Chapter 35

131 5 0
                                    

White romper, black blazer at sandals ang suot ko nang pumunta ako sa building. Masasabi kong legit na ang mangyayari ngayon dahil napakadisente tingnan nung building. Nakita kong may mga frames at trophies na nakadisplay sa hall nila, mga achievements ng bawat isa. Patingin-tingin ako sa paligid nang may nakabungguan akong lalaki at imbes na magalit siya dahil medyo natapon ko ang iniinom niya ay nginitian niya parin ako.

"You must be new here," tumango naman ako.

"I'm sorry." Kinuha ko yung panyo ko at pupunasan sana yung t-shirt kaso wala rin mangyayari dahil puti ito. Napanguso nalang ako.

"Don't worry, magpapalit nalang ako." Unang araw ko palang ay may nagawa na agad akong nakakahiya. "By the way, I'm Leo Brooks. Eighteen." Kumindat pa siya kasabay no'n ang pagtawa kaya tumawa narin ako para hindi awkward.

"I'm Ara, Ara Tremor." Tumango-tango naman siya. "Fifteen."

"Oh, wow! I thought you were eighteen or nineteen!" Natawa naman ako. "You looked matured."

"Am I?" I don't see myself as a matured person. Dahil siguro ako ang bunso sa aming magkakapatid at parang bata parin ako kung ituring.

"Yes," sagot niya.

"Nandito pala kayo dalawa! Kayo nalang ang hinihintay! Jusko!" Sabi ng babae na nakasalamin. Parang nanlaki pa ang mata ng lalaki.

"So, ikaw pala ang makakasama ko sa shoot." Nakangising sabi niya. Oh, geez! "Don't worry, hindi ko hahayaan na maging awkward tayo sa isa't-isa."

"Gosh, ba't bagay kayong maging love team?" Nagkatinginan kami ni Leo at hindi mapigilang matawa.

Pagkarating namin sa studio ay sinalubong na kami ng staffs, stylists at pati narin yung direktor ng shooting na 'to. Paniguradong yung babaeng sumalubong sa amin kanina ay personal assistant nitong lalaki. Mukha ngang matagal narin siya sa industriyang ito.

"Mamaya pa raw darating si Manager Lei!" Sabi nung isa.

Hinila nila ako papasok sa dressing room at sinimulang lagyan ng light make-up ang mukha ko. Natutuwa yung bakla dahil hindi naman ako mahirap ayusan para gaganda pa ang itsura. Nagtataka ako kung simpleng sando lang at shorts ang pinasuot sa amin.

"Para saan ba yung shoot?" Tanong ko kay Leo nang makasalubong ko siya sa labas. Tinitigan niya pa ako ng ilang segundo bago siya sumagot.

"Oh, di nila sinabi? Toothpaste raw." Pagkasabi niya no'n ay nagtawanan kami. "Anyway, you still looked pretty with that clothes."

"T-thank you," masyadong mabait kung makitungo 'tong si Leo. Panigurado sa kanya lang ako lagi sasama sa ngayon.

"Tumawa kayo! Yung tipong kitang-kita ang ngala-ngala!" Sabi nung direktor namin at nagtawanan namin kami ro'n. "Hoy! Seryoso yo'n!" Napansin kong parang pamilya talaga sila kung magturingan kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit may topic silang di 'ko alam ay sasabihin nila sa akin para hindi ako ma-out of place.

Matapos ang pictorial ay niyaya akong kumain sa labas ni Leo. Tumatanggi ako dahil baka magkaroon ng isyu kapag sumama ako. Naalala kong nakikita ko pala 'tong si Leo sa mga commercial at minsan ay umeeksena na siya sa teleserye. Siguro noong mga thirteen years old palang siya ay nagsimula na siya.

"Sus, ba't iniisip mo yo'n? Kaibigan naman kita." Natatawa niyang sabi dahil medyo paranoid ako.

"Ayoko lang masira ang pangalan mo." Sagot ko sa kanya.

"Hindi naman ah. Saka wala pa tayo sa edad na bente para bigyan agad ng isyu. Hindi pa tayo gaanong sikat." Pagkukumbinsi niya sa akin sabay kindat.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now