi sila kumaway sa amin at dire-diretso nalang na umalis.

Pagkaahon ko ay agad na nilabas ni Ate Ayen yung mga pagkain at natuwa naman ako dahil may dala silang cakes. Mahilig ako sa matatamis hanggang sa asarin ako ni Kuya James.

"Nako, tataba ka nyan. Haharap ka pa naman sa camera. Kailangan maging body conscious ka." Sa sinabi niyang yo'n ay dahan-dahan kong naibaba yung cake.

"Loko ka, James! Hindi naman yan mag aartista. Dapat mag Engineer yan!" Natatawang sabi ni Ate Ayen. "Nga pala, bunso, nakuha ka ba?"

"W-wala pa pong tawag." Ngumiti ako ng peke. May parte sa akin na hinahangad din ang pag aartista pero dahil sa nangyari ay feeling ko'y napakadumi ko ng tao.

"Buti nalang at nireklamo agad ni Ingrid yo'n. Mukhang di naman legit ang entertainment na yon!" si Kuya Nard.

"Kung hindi legit, bakit ang daming tao?"

"Marami kasi silang naloko." Nakangising sabi ni Kuya Nard sa akin.

"Hindi natin alam. Basta, kung tumawag o hindi, hayaan mo lang. Bakit? Gusto mo ba, Ara?" Nagkibit balikat nalang ako sa tanong nila.

Hanggang sa napuno nalang ng asaran at pumatak ang oras ng alas tres. Ang init na masyado kaya napagpasyahan nilang umuwi. Pero parang ayoko pang umuwi. Mabagal akong naglakad patungo sa tricycle na gamit namin. Ayaw daw kasi magmaneho ni Kuya Nard ng kotse kaya napilitang magmaneho si Kuya James.

Capturing LiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang