Chapter 13 - His Bestfriend

9.3K 149 8
                                    

JEROME:

I entered to the room na dala ang asar sa ginawa ni Athena. Pabagsak kong nilapag sa table ang bag at mga librong hawak ko. Saan kaya nakuha ng babaeng yun ang mga pictures ko at sino kaya ang lead na nagbibigay sa kanya ng information. Bad trip talaga!

" Bro, anong nangyari kanina? Okay ka lang "

Hindi ako nagsalita, si Borge ang maituturing kong close sa mga classmates pero alam ko na ang loyalty nya ay mananatiling na kay Athena.

" Sige Jerome, kung ayaw mo, di kita pipilitin. Pero wag mo munang isipin yun sa ngayon, may exam tayo ", tumalikod na sya pagkasabi nito.

" Borge, she broke up with me "

" Si Athena, but why? "

Pinakita ko kay Borge ang mga pictures na binigay ni Athena kanina lang. Nilantad ko na, malalaman din naman nya soon.. what's the use of hiding it.

" Jerome! Eh ikaw pala may kasalanan eh! ", see, high blood sya kaagad

" Pati ba naman ikaw galit? Bakit ba hindi nyo maintindihan na it was all in the past. It was... before I met her!! "

Sya naman ang hindi nakaimik. Mukhang effective yung pag eemote na ginawa ko. Mukhang naapektuhan at baka sakaling maniwala na sya.

" So sinasabi mo ngayon na hindi mo na ginagawa yan? Are you really serious with her? "

Akala ko pa naman naconvince ko na. Oo nga pala, classmate ko sya at ang isang law student ay hindi madaling mauto. Pero sige, ituloy ko na ang pagdadrama na inumpisahan ko kanina.

" Kahit anong sabihin ko, alam kong hindi rin naman kayo maniniwala. Kaya hindi na ko magpapaliwanag."

Tinignan nya ko ng masama dahil sa sinabi ko.

" Tinatanong lang kita Jerome, wag kang guilty "

Pagkatapos ng insidenteng yun ay hindi ko na kinausap si Borge. Hindi ko na rin ineexpect na magiging okay pa sa min ang lahat. Sa tingin ko mahal nya si Athena, hindi lang bilang isang kaibigan.

Pagkauwi ko ng bahay ay mabilis kong tinawagan si Darren, sya lang ang makakatulong sa kin sa mga oras na Ito.

" Bro, busy ka ba? ... I badly needed your help, may ipagagawa ako sa iyo. "

" Pare, anong problema at bakit biglaan kang may ipapagawa? "

" You won't believe this", at ipinakita ko sa kanya ang mga pictures at USB na binigay sa kin ni Athena.

" Wow... ang sexy mo dito pare. You're so freaking hot here. Ano tong USB? "

" I've watched it, nakakahiya man pero yan yung mga video scandal ko "

" Pag pinanood ko ba to masasatisfy ako? "

" Darren! We have a problem here okay. Tulungan mo na kong hanapin kung sino ang may kagagawan nyan! "

" Relax. Bat nagmamadali ka, may lakad ka ba? "

" Medyo frustrated ako, sinabi ko pa naman  kay mama na kami na. Pano na ngayon. Kailangan kong mapabalik sa kin si Athena "

" Ang simple lang naman pala ng problema, eh di makipagbalikan ka. "

" Yun nga ang problema, bigyan ko daw sya ng isang taon sabi ng ng tatay nya "

" Ahh.. parang love can wait na effect. Ahahahahahahaha "

" Makatawa ka naman wagas. Tulungan mo na ko "

" San kita tutulungan? Na hanapin kung sino ang may gawa ng mga pictures? O tulungan kitang maibalik sa iyo si Athena agad? "

" Pareho! "

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon