Chapter 26- The Mastermind

7.9K 160 1
                                    

Third Party's POV:

" Kumusta na ang pananakot na ginagawa nyo? "

" Sir pasensya na pero hindi kasi madaling sindakin yung bagong auditors. Mga palaban eh "

" Bakit? May ginawa na ba kayo?! Text pa lang naman ang ginagawa nyo. Subukan nyong paulanan ng bala yang mga yan, tignan natin kundi magsi pagresign! "

" Eh sir, akala ko ba tatakutin lang namin. Tutuluyan na ba? "

" Bahala kayo. Patayin nyo kung gusto nyo. Basta wag nyong idadawit ang pangalan ko, kundi malilintikan kayo sa kin "

" Sige sir. Nga pala, mukhang protected sila ng mga detective. Araw araw kasi mukhang sinusundan yung may ari ng firm ng isa sa mga detective "

" Hindi rin. Believe me, may mga araw na hindi sila magkasama. May mga sariling buhay ang mga yun. At bakit ba takot na takot kayo sa detective! "

" Hindi naman sir. Nag iingat lang kami. Kayo rin naman ang nagsabi na hindi pwedeng malaman ang totoong mastermind sa lahat ng ito.. dahil kami ang babalikan nyo"

" Aba may utak ka rin pala. Sige planuhin nyong mabuti yan. Pati mga detective..pag aralan nyo kung pano sila mapipigilan. Pero bilisan nyo. Isa isa nang nakikita ng mga auditors ang ninakaw namin. "

" Sige sir.. this time, totoo na ang next move namin. "

-----------------------------------------------

Ella's POV:

Sabi na, tama ako ng kutob. Kaya pala hindi mahuli huli ang mga suspect kung saang lungga sila nagtatago dahil may nagfefeed sa kanila na nasa loob ng opisina. Ang nakakapagtaka lang, isa sya sa mga may ari ng kumpanya.

Kailangang malaman to nila Darren.

Isa isa kong dinial ang mga kateam ko. Sa huli, ay ang dalawang detective.

" Darren, kailangan kayong pumunta rito. May importante kayong dapat malaman. "

At ang pinakahuli kong dapat kontakin- Si Ms. Dominguez..nasa panganib ang buhay nya!

" Ella, biglaan naman ata. Hindi ba pwedeng bukas natin to pag usapan, gabi na "

" Jerome hindi pwede, kailangan na nating kumilos at maghanda. Lalo ngayon..nasa panganib ang buhay natin...at ang buhay ni Mrs.Dominguez"

" Huh? Tayo oo, given na yun. Pero si madam, napakarami nyang body guards at puro armado pa. 24/7 syang bantay sarado at may babae pa kaya hanggang CR, protected sya. Takot lang ng mga yun "

" Pero hindi nila kayang protektahan si ma'am laban sa asawa nito "

" Ano?! Anong ibig mong sabihin "

" Darren..I think, kilala ko na ang mastermind ng grupo. At mukhang ang asawa ni Madam ang may pakana ng lahat "

" Ella..baka nagkakamali ka lang. Isa sya sa mga may ari ng Gemini, walang dahilan para gawin nya yun. And besides, he's in a critical state right now. So paanong mangyayari yun? "

" Dindi..I have an evidence. Here.. "

" Ano yan? "

" Ito ang device na kapartner ng tracking device na ikinabit ko sa ilalim ng kama ni Mr. Raul ng minsang dinalaw namin sya ni Athena. "

" Ano ang silbi nyan, paano? "

" Lihim kong nilagyan ng tracking device yung kama ni sir. Maririnig nun ang conversation up to ten meters na distance. At saka nya matatransmit directly dito, sa hawak hawak kong device. "

Revenge vs. Revenge (Romance)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora