Chapter 44

124 6 0
                                    

Wala pang ilang araw ay nabalita na buhay si Vivienne. Kita ko ang pag ngisi ni Mom dahil tama ang hula niya. Marahan pa siyang tumawa habang umiiling.

"Kapag masamang damo ka nga naman." Napangiwi naman ako sa pinagsasabi niya. It is new to see her like that. Dati halos magbigay pa siya ng pera sa mga kausap niya pero ngayon parang may masama siyang binabalak. "Bibisitahin ko ang Dad niyo mamaya."

"Well, good luck with that." Mapang-asar na sabi ni Kuya James. "Wag kalimutan ang gamot sa high blood." Natawa kaming dalawa ngunit nanatiling seryoso si Mom. Naalala kong hindi niya napigilan ang sarili na muntik niya nang sugurin si Dad, buti nalang kasama niya si Kuya James do'n.

"By the way, isasama ko si Raven. He needs to go have fun outside. Bibilihan ko siya ng mga gusto niya." Sabi ni Mom habang inaayos yung relo niya. "I will probably hire a guard for your son."

"Masyadong obvious na yo'n, Mom." I sighed.

Nang makababa na si Raven mula sa kwarto namin ay humalik siya sa pisnge ko at ilang segundo rin siyang nakayakap sa akin. He waved his hand before leaving.

Sinusubukan kong ayusin ang schedule ko para mas marami nang oras kay Raven. Isa rin sa pinagpipilian ko na pag nakaipon ay aalis na ako sa pagiging artista at magtatayo nalang ng business. It won't be hard since may nalalaman ako kay Kuya Nard dati.

"Alam mo bang ikakasal ulit si Lindsey?" Naupo naman ako sa gilid ng kama namin habang tinutupi yung mga damit.

"Huh? Kanino?" Nagtataka naman ako. Ni hindi ko nga alam na kinasal na siya rati pa base sa pagkakasabi ni Micherre. "Ba't ngayon mo lang sinabi?"

"Duh! Aksidente kong nalaman. Niyayaya ko lang mag gym si Ariesana nang may makita akong invitation."

"Invitation? Kay Aries?" Kung may ikakasal man isa sa amin, alam namin dapat lahat yo'n. "Well, baka ayaw lang niya ipaalam o baka itinatago lang talaga niya?"

"Kahit si Aries walang ideya kung bakit may gano'n sa condo niya." She chuckled. "Woah, nagiging malawak na ang pag-iisip mo sa ganiyan ha. Iyan ba ang natutunan mo kay Ingrid?"

I scoffed, "What the hell? Ba't nasama siya bigla?"

"Hmm, bakit wala pa bang plano?"

"Plano?"

"Kasal, Ara!" Napalayo ko yung cellphone nang sumigaw siya. "Naghihintay kaya kami kung sinong susunod na ikakasal kay Sarr! Gusto narin namin makita si Raven. Lahat tayo busy and we need to have a reunion. And that reunion will be your wedding!"

"Gosh, nauuna ka pa sa akin." I faced palm. "Bakit kaya hindi ikaw ang sumunod na ikakasal?"

"Hmph! Bye!" Aba, bastos! Kung kanina ako ang inaasar niya tapos siya ang magagalit.

Matapos kong matupi yung mga damit ay inayos ko naman yung mga laruan ni Raven na pakalat-kalat. Napahinto ako sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili ko.

Sinubukan kong ngumiti, tulad nung mga ngiti ko noong may mga pumupuri sa akin, nananalo ako at yung ngiting siya ang dahilan. Napakalayo na ngayon. Parang hindi na ako. Hindi na ako yung Ara na matigas ang ulo, walang pinapakinggang opinyon kundi ang sarili ko, sarili kong kasinungalingan.

Lahat ng kasalanan ko, pinipilit kong itago sa mukha kong ito. Hindi ko pinapahalatang napakarami kong nagawa. Iyan, tuluyan nang tumulo ang luha ko. Bakit sa lahat ng tao sa kaniya pa ako nahulog? Bakit sa taong marami akong tinatago at kasalanan?

Naririnig ko ang pagtatalong ginagawa ng mga kapatid ko sa baba. Napahinto ako sa hagdan at hindi ko mapigilan ang pagluha ko. Halos magsigawan na sila't magsisisihan kahit na pumapagitna na si Mom sa kanila.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now