Chapter 1: The Fortune Teller

5K 82 9
                                    

Chapter 1: Fortune Teller

{Kayden's POV}

8 years ago...

     A life without a purpose.

     Sabi nila once na mawala ang will mo para mabuhay, mas masahol ka pa sa naglalakad na bangkay. Kung ganito lang din pala, sana namatay nalang ako. Dahil wala din namang pinag kaiba.

     Ilang buwan na ang nakakaraan mula ng maaksidente ako, at mawala ang ala-ala ko. Kasabay nun, isang mahalagang bagay ang nawala sakin. Hindi ko alam kung ano yun, pero kahit gaano ko ayusin ang buhay ko, para bang tuluyan ng nawala ang bagay na yun. Kasabay ng kagustuhan kong mabuhay.

     Mahirap ang pakiramdam na may mawalang bagay na mahalaga sayo. Pero ang mas mahirap ay yung hindi mo man lang alam kung ano yun.

     Pinilit kong magsimula ulit para sa pamilya ko at gumawa ng mga bagong alaala. Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko. Wala na akong pag-asa. Hinihintay ko nalang yung araw na mamatay ako.

     "KAYDEN VELASCO! KAHIT KAILAN ANG STUPID MO TALAGA!" 

     Hmmmm? Sino yung nagsalita? Nasan ako?

     Napasobra na ata ang inom ko, nagdidiliryo na ako. 

***************

{Kitty's POV}

     "Aalis ka na kaagad?" -Mimi

     "Oo, kailangan ko ng makabalik sa states. Tutal naman eh tapos na yung kasal nila Ate Denise eh yun lang naman talaga yung pinunta ko dito." sabi ko.

     "Kainis ka! Di mo man lang ba aantaying makapanganak kami ni Sapphire..?" -Mimi

     "Sorry talaga bessy, pero kailangan ko na talagang bumalik kaagad."

     Mahirap na, baka may makita nanaman akong stupid diyan sa tabi tabi.

     "Kahit one month lang?" tumawad pa tong buntis na to. Nagmamadali na ngang bumalik diba?

     "Hindi talaga eh."

     "Hindi mo man lang ba aantayin yung mga future inaanak mo?" sabi pa niya na hinihimas himas pa yung tiyan.

     Umiling ako, kahit gaano ko man kagusto eh hindi ko na talaga gustong magtagal pa dito. Natatakot ako na baka may bumalik na feelings. I can't afford to make the same mistake again. And that is to be, In a Relationship with a Stupid.

     "Ano ba yan! Ang hirap mo namang kumbinsihin!" inis sa sabi ni Mimi. "Ccr na nga lang muna ako. Nababanyo nako sayo eh." sabi niya.

     "Kailangan mo ng kasama?"

     "Hindi na, diyan ka nalang. Antayin mo yung order natin."

     Pagkatapos ay umalis na siya. Itong babaeng to, magiging nanay na at lahat ang hilig paring mag tantrums. I wonder kung panu siya natatagalan ni Harvey.

     Asa starbucks nga pala kami ngayon ni Mimi. Mamimili dapat sila ni Harvey ng mga gamit ng baby saka iba pang kakailanganin sa panganganak nya. Pero since matatagalan pa si Harvey sa trabaho nya eh sinasamahan ko lang muna si Mimi. Sa makatuwid, chaperone ako dito. 

     Napatingin ako dun sa babaeng pumasok. Diko alam kung bakit, nagandahan lang ako sa kanya. Huh? Di kaya... iba na ang type ko ngayon? Ayst, hindi noh! Crush ko nga si Doc Nath eh ibig sabihin ay lalaki pa din ang gusto ko.

     Parang may hinahanap siya sa bag niya tapos nagdiretso sa counter. Tapos napansin ko yung kulay pink na wallet na nalaglag sa sahig. Hmmm? Ibibigay ko ba sa kanya o hindi?

In a Relationship with a Stupid {Book 2} ✅Where stories live. Discover now