Chapter 28

145 5 0
                                    

"Anong ginawa sa'yo ni Nathaniel?" Tanong ko nang matapos magamot ang natamong sugat niya. Nandito kami ngayon sa hospital dahil hindi ko matiis makitang nagdurugo masyado ang kaniyang balikat.

"I don't know." Sagot niya. Naiirita na ako dahil gano'n parin ang sagot niya sa akin.

"Is he a spy or something?" Nagkibit balikat naman siya ngayon. Hahampasin ko sana ang braso niya kaso naalala kong ginamot pala siya. May mga galos din kasi siya.

Pumunta ako ngayon sa kwarto kung saan si Nathaniel. Sakto pagkarating ko ang pagkagising niya. Nanlaki pa ang mata niya. Aalis sana siya sa kama ngunit nakaposas ang kaniyang kamay sa gilid ng kama.

"Ara..." tanging yo'n lang ang nasabi niya habang nakahalukipkip ako sa harapan niya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin. "May nag utos ba sa'yo?" Hindi parin siya sumagot kaya napabuntong hininga naman ako.

Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama niya. Nakita ko ang wallet niya at tiningnan ang mga I.D niya ro'n. Mukhang wala naman siyang pake sa ginagawa ko at hinayaan lang akong kalkalin yo'n hanggang sa nagsalita siya.

"Isa rin ako sa pinagkakatiwalaan ni Sir Rogelio," panimula nito. "Maliban kay Ingrid, binata palang ako ay kasa-kasama ko na ang tatay mo. Ngunit mas napapansin noon si Ingrid."

"Ikaw? Pinagkakatiwalaan ni Dad?"

"To be honest, nang malaman kong nasa Zambales ka. Ako mismo ang lumapit sa tatay mo para bantayan ka." Kalmadong sabi nito. "Your father told me to protect you from Ingrid."

"Bakit naman? My father knew him so well. Simula noon pa. Tsaka bakit balak mo rin siyang patayin?" Hindi ko maiwasang magtaka sa mga nangyayari ngayon lalo na't dumagdag pa itong si Nathaniel.

"Remember Wiston?" Tumango naman ako. Ngunit bago siya makasalita ulit ay bumukas ang pintuan. Pumasok si Ingrid na halatang hindi mapakali. Halatang tumakas pa siya sa kwarto niya.

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Sumama ang paningin niya kay Nathaniel pero pinigilan ko siyang sumugod dito.

"We need to go, Ara." Madiin niyang sabi.

"Bakit? Hindi ka pa magaling and I'm still asking-"

"Nard has been shot, Ara." Nagulat ako sa sinabi niya at lumamig ang pakiramdam ko. Hindi ko na maintindihan ang gagawin ko.

"Where is he?" Humihina ang boses ko sa bawat salita ko. Nanghihina narin ako.

"Zambales. I hope he's still alive." Tumango naman ako. Lumingon muna siya kay Nathaniel bago niya 'ko hinila palabas sa kwarto nito.

Nagpresinta akong magmaneho ng sasakyan ngunit tumanggi siya at naunang sumakay sa driver's seat. Wala na akong nagawa kaya sumakay nalang din ako. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong nangyayari sa Zambales. Kahit alam kong ayaw akong papuntahin do'n ng mga kapatid, pupunta parin ako.

I tried calling Ate Ayen's number but she's not answering it. Mas lalo akong naiinis dahil wala man lang makausap isa sa kanila. Ilang oras pa bago kami makarating sa Zambales. Kahit hindi namin alam kung saan yung hospital ay dumiretso na kami rito sa Palanginan.

"Nard Tremor?" Tanong ko sa information. Agad naman niyang tiningnan yung listahan.

"Second floor, room 99." Pagkabanggit nito ay agad na akong kumaripas ng tumakbo. Hinayaan ko nalang si Ingrid na sumunod sa akin dahil kanina ko pa gustong makita ang kapatid ko.

Pagkabukas ko ng pintuan ay halos kumabog ang puso ko nang makitang dahan-dahang tinatakpan ng puting tela ang taong nakahiga sa kama. Nanghina bigla ang tuhod ko sa nakikita ko ngayon. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang luha kong bumagsak.

Capturing LiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora