Chapter 21

202 4 0
                                    

Nanghiram ako ng sasakyan kay Sarr para makabalik sa Maynila. Ilang oras narin akong nagmamaneho at ilang oras narin akong umiiyak. Hindi ko nasabi kay Tvath na uuwi na ako at gagawa ng paraan sa pekeng balita na ginawa ko.

Hininto ko muna yung sasakyan sa isang tabi at sumandal sa upuan saka huminga ng malalim. Hindi pa pala ako kumakain. Buti may nakita akong convenience store. Matapos malagyan ng mainit na tubig yung cup noodles ay umupo ako sa labas at hinintay itong lumambot.

Nakatanaw lang ako sa kawalan hanggang sa may humintong taong nakamotor. Nang mapansin kong may hinahanap-hanap siya ay umiwas na ako ng paningin. That face seems familiar. I wonder where I met him.

Naramdaman ko ang presensya niya habang papalapit siya sa akin. Tumikhim siya at dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"You must be Ara Tremor?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tama nga ako, nakita ko na ito. "Kakilala ako ng kuya mo."

"Nard?" I asked. Tumango naman siya. "What the hell do you want from me?" Naupo pa siya sa tapat ko na parang kilalang-kilala ko siya.

"Kilala mo naman ang kapatid mo. Alam niya ang mga pinaggagawa mo. So, he wanted me to find you." Nakangising sabi niya. "Nathaniel Tulfo." Inilahad niya pa yung kamay niya ngunit tiningnan ko lang yo'n.

"Bakit naman ako pinapahanap ni Nard?"

"Masyadong mapanganib ang mundo, Ara." Sabi niya. "Kaya kailangan mong bumalik-"

"Babalik naman na ako." Mataray kong sabi.

"Well, mukhang napadali nga ako sa paghahanap sa'yo." Umiiling-iling na sabi niya. "Ubusin mo na yan at ihahatid-"

"Kaya kong magmaneho. Nag aksayang ka pa ng oras para hanapin ako." Pagtataray ko muli. Ano bang pake niya? Hindi ko nga siya kilala e.

"Mag convoy nalang-"

"Alam ko rin ang daan. So, please, get out of my sight." Akala ko ay talagang aalis na siya pero bumili rin pala siya ng cup noodles. Tinaasan niya ako ng kilay kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Mabilis akong kumain at nang matapos ako ay hindi ko na siya hinintay. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin kaya napapikit ako ng mariin.

"Nathaniel, wag mong sabihin ng malakas ang pangalan ko. Patay na ako, di'ba." Madiin kong sabi. Nang malaman niya ang pinapahiwatig ko ay tumigil naman siya at sumukong sundan ako.

Ilang oras akong nagmamaneho hanggang sa umabot na ako sa dating bahay namin. Napabuntong hininga ako bago ko buksan yung bintana ng sasakyan.

"M-miss Ara?" Hindi makapaniwalang tanong nung bantay sa gate.

Mula sa malayo ay nakita kong nagmamadaling tumakbo papalabas si Mom na mukhang sasalubungin ako. Sumunod ang mga kapatid ko at hindi maipinta ang mga itsura nila.

"Hey," I said when I got out from the car. Dahan-dahang lumapit sa akin si Mom at mukhang pinagmamasdan niya pa ako hanggang sa yakapin niya ako ng mahigpit. "I'm sorry."

"No, honey, it's okay. I missed you." Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko. Nang lumingon ako sa mga kapatid ko, tanging sila Kuya Nard ang mukhang masayang nakabalik na ako. Ano bang bago, di'ba?

Mabilis nilang tinawagan si Dad para umuwi. Nalaman kong nakaraang araw ay nakauwi na si Dad galing sa ibang bansa. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at naghanda na sila ng pagkain para mamayang hapunan at todo asikaso naman sa akin ni Mom.

"Ara, where have you been?" Hindi parin siya makapaniwalang bumalik ako.

"Went on a vacation."

"Pero sa balita. Bakit gano'n?" Pilit akong ngumiti. Hindi ko rin naman sa kanila masabi. "Sino naman ang kasa-kasama mo?"

Capturing LiesМесто, где живут истории. Откройте их для себя