Chapter 19- Moment of truth

11.3K 217 6
                                    

Ola!! Dahil half way na, hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataon na magpasalamat para sa mga taongwalang sawang nagbabasa at sumusuporta sa kin. Unang una syempre si Scar1977 na talaga namang nagcocomment :-), Ang mga botante na sina Jempotz, Carol, Rhian at Duffrose17. Salamat din  marielmadrigal96, jcjcff11, gracecastro718, romjavez, KarenBolinas, queeneez18, guaidi, hannahmcbean0299, lumeirah, spader67 at syempre kay sharontaniguchi, ang bago kong botante :-) JuanitaBasan, thank you kasi andyan ka pa rin. At pahabol na pasasalamat kina angelrj, Dyongs, prettymehehe. Kung wala kayo malamang tinigil ko na to, hahaha. Pero habang alam ko na binabasa nyo ang RVR, I will commit myself in writing until the end of the story. Yehey!!! Again, thank you very much. Mahal ko kayo :-)

Read more, vote more, and react more 😊

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cristina's POV:

Dinala namin sa ospital ang anak ko. Nawalan kasi sya ng malay dahil sa mga pangyayari. Nagawa naming ipahuli sa pulis si Mercedes dahil sa panggugulo nito sa simbahan, pero panandalian lang yun. Dahil sigurado kaming maya maya lang ay pakakawalan na sya ng mga pulis. Ang mahalaga ay mailayo namin sya kay Athena. Si Ella, Gene at Borge ang isa isang kumausap sa mga tao upang ibigay ang aming official statement na wala ng magaganap na kasalan. Sila na ang umayos ng lahat habang naririto kami sa ospital. Okay lang daw naman si Athena, masyado lang daw nashock kaya nawalan ng malay.

Ipinaliwanag rin ng asawa ko na imposibleng maging anak nya si Jerome dahil walang namagitan sa kanila kahit kailan. Ni dulo ng daliri ng baliw na babaeng yun ay hindi man lang nya hinawakan. Nang asar lang talaga kanina. Awang awa ako sa anak ko, bakit kailangang sya ang magdusa sa isang bagay na kaming mag asawa ang pinagmulan. Sagad hanggang buto talaga ang kasamaan ni Mercy, hanggang ngayon ay nananatili syang tinik sa pagsasama namin ni Alex. At ngayon nga... dinamay nya pati ang kaisa isa naming anak.

" Tito Alex... what happened? ", narito na ngayon sila Ella sa ospital.

" Hinimatay si Athena. Akala nya magkapatid sila ni Jerome. Hindi ko sya anak... he will never be my son. By the way Ella, salamat sa lahat ng tulong nyo ngayong araw na to. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap naming mag asawa sa mga tao kung wala kayo nila Borge"

" Okay lang po yun Tito, ang mahalaga ngayon ay si Athena. Napakawalanghiya talaga ng lalaking yun! Una pa lang duda na talaga ko sa pagkatao nya "

" Oo nga eh, imagine.. lahat tayo niloko nya. Ako na mismong kaklase nya hindi ko natunugan ang masamang plano nya. Tito Alex... I'm sorry, hindi ko sya naprotektahan "

" Borge, kung meron mang may kasalanan dito... ako yun. Hindi ko naprotektahan ang anak ko laban sa mga taong yun. Hindi ko man lang sya kinilala ng lubusan. Ipinaubaya ko sa kanya ng buong buo si Athena. Pakiramdam ko... wala akong silbi...wala akong kwentang ama "

" Alex... wag mong sisihin ang sarili mo. Isa man sa atin ay walang may gusto nito. Gusto lang natin na maging masaya ang anak natin. "

" Yun na nga Cristina, sobrang  pagmamahal natin sa batang yan. Simula noong bata pa sya, lahat ng gusto nya, binibigay natin sa kanya. Nakalimutan natin na maglagay ng limitasyon, katulad ngayon. "

" Tito Alex don't worry, kilala namin si Athena. Ngayon lang yan. Of course devastated sya, at ilang araw syang made depress. Pero I'm sure makakarecover din sya. Palaban yan, at kaya nyang gawin anuman ang naisin nya... at isa na dun ang kalimutan si Jerome, at lahat ng alaala na meron sila "

" Salamat. Mapalad pa rin sya dahil may mga kaibigan syang tulad nyo. By the way, I'm sorry pero kailangan ko munang ilayo sya dito. The day after tomorrow ay lilipad kami patungong US. Right now, I believe that this is the best thing to do.. para makalimutan nya ang masakit na karanasang sinapit nya sa kamay ni Jerome "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now