Chapter 21- Engaged

11.8K 187 10
                                    

Athena !!!

" Jerome! H-hi, so kayo pala ang mga lawyers na makakasama namin. What can I say.. please to meet you sir ", at nakipag shake hands sya sa ming tatlo, and when it's my turn.. nanginig ang buong kalamnan ko.

Nagwawala na ang puso ko, alam kong mali itong nararamdaman ko pero gusto ko syang kausapin. Parang hindi ko na mahihintay na matapos ang meeting.

" Good morning! Is everybody here? Let's start ", biglang sulpot ni Ms. Dominguez, ang isa sa mga shareholder, kasama rin pala sya sa meeting.

Nagdidiscuss si Dindi, si Ella, si Ms. Dominguez.. in fact all of them nagsasalita at may kanya kanyang comment, including Athena. Shit! Wala kong maabsorbed. All I am thinking right now is her. Lahat nagfufunctions except me na parang naparalyzed sa kinauupuan ko.

" Attorney Sandoval.. are you okay?  Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip mo "

" Go on ma'am, I'm just listening", palusot ko sa may ari.

" It's unusual.. If it is about the case, then spill it. "

" No ma'am. Okay lang ako. I was just amazed by our auditors. Mukhang nakita ko na ang magiging partner namin ng matagal. ", bigla kong bawi

Nagpatuloy lang ang meeting hanggang sa matapos. Bottom line..wala akong naintindihan! Pag-aaralan ko na lang.. Itatanong ko na lang din kay Darren mamaya.

But at this point of time, hindi ko pa rin sya makakausap. Nagyaya kasi si Ms. Dominguez ng lunch. Ang nakapagtataka lang, parang natural na natural si Athena. Although nakita kong nagulat sya ng makita nya ko, wala kang mababakas na galit sa mukha nya. She even managed to smiled at makipagkamay ng normal sa amin. Bakit ganon? Parang walang nangyari sa kanya, habang ako ay apektadong apektado.

" I presume hindi pa kayo nagkakakilala ng husto sa isa't isa. "

" Actually acquaintance kami before dahil si Borge at Jerome naging classmates sa Reinhard ng isang Sem ", sagot ni Darren

" Ohhh..so magkakakilala na pala kaya noon pa. Tignan mo nga naman, small world talaga no. Eh pero di ba Attorney sa Cagayan ka graduate ng Law? "

" Isang sem lang po kami naging magkaklase, nagtransfer na kasi ko sa Cagayan due to my mom's condition before "

Nakita kong sabay sabay na nagyukuan ang mga lalaki, habang si Ella ay matalim na umirap sa kin. At si Athena... blanko, walang reaksyon. Along our conversation nagsasalita sya, at tumatawa paminsan minsan. Hindi ko na sya mabasa, maybe nakikipagplastikan lang sya at ang kanyang mga kaibigan dahil kaharap namin ang owner. Or should I say, pinakikitunguhan lang nila kami professionally. If there's one wish na meron ako ngayon sa isip ko ay ang umalis na si Ma'am. Dahil kanina ko pa gustong kausapin si Athena... once and for all.

" Afterwards wala na kayong communication? Parang reunion nyo na rin pala to "

" Wala na ma'am. "

" Ah.. By the way Athena, where is Mark? Iniwan mo sa US ang boyfriend mo? ", tanong ni Mrs. Dominguez

" He's here tita. "

" Oh-oh.. Kahit siguro san ka magpunta, susundan ka nun. He's afraid of losing you. Sabagay sino ba namang lalaki ang hindi maaatract sa iyo. Kaya ang boyfriend, mo laging insecure"

" Hindi naman tita. He's kind and sweet. Hindi rin yun seloso and he trust me. Ako lang yung gusto na lagi kaming magkasama. Alam nyo na, mas safe pag nandyan sya "

In my heart I feel pain. Nandito ang girlfriend ko sa tabi ko pero nababalot ako ng lungkot. May boyfriend na si Athena.. at mukhang mahal na mahal nya. Kung tutuusin wala naman akong karapatan. Ako ang nanloko..ako ang nang iwan..at nagdulot ng labis na sakit sa buhay nya. But right now, ako yung bitter. Now I know kung bakit sya masaya. She has totally moved on, and what happened in the past, is but a history in her life...at isa na ko dun.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now