Chapter 18

828 23 4
                                    

Solo ko lang nakaupo sa lamesahan habang nilalagay ni Winsta ang mga pinggan sa lamesahan. Nakikita kong nagtatakbuhan pa ang maliliit na pamangkin ni Ingrid habang ang mga pinsan niya ay inukupa na ang salas.

Hindi naman ako pinayagan ni Ingrid na kumilos sa kusina dahil paniguradong wala akong magagawang matino pagdating sa gawaing bahay.

"Paano kung naging asawa mo yan?" Rinig kong tanong ni Winsta kay Ingrid. Kumunot naman ang noo ko. "Anong magagawa niyan?" Halatang ayaw niya ako.

Ngumisi si Ingrid, "Auntie, she's a smart woman. Matututunan niya rin naman."

"Ilan taon na ba siya yan? Hindi ba siya naturuan?"

"Auntie..." nakita ko ang pagtiim bagang ni Ingrid sa sinabi nito.

"Sinasabi ko lang ang opinyon ko." Narinig ko ang kalampag at mukha pupunta muli rito yung Auntie niya. Nang makita ko siyang papalapit ulit sa pwesto ko ay nginitian niya ako. Napakapeke. "Hija, yayain mo na ang pinsan at pamangkin ni Ingrid."

Kahit labag sa kalooban ko ay tumayo ako at nagtungo sa salas. Bumungad sa akin ang makalat na salas. Medyo nairita ako dahil hinahayaan lang nila yung mga anak nila na guluhin yung mga gamit ni Ingrid.

"Uhm, kain na raw po." Nakangiting sabi ko.

"Sige, sunod kami, ate." Tumango-tango nalang ako.

Hindi pa ako nakakaalis ay may batang lumapit sa akin. Hinihila niya yung damit ko. Hindi talaga ako mahilig sa bata pero nakita kong medyo kamukha ito ni Ingrid.

Damn, kakaiba yung dugo nilang mga David. Medyo makakapal ang kilay, matangos, moreno, mapanga... they all look dangerous.

"Dyan ka muna kay ate mo. Kakain muna kami ha." Kumunot naman ang noo ko. Isa-isa na silang nagpupuntahan sa kusina habang ako ay naiwan dito na kasama yung mga bata.

Susunod na sana ako nang hilahin nanaman yung damit ko. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Nasaan na ba si Ingrid?

"Ate, ate! Pahiram nga selpon mo!" Sabi nito.

Ngumiti ako, "Wala ako no'n."

"Ay! Diba, siya yung gerlpren ni Koya Engred?" Tanong nung isang bata na malobo yung pisnge habang nakaupo lang sa sofa. Ano bang pinagsasabi nila?

"Wag kayong magulo." Sabi ko. Pero hindi nila ako pinapakinggan. Kumukulo yung dugo ko.

Hanggang sa nanlaki yung mata ko nang makitang nagdurugo yung daliri nung isa. Bigla itong umiyak ng napakalakas at pumunta yung ibang pinsan ni Ingrid sa salas.

"Hala! Anong nangyari?" Pilit nilang pinapakalma ito habang ginagamot yung sugat.

Nakatulala lang ako ro'n dahil wala akong nagawa. Nagulantang nalang ako nang marinig ang boses ni Winsta.

"Napaka-ireponsable!"

Konti nalang ay babagsak na ang mga luha ko. Aakyat palang ako sa hagdanan nang may maramdaman akong nakahawak sa braso ko. Parang bibigay na ako nang makita kong si Ingrid yo'n.

"Anong nangyari?" Pagtatanong niya.

"Hindi man lang bantayan yung mga bata. Hindi ko akalaing magugustuhan siya ni Ingrid. Lumaking may nakasalpak na kutsara sa bibig." Nakita kong nagtiim bagang si Ingrid sa narinig niya.

"Mawalang galang, Auntie. Pero, hindi niya kasalanan kung bakit lumaki siyang gano'n. Lahat tayo tinuruan, sadyang walang oras ang magulang niya para gawin yo'n." Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma pero nararamdaman ko ang galit niya. "Wala parin kayong karapatan na sabihin sa kanya na walang siyang responsable."

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon