Chapter 39

120 5 0
                                    

"Nathaniel, would you help me again with this case?" Hinagis ni Ingrid ang papeles sa lamesahan at agad namang tiningnan ni Nathaniel yo'n. Nanlalaki ang mata niya at mukhang nae-excite.

"It's dangerous..." tumango si Ingrid at bago pa siya makasagot ay napatayo ito at nagpapapalakpak. "And fun!"

"Nat, shut the hell up." Walang ganang sabi ni Ingrid. "Okay, before you add some shits up. Ako muna ang pagsalitain mo."

"Oka-"

"Brooks, ilang beses ko na atang nasabi sa'yo ang tungkol sa kanila. But here's a new evidence that they are not just giving threats to Ara for nothing. It has reasons." Napansin niyang seryosong nakikinig sa kanya si Nathaniel at wala pang balak magsalita. "Someone sold Ara as payment for his debts. No other than Mister Rogelio Tremor."

Nanlaki ang mata ni Nathaniel, "Holy shit!" Gulat na sabi nito. "Detective, that was a mind blown!"

"I know." Sabi ni Ingrid at umirap pa nga.

"It means, all of the killings that happened on their family was made by their own father." Tumango-tango naman siya sa sinabi nito dahil nakuha agad nito ang punto. "Pero bakit sa lahat ng pwedeng ipambayad ay si Miss Ara pa?"

"That's the question. My father can answer that question. Siya ay nadamay din sa kaso na ito at papatunayan pa kung may sala ba talaga siya."

"Ba't nadamay ang tatay mo?"

"Hmm, dahil siguro alam ng mga tao na si Wiston ang nagpasok kay Ara sa pagiging artista. Ngunit hindi nila alam na si Leo yo'n. So, in order to pay the Brooks back, Rogelio sold her. Kaya hinahunting si Ara." Sabi ni Ingrid at nangalumbaba na sa lamesa niya. "At para maipit sa sitwasyon ang tatay ko kahit na inosente siya. Para isipin nilang lahat na siya ang may kagagawanan nito."

"Eh, Detective, di'ba hindi rin mahanap ang tatay mo ngayon?" Napamura siya nang malaman niyang nawawala si Wiston.

"No problem. The important part is the killer is in the town." Nakangising sabi ni Ingrid. Kitang-kita sa mukha niya na natapos na niya ang magulong kaso na ito.

Ilang taon din siyang naging bulag sa buhay ni Ara. Akala niya ay puro kasinungalingan ang nakikita niyang paggawa ng masama ni Rogelio kay Ara. Noon ay nagagalit pa siya sa sarili niyang tatay ngunit nagkamali siya. Tama nga sila, kung sino pa talaga ang malapit sa'yo, yo'n pa ang may babalakin na mapahamak ka.

Sinusubukan niyang lumayo kay Ara hangga't hindi niya pa nalalaman ang katotohanan. May posibilidad kasi na baka pag sinabi niyang kagagawan ito lahat ni Rogelio ay magalit ito sa kanya. Natatakot siyang mawala ito dahil sa malalaman niya. Bakit nga ba siya matatakot kung alam niyang mahal siya nito?

"Detective, may natagpuang patay sa mansyon ng Tremor." Mabilis na kinuha ni Ingrid ang baril niya at sumunod sa labas.

Habang pinapatakbo niya ang kaniyang motor ay napansin niyang parang may nakasunod sa kanya. Pagkarating niya sa mansyon nila ay naabutan nilang may dalawang lalaking nakahandusay sa sahig, sa mismong kwarto ni Ara.

"Name?"

"Fred Brooks, forty years old and Bill Brooks, twenty-seven years old." Sabi sa kaniya nung lalaking forensic. Tumango naman siya.

"Cause of death?" Nagsuot siya ng gloves at lumapit sa dalawa.

"Gunshot, probably." Sagot niya kay Nathaniel na kakarating palang. May tama ito sa bandang ulo at tiyan, yung isa naman ay parang sinakal muna bago barilin. "Witnesses?"

"Si Mister Wigmark Tremor." Pagkasabi no'n ay lumapit na kaagad siya sa kapatid ni Ara.

"Where's Ara? These bastards won't stop bothering us!" Bungad ni Wigmark pagkalapit niya rito. Kahit siya mismo ay hinahanap si Ara. "Are you hiding her, aren't you?"

Capturing LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon