Chapter 1- The Heartbreaker

25.2K 310 6
                                    

Athena:

" Eric, san tayo pupunta? Hindi Ito ang daan papunta sa bahay ko "

" Babe, two months na tayong couple, I think it's about time to introduce you to my family. "

" What? Bakit di mo sinabi agad? I'm not prepared to meet them "

" But why? I mean, okay lang yun. I'm sure they'll gonna like you. And besides, kilala ka na nila dahil lagi ka naman nilang nakikita sa Social Network ko, at lagi kitang kinukwento . In fact they are excited to meet you. "

" Eric you don't get it. I don't wanna see your family. Why are you taking this relationship seriously? I know that meeting them will make you expect that we'll step up to the next level. I'm not yet ready for this. Bata pa tayo so let's make it easy. "

" Athena, we're not a teenager anymore. Isang sem na lang ay gagraduate na tayo ng college. I'm so serious about you kaya sana ganon din ang nararamdaman mo sa kin. I have so many plans for us. Right after the board exam ay i-tuturn over na sa kin ang pagmamanage ng business namin. We can get married by that time. "

" My god Eric! Ang layo na ng narating mo. After the board? Have you not realize na that is exactly one year from now? Twenty years old pa lang tayo nun. You have your plans? Well I also have mine."

" Babe.. Hindi naman kita pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin. Go on, I'm just here to support you. "

" Eric stop! Enough of this drama. I can't take this anymore.... I think we should break up"

" Hey, w-what's going on? I just want to prove how much I love you, pero bakit kailangang humantong tayo sa ganito? "

" Yun na nga eh. I'm sick and tired of your love and sweet gestures. You know from the start na ayoko pa ng seryosong relasyon. I just wanna have fun. I need a space right now. Let's call it off, bye Eric. "

" Athena wait! Please wag mong gawin sa kin to. I will not force you okay. Just take your time. But please wag lang ngayon... Today is... my birthday and I want it to spend with you. "

" Let go of my hand! Do you want to know the truth? I don't love you Eric. And I was just thinking na pag pinatagal pa natin to ay lalo ka lang masaktan.. Lalo ka lang umasa. I don't wanna give you a false hope. Whether you like it or not, we should separate from here."

"Oh.. By the way Eric... Happy birthday! "

I turned my back from him. Alam kong nasaktan ko sya at masamang masama ang loob nya. Iiyak sya at malamang magwawala at magpapakalasing pagdating sa bahay. Isusumpa ako ng pamilya nya, but who cares? Masama ba kong Tao? Considering na birthday pala nya ngayon. Hindi nya rin kasi agad sinabi, nasa momentum na ko ng pakikipag break. Anyway given naman na yun na made depressed sya. Hindi naman siguro sya magpapakamatay.

Kaya nya yun.. ngayon lang yan. After all, he's a player. Playboy sya bago maging kami.

I'm not a bad girl. In fact, I have so many friends out there. Tagapagtanggol ako ng mga babae at baklang pinaglalaruan at sinasaktan lang ng mga lalake. Hindi ako pumapatol sa mga mahihina.. Sa mga naive at sa mga mababait, hindi ko sila kayang paglaruan. Umpisa pa lang ay nadudurog na ang puso ko kaya first base pa lang ay basted na. My real target is a jerk. Yung mga lalaking parang nagbibihis lang ng damit kung magpalit ng girlfriend. Yun bang ang trato sa mga babae ay isang manika lang na kapag sawa na Sila ay iiwanan o ipamimigay kung kanino. The worst... Sisirain at pagkatapos ay itatapon. And that is Eric before. Huwag nyo syang kaawaan.. He just got what he deserved.

And now... lets go back to normal.

" Hello Gene... nasan na kayo ni Ella? "

" Palabas na ng school, movie date after. Why? "

" Sama ko. San kayo manonood? "

" Sa SM Aura. Teka... pano si Eric, magkasama kayo di ba? "

" Kanina, hindi na ngayon. Mga five minutes na kaming break. O pano, see you there"

-------------------------------------------------------

" Juice ko naman Athena, kelan mo ba ititigil yang advocacy mo na patitinuin mo ang mga playboy. Hindi naman sila tumitino eh, mas lalo ata silang nagiging player pagkatapos mong lokohin. Yung galit kasi nila sa Iyo, sa mga kawawang babae nila binubuhos. ", pagmamarakulyo sa kin ni Gene

" Yung Iba naman nagiging woman hater.. kaya nagiging taong bato "

" Pang-ilan na ba si Eric? Hindi ka ba natatakot, baka makarma ka. ", iiling iling na side comment ni Ella

" Ella, karma doesn't exist. Ang sarap lang tignan na ang mga mighty player na yun ay devastated at mukhang kawawa. "

" Yung totoo Athena? CPA ba talaga ang pinupush mong career? Without realizing it, nagiging playgirl ka na rin. "

" Pag nalaman nila Tita ang ginagawa mo malamang ipatapon ka sa America. "

" Nagtataka ko sa iyo, you have a wonderful family. Napakaganda ng love story ng parents mo pero bat ganyan ka? Naniniwala ka pa ba sa true love?"

" Gene, hindi involved ang family ko dito. Of course I still believe in true love. Darating tayo dyan, at hindi ko rin pipigilan ang sarili ko na magmahal. But I'll make sure na ako lang ang magiging babae sa buhay nya.. at hinding hindi nya ko sasaktan. ", depensa ko sa kanilang dalawa

" Eh pano kung yang lalaking hinahanap mo ay Isa ring dating playboy? Na handa syang talikuran ang lahat para lang sa iyo? Pano mo malalaman ni ayaw mong mag invest ng emotion? Malay mo Isa na pala sya sa mga lalaking pinaiyak mo? "

" Para namang hindi pa kayo naiin love. Sa lahat ng naging fling ko, wala akong naramdaman. Wala naman akong resistance na ginagawa pero alam mo naman siguro yung feeling na nainove ka. Ibang iba sya. But so far, hindi pa talaga tinatamaan ni kupido ang puso ko "

" I don't understand why everybody is crazy about you. Hindi naman tayo nagkakalayo ng itsura, long hair ka lang teh. "

Muntik na kong masamid sa sinabi ni Gene, natawa ako ng big time. Best of friends kami nila Ella since First Year college. Ang dalawang Ito ang aking conscience. Gene is a gay, pero hanggang dun lang yun. Believe me, hindi sya nakikipagrelasyon sa lalaki. Bakla lang sya, hindi sya naaattract sa mga babae.. ganon lang yun. SI Ella ay hindi nagboboyfriend until hindi sya nagiging CPA, focus daw muna ng husto. Ewan kung anong Plano nya sa buhay if ever na hindi sya pumasa dahil engrossed na engrossed sya sa title at lisensya.

My friends are right. Happy family kami, and dad loves my mom so much. Kaya siguro ang taas ng expectations ko pagdating sa relationship, ideal kasi ang meron kami. Nangangarap din naman ako ng mala fairy tale na love life, nakakapagod din ata ang ganito. But I'm not in a hurry, alam kong darating yun. Kung kailan ay hindi ko pa alam. For now I will make the most of opportunity.... Until the right one comes.

________________________________

Support my other works:

The Heartthrob Agent - Darren and Liza

The Stolen Crown - Prince Rafael & Diana

The Priest and I - Steven & Roxanne

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon