Chapter 37

123 5 0
                                    

Tahimik na nakangalumbaba si Ingrid habang nakaupo sa upuan niya. Kanina pa malalim ang pag iisip niya hanggang sa makita niya sa gilid ang litrato niya kasama si Sigrid, nanay niya. Unti-unti na siya napapangiti nang pumasok si Nathaniel kasama ang hepe ng lugar.

"Sir," bati ni Ingrid at tumayo pa ito. Tinanguhan siya nito at humalukipkip.

"Ilalagay na natin si Ara sa mismong kulungan. People might say that we're giving her special treatments." Sabi nito.

"I thought she will be in jail after six months." Kunot noong sabi ni Ingrid. "She was a victim. May kaso pang hindi nalulutas na siya ang target. Nawawala pa ang kapatid niya. I need to help her."

"And she's still a criminal, Ingrid." Madiing sabi nito. "Bakit kailangan ng tulong ng isang kriminal, Ingrid? Dahil ba gusto mo siya?"

"No," umigting ang kaniyang panga. "May napag-usapan nang buwan bago siya makulong nang tuluyan. And that's not special treatment for fuck's sake."

"It is." Napabuntong hininga ito sa pinupunto ni Ingrid. Napatingin ito sa litrato ng ina ni Ingrid. "You know, Sigrid was a great woman." Nang simula niyang sabihin yo'n ay nag iba ang timpla ng mukha ni Ingrid. Halatang ayaw na niyang makinig sa sasabihin nito.

He always remember his mom, he wanted to became like her. She was great when it comes to solve cases and find those criminals. Until she met Wiston, she became what they didn't expect from her. She lost everything. She lied just to keep Wiston safe.

"She was a great dectective, too." Dagdag pa nito. "But she wasn't great when it comes to controlling her feelings."

"She's already dead. Don't mention her anymore." Madiing sabi ni Ingrid. Nagkibit balikat nalang ang hepe na ikinainis ni Ingrid sa inakto nito.

"Ara Tremor's inside the patrol car, right? Ipapakuha na namin siya."

"W-woah, wait, Sir!" Pigil ni Nathaniel. Nag-usap sila sa mga mata ni Ingrid at sinasabi nitong lumabas na ng opisina na sinunod naman nito agad. "Hayaan muna natin si Detective-"

"Nathaniel, you don't give orders here." Napaawang ang bibig ni Nathaniel. Ngumisi si Nathaniel.

"Don't worry, Sir. Soon I'll be giving orders and surely you're gonna salute to obey my orders." Natawa lang ang hepe nila at umiling-iling.

"Dream on, kid." Pagkasabi niya no'n ay kinuha niya ang radyo niya. "This is Chief Officer Bolasco, chase them." Magsasalita pa sana si Nathaniel nang malakas siyang sinampal nito. Nagulantang siya sa ginawa nito.

"S-sir-"

"You're suspended."

Hindi parin inaalis ni Ingrid ang kanyang paningin sa papalayong sasakyan kung nasaan si Ara hanggang sa mawala ito sa paningin niya. Ilang beses na siyang nagmumura sa isipan niya at hindi pinapakinggan ang sinasabi ni Bolasco.

"What the heck are you doing, Detective?" Bumalik na ang atensyon niya rito. Walang emosyon ngayon ang kanyang itsura habang pinapalibutan na siya ng ibang pulis.

"What you gonna do, huh?" Napabuntong hininga ito at pinatong pa ang kamay niya sa balikat nito pero tinanggal din ni Ingrid yo'n. "Ipagpatuloy mo parin ang kaso ng mga Tremor. But you gotta let Ara go. You can visit her anytime."

"I know what I'm doing." Seryosong sabi nito.

"Detective!" Napatingin sila sa tumawag at si Nathaniel yo'n. Sinamaan siya ng tingin nung hepe nila at handa nang kutongan ito.

"Bakit nandito ka pa, Tulfo? Kuhanin mo na ang mga gamit mo sa locker mo at bumalik ka pagkatapos ng ilang linggo." Napakunot ang noo ni Ingrid sa sinabi nito.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now