Chapter 13

543 14 2
                                    

Gabi na noong nakita kong may paparating na sasakyan sa compound ng bahay nila. Paniguradong si Ingrid na 'to. Mabilis kong binuksan yung pintuan at humalukipkip. Nang makalabas siya sa sasakyan at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Tagal! Gutom na 'ko!" Pagmamaktol ko. Kumunot tuloy yung kaniyang noo.

"Anong kinain mo? May pagkain naman sa ref, diba?" Pumunta siya sa likuran ng sasakyan niya at may nilabas na shopping bags. Kuminang kaagad yung mga mata ko at sinalubong ko siya.

Nagulat pa siya nang hablutin ko yung mga bitbit niya. Dahil masyado akong excited makita yung binili niya at kinalat ko sa salas para makapili ng maayos.

Pero nanlumo ako nang wala akong magustuhan. Plus, it's not even branded! Tiningnan ko muli yung shopping bags at tatak naman 'to ng mga sikat na brand.

"You like it?" May halong pang-aasar yung tono niya.

"Are you fucking kidding me?" Nilingon ko siya at nakita kong nakangisi siya. Hinablot ko yung isang t-shirt at hinagis sa kanya. "Is that what you called clothes, Ingrid?"

"Well, yeah. Why do you need expensive clothes when you're just gonna stay inside here?" Kung may balak siyang asarin ako. Naaasar talaga ako! "You're gonna wear those clothes."

"No!"

"Okay." Saka siya dumiretso sa kusina. Humigpit yung hawak ko ro'n sa mga damit sa sobrang panggigigil. Nakita kong may isang medium size na shopping bag. Tiningnan ko yo'n at nanlaki yung mata ko.

Dinala ko yo'n sa kusina at binagsak sa lamesa. Napatingin naman siya sa akin habang naghahanda siya ng pagkain.

"What are those?" Turo ko sa shopping bag. Sinilip niya at nagkibit balikat siya.

"Damit panloob." Sagot niya saka ako tiningnan.

"Alam ko!" Bulyaw ko. "Pero, bakit may t-back diyan? Pinagloloko mo ba ako? Saka ano 'to? I don't wear this kind of shit!" The inner clothes looks so seductive. Para namang may balak akong gawin sa kanya. Baka siya ang may balak!

"Well, baka nasama lang." He smirked. "Wag ako, Ara. I saw all your magazines. Maliban sa hubad ang photoshoot mo, suot mo ang ganiyang damit. So, wag kang mag inarte."

"Ha! Akala mo naman susuotin ko yan kahit nagawa ko yan sa photoshoot ko? Hell no!"

"Amoy alak ka parin. Maligo kana." Tinalikuran na niya ulit ako.

Umakto akong babatukan siya pero pinigilan ko nalang yung sarili ko. Padabog kong kinuha yung shopping bags at umakyat sa taas. Dalawa yung kwarto at paniguradong yung isang kwarto ay sa kanya at yung isa ay sa nanay niya. Ayoko namang matulog do'n kaya pinili ko yung kwarto niya.

Pagkapasok ko ay natawa ako dahil mukhang pang teenager yung kwarto. Feeling bata si goon? Nilapag ko sa sahig yung mga gamit ko at nahiga sa kama.

Kahit gabi ay maliligo parin ako. Maghapon akong pinawisan at napakalagkit na ng katawan ko. Nakakairita!

Namili ako nang maisusuot ko at may long sleeves at pajama naman para hindi kagatin ng lamok. This house is not even airconditioned. So, I probably need to put some off-lotion.

Matapos kong maligo ay hindi parin ako pinapansin ni Ingrid. Habang nagluluto siya ay may kinakausap siya sa cellphone niya. Habang paakyat ulit ako ng hagdanan ay ngayon ko lang napansin na may mga litratong nakasabit do'n.

I traced my fingers on it while I realized myself smiling. Narinig kong may tumikhim sa likuran ko at nakita kong si Ingrid yo'n. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ko kaya mas humigpit ang paghawak ko sa tuwalya.

"That's my mom." Napatingin ako sa babaeng eleganteng nakaupo. Napakatamis ng ngiti niya habang ang kaniyang suot ay puting dress at hinahangin pa ang kaniyang buhok. Napakaganda. "My dad took that picture when they were on twenties."

"That's sweet." Napadako naman ang paningin ko sa family picture nila. Batang-bata pa rito si Ingrid. Natawa pa ako sa gupit niyang mukhang bao. "Bakit ganito itsura mo? Mukhang babae!" Natatawang sabi ko.

Umirap naman siya, "Magbihis ka na nga. Kakain na tayo pagkatapos mo." Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa pag akyat.

Matapos kong makapagbihis ay naupo ako sa harap ng salamin habang sinusuklay yung buhok ko. Napatigil ako sa ginagawa ko at napabuntong hininga.

Gusto kong bumalik sa normal kong buhay pero wala na sa industriya ng pag-aartista. I know how to make business, kaso kung mamadaliin ko naman. Paano na si Ingrid? I know, he's just doing these to protect me. Wait, is he even protecting me or just capturing me with his lies?

"Hindi ka pa ba tapos?" Bumalik ako sa reyalidad at tumayo na sa pagkakaupo. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakatayo lang siya ro'n habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya.

"Hindi makapaghin-"

"You really chose my room." Nakangising sabi niya.

"Well, I'm scared using your mom's room." I said then shrugged. Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko. Mabilis kong tinapik ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Not my hair, goon!"

"Want me to take you to sleep later?"

"No! Wag kang tatabi sa akin." Binangga ko siya at mas naunang bumaba sa kanya.

Napangiti ako nang maabutang nakahanda na yung pagkain para sa akin. Kung sakaling matapos na yung isyu sa akin. Wala na akong madadatnan na ganito. Though, mom has maids to prepare our food. Pero, iba parin kung siya ang may gawa. Hindi nakakasawa.

"Baka naman malusaw na yang pagkain." Rinig kong sabi niya sa likuran.

Sa tuwing nag-e-emote ako ay laging umeepal ang isang 'to. Mamimiss ko rin ang ugali niyang ganiyan. Teka, ba't parang mamamatay naman na ako ng totoo?

"Kailan mo gusto bumalik?" Yung kanina kong iniisip ay tinanong na niya. Kailan nga ba? Ang tanong, gusto ko ba talaga? "I can help you." Sabi niya at tumingin sa akin. I don't even need his help. I just need his company.

"Hindi ko alam." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. Tumango-tango naman siya. Sinalinan niya yung baso ko ng juice at nagpasalamat naman ako.

"I just wanna ask something." Sabi niya. Tumango naman ako. "Bakit nagpanggap ka na patay? Maliban sa ayaw mo yung ibang artista. May iba ka pa bang rason?" Sa tinanong niya yo'n ay bigla akong lumungkot. Hindi ko rin alam kung bakit.

Ilan taon narin ako nang pilit kong itanggi yo'n sa sarili ko.

"Hindi ko rin alam." Muling sagot ko. I know he's not satisfied with my answer. Kaya umiwas ako ng tingin.

"I won't force you to-"

"I feel so sad every time I saw my parents looks so proud of me. Hindi nila alam na pinepeke ko lang lahat ng kasiyahan ko. My feelings were not permanent, not even temporary. My life was full of lies." Namalayan kong tumutlo na yung luha ko. "I got the fame, money and everything! But, it doesn't completes my life. I feel so empty."

"I understand you." Mahinanong sabi niya. Naramdaman kong hinaplos niya yung likuran ko. "Do you want to go back?"

"I wanna if you..." hindi ko tinapos ang sasabihin ko.

"If I, what?" He asked.

Looking at his eyes are so intense. You can't even understand what he's feeling right now. As I slowly put my hands on his cheeks, I felt my heart skipped a beat.

"Would you still care for me?" Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Hindi ko alam kung tama ba 'to. Kasi kung oo, sobrang saya ko.

Capturing LiesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang