Chapter 41

102 3 0
                                    

Naging busy ang pamilyang Tremor sa paghahanap kay Raven. Wala silang oras na sinayang para lang mahanap ito. Dahil kinancel niya ang shooting at guesting niya ay napuno ng kuryosidad ang medya kaya kahit saan magpunta si Ara ay sinusundan nila. Hindi naman sila nabigo nang malamang nawawala pala ang anak niya. Dinudumog sila ng mga tao pero humaharang si Lincoln sa mga ito.

"Miss Ara, bakit tinago mo sa medya ang anak mo?"

"Sagutin mo kami, Miss!"

"Kaya ba nawala ka sa showbiz dahil nabuntis ka? Akala ko ba ay isyu 'to tungkol sa pamilya mo?"

"Kasinungalingan nanaman ba?"

"Sino ang tatay ng anak mo?"

"Shut the hell up! I am the father of her child! I don't want anyone of you follow us when we're searching for our child!" Hindi mapigilang sabihin yo'n ni Lincoln. Kaya nang makapasok siya sa sasakyan ay gulat na nakatingin sa kaniya si Ara. "I'm sorry. I just want them to stop."

"I-it's okay but it's already on the news. A-at nagsinungaling-"

"I can handle it. Don't worry." Nakangiting sabi niya. "We'll find Raven. I'm sorry. Hindi ko siya nabantayan. Your Mom told me not to call you. Baka kasi naligaw lang sa mansyon niyo pero kinabahan na kami nung hindi na namin siya mahanap talaga. I'm sorry. It's all my fault." Hindi mapigilang mapaluha ni Ara kaya mabilis siyang niyakap nito at hinimas ang likuran niya.

"I hope Raven's safe."

Dala-dala ni Ingrid ang dalawang paper bag habang patungo siya sa parking lot. Sumisipol-sipol pa siya. Pero nang makalapit siya sa sasakyan niya ay may narinig siyang umiiyak. Medyo malabo sa pandinig pero alam niyang may umiiyak. Tumingin siya sa paligid hanggang sa may narinig siyang humampas sa bintana ng kotse.

"What the?" Pagkasilip niya sa loob ay nanlaki ang mata niya nang makita ulit ang bata na nakita niya sa pinuntahan niya rati. "What the fuck is this kid doing here?" Sinubukan niyang buksan yung pinto pero nakalock ito.

"Oops, nice bait. Dito lang pala kita makikita, Ingrid." Nakilala niya kaagad yung boses na yo'n kaya napakuyom ang kaniyang kamao. "Are you going to save your child?"

"My child?" Humarap siya sa lalaki. Nakasuot pa 'to ng damit sa kulungan. May mga galos at pasa pa. Mukhang tumakas ito sa kulungan. Umiigting na ang panga niya dahil gusto na niya itong sugurin.

"Oh, hindi mo alam na may anak kayo ni Ara? She hid for like three years." Umiiling-iling na sabi nito. "Raven will die inside. Don't worry, I'll pray for him. See you." Tumalikod na sa kaniya yung lalaki pero agad siyang natawa.

"You think you can get away from me, Rico? You can't even say God, so how will you pray for him?" Muling humarap si Rico at pinakitaan siya ng ngisi nito.

"Then, I'll say Satan." Agad na sinugod siya ni Ingrid at binalibag sa malapit na kotse. Tumunog ito pero patuloy parin niyang pinaghahampas ang ulo nito. Pero halatang masamang damo ang lalaking ito dahil nakabawi siya ng pagsipa sa mukha ni Ingrid.

Dumura siya ng dugo at pinatunog ang mga buto sa kaniyang daliri. Panay atake ang ginagawa ni Rico pero mabilis namang nakakailag si Ingrid sa bawat atake nito. Nang makakuha siya ng pagkakataon ay pinigilan niya ang suntok nito at pinilipit ang kamay. Napasigaw ito sa sakit pero nasipa niya ng patalikod si Ingrid.

"You son of a bitch!" Humugot 'to ng kutsilyo mula sa loob ng damit niya. Hindi siya nagdalawang isip na sumugod. Kita sa mukha niya nang madaplisan niya sa bandang braso si Ingrid.

"Is that what you can, Rico?" Dinambahan siya nito at bumwelo nang sasaksakin siya. Pinipigilan niya ang pagsaksak nito pero napaimpit siya sa sakit nang maramdamang medyo tumagos na sa dibdib yung kutsilyo.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now