Chapter 5- Plan# 2

11K 180 3
                                    

ATHENA:

" Athena may naghahanap sa iyo sa labas. Grabe, sobrang pogi parang artista. ", tawag sa kin ng yaya ko

" Kelan ngayon? "

" Hindi bukas.. Bukas may naghahanap sa iyo. "

" Yaya! Kakapanood mo kay Vice Ganda kuha mo na ang mga dialogue nya ha. Pilosopohin daw ba ko. "

" Eh kasi naman, ang linaw linaw ng pagkakasabi ko..."

" O sya tama na. Teka muna, ano daw pangalan? Kung kelan naman gabi na saka nya naisipang magpunta. "

" Aba ewan, malay natin. Baka aakyat sya ng ligaw kaya sya gabi nagpunta. "

" Hindi mo man lang tinanong ang pangalan? "

" Sorry, bigla akong nahiya eh. At saka natulala ako sobrang gwapo. "

" Naku naman, ikaw talaga pag gwapo nawawala ka sa sarili. Tawagan nyo si Mang Boyet, patanong nyo yung pangalan. "

" Ah sige sandali lang.. Hello Boyet... anong pangalan ng gwapong lalaki dyan na naghahanap kay Athena? Pakitanong nga kung sino sya.. Ah okay, sige sasabihin ko... Wag muna, hintayin mo instruction nya bago mo papasukin.. Salamat "

" Athena, Jerome daw ang pangalan. "

" Ano? Si Jerome!! Medyo matangkad ba? Tapos mala hunk at semikal ang buhok? "

" Oo sya nga. "

" Bakit kaya sya naririto? Naku yaya sabihin mo wala ako. "

" Athena! Ako na ngayon ang tinuturuan mong magsinungaling. Harapin mo si pogi, kawawa naman eh. At saka sinabi ko ng naririto ka."

" Sana ini screen mo man lang yung mga naghahanap sa kin lalo na pag gabi na. Kung nandito lang si Daddy mapapagalitan ka nun. "

" Sorry, hindi ko naman pinapasok. At saka kakilala mo naman pala. "

" Wag mo syang papasukin yaya. Anak ni Lucifer yan kaya wag mo syang kaawaan. Ako na ang bahala sa kanya. "

" Sobra ka naman."

" Pwera biro, kampon ng kadiliman yang si Jerome, sobrang sama ng ugali. Kung alam mo lang ang ginawa nya sa kin kahapon baka magulat ka. "

" Ba-bakit, anong ginawa nya sa iyo? "

" Hindi ko na ikukwento sa iyo at baka iparatrat mo kay Mang Boyet. Mahirap na, baka makapatay pa kayo ng tao. Mauna na muna kayo mag dinner, sunod na lang ako. Pakisabi na lang sa asawa nyo na wag ng pansinin ang taong yun. Maghintay sya dun hanggang gusto nya. Manigas sya sa kakahintay. "

Ano kayang dahilan at naririto ang lalaking yun. Ang lakas naman ng loob, matapos nya kong laiitin at i-humiliate may gana pang magpakita sa kin. Sagad ang kakapalan ng mukha. Pakawalan ko kaya ang mga aso at ng malapa sya. Hmmp.. nagiging morbid tuloy ako. Si yaya Belen palibhasa medyo bata bata pa kaya na star struck kay Jerome. Kung wala siguro si Mang Boyet na asawa nya at tumatayong security guard namin, malamang pinapasok na nya yun. Kasalukuyang nasa US ang parents ko for business trip, at dahil nag-iisang anak lang ako, mas secured pa rin ako pag nandito sila. May guard kami, may personal driver din ako, si Mang Diego na sya ring hardinero namin. Bukod kay Yaya Belen na personal kong alalay, may dalawa pa kaming kasambahay. Plus tatlong malalaking aso sa gate. Pero iba pa rin ang feeling pag nandito sila mommy at daddy. I thank God dahil biniyayaan nya ko ng isang mapagmahal na pamilya, kahit tatlo lang kami.

Tumunog bigla ang cellphone ko. Dahil hindi naka register ang number sa phone book, hindi ko ito sinagot ng una. Pero makulit ang caller at tawag pa rin ng tawag kaya sinagot ko na rin sya... Para mabad trip lang ako sa bandang huli.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now