Chapter 14

583 16 0
                                    

Ilang araw narin ba akong walang ginagawa rito sa bahay niya? Palagi siyang umaalis tuwing madaling araw tapos gabi na uuwi. Ayokong maging concern sa kanya dahil mag-iisip nanaman ng kung anu-ano yo'n. Medyo assuming kasi ang goon na yo'n.

"Oh, come on! Inflatable pool lang. Ang init-init kaya!" Sabi ko sa kabilang linya. Binigyan niya ako ng bagong cellphone kaso keypad. Naiirita ako dahil hindi ako gumagamit ng ganito. Kinuha niya pa yung sim ko rati para raw hindi ma-trace.

"Hindi ko magagawa yo'n. Ang dami kong inaasikasong papeles." Mahinahong sabi niya. Naririnig ko pang may kausap siya.

"Edi sana iniwan mo 'ko sa isla!" Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim.

"Wag kang makulit. Ikakadena talaga kita." Napaawang pa ang bibig ko sa sinabi niya. "Ikakadena sa kama."

"Bastardo!" Bulyaw ko. Mabilis kong pinutol yung tawag dahil sa kadugyutan ng pinagsasabi niya.

Kumonekta ako sa wifi gamit ang laptop niya at naghanap ng resorts dito sa Zambales. Marami akong nakita at isa narin do'n yung pagmamay-ari ng kaibigan ko. Kung puntahan ko kaya si Rizz? Narinig ko kasing kabibili niya lang yo'n last month.

"Hey, it's me." Nakangiting sabi ko.

"Who?" Mataray niyang tanong. Napairap ako sa hangin. Natandaan kong pinalitan din yung sim card ko.

"Ara Tremor, bitch." Nakangising sabi ko.

"Oh! Totoo ngang hindi ka patay. Kala ko nagloloko 'tong si Ianne." Halakhak niya. Kung batukan ko kaya 'tong babaeng 'to. Ang lakas pa niya tumawa.

"So, you wanted me to be dead?" May pagkapait sa tono ko.

"I was just kidding. Ara Tremor is dead? Sinong niloko mo?" Natawa nalang ako ng marahan sa sinasabi niya. "We're all strong independent women. We all have reasons why we do shits in our lives."

"Yeah, yeah." Minsan lang naman kasi dumaldal ang isang 'to.

"So, what can I do for you?" She asked in formal way.

"Bibisitahin kita riyan sa resort mo sa Palauig." Nahiga ako sa sofa at kinukulot pa yung buhok ko sa daliri ko.

"Seriously? Are you even allowed to go out? Narinig ko kay Ren na may humahanap sa'yo." Oh, yeah. Kailangan ko ng impormasyon tungkol diyan. "Baka pag pumunta ka rito, masira yung resort." Napairap ako sa hangin nang mas alalahanin niya pa yung resort niya.

"Bitch, I can disguise." Iritang sabi ko. "What about it? Ano naman kung may naghahanap sa akin?"

She sighed, "Hindi lang paghahanap ang plano nila, Ara. Once they capture you, they'll kill you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why would they kill me?" Natatawang tanong ko. Alam kong kinakabahan ako. Pero, alam kong hindi nila magagawa yo'n. I've been doing bad things since teenager. Try me, then.

"Probably, you lied to everyone." Halatang seryoso ang kanyang tono.

"Then? It's not even a big deal-"

"It is, Ara." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. "I know, we can help you. But, everyone knows that you're dead but you know to yourself that you aren't. So, kung mamamatay ka talaga? Paano nila malalaman ang totoo? Do you wanna live with your lies, Ara?"

"I called you because I wanna enjoy my life without fake shits." Iritang sabi ko. "Pero, pinangaralan mo ako na parang mas matanda ka sa akin."

"Well, because I am your bitch?" Sabi niya. Nagi-guilty tuloy ako ngayon.

"Kung hindi mo ako papapuntahin diyan. Sa iba nalang ako." Bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay pinutol ko na yung tawag.

Mabilis akong umakyat sa taas para mamili ng damit. Pero, naiisip ko kung anong mangyayari pag umalis ako. Paniguradong magagalit si Ingrid. But, I'm really bored! I need some fresh air in the beach.

Capturing LiesWhere stories live. Discover now