Chapter 7- Friend Zone

9.7K 147 3
                                    

" Maria Athena, meron ka bang hindi sinasabi sa min? "

" Ella, kailangan talaga kumpleto ang pagtawag ng pangalan? Pormal? "

" Wag mong iligaw ang usapan. Ano yung sa inyo ni Jerome? Hindi naman kayo friends dati, bakit ngayon feeling close kayo? "

" Why, is there anything wrong? Ito naman yung gusto nyo di ba? Ang maging kaibigan natin sya "

" Parang ang bilis lang kasi. Ito pang si Borge, mukhang binubugaw kayong dalawa. "

" Ay labas ako dun, malay ko sa Borge na yun. Pero yung closeness namin ni Jerome, as in biglaan talaga yun. May nangyari kasi sa min "

" Oh my god Athena.. bumigay ka agad agad? "

" Gene wag kang OA. Nagiging green minded ka na! Last Tuesday nagpunta ko ng library. Eh since nandun din sya kaya naki share ako ng table. Tapos chinika chika ko ng konti. Subsob pala sya sa pag aaral that time kaya seriousness masyado ang lolo. Namalayan ko na lang na inaaway na nya ko at binastos ako that time"

" What? Panong binastos ka? Hinipuan ka ganon, minanyak? Pano? "

" Hindi ganon. Kung anu anong masasakit na salita ang sinabi nya sa kin. Pero hindi ko na sasabihin dahil tapos na yun. As you can see, okay na kami ngayon. To make the long story short, pinuntahan nya ko sa bahay at humingi ng tawad kahapon. The End "

" Wow... sweet naman pala sya. Akala ko binastos ka physically "

" Ella kaya nagalit yang si Athena kasi hindi nga sya binabastos ni Jerome. I'm sure kung ganon nga ang nangyari eh mas pabor pa yun sa kanya. Di ba girl?"

Haayyy.... Habang tumatagal parang lumalala ang kabadingan nitong si Gene. Pero sabagay may point sya. Sa totoo lang I am looking forward na hahawakan nya ang kamay ko at ikikiss.... oh no! Ready na ba ko? Ilan na ang naging boyfriend ko pero I never allowed any one of them na mahalikan ako. Hanggang holding hands lang. Siguro dahil wala naman akong minahal isa man sa kanila, puro fling lang lahat. Pero bakit pagdating kay Jerome iba.. Iniimagine ko na we were both kissing each other.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko para sa kanya. What I know is, I always want him to be around. I'm happy everytime I saw him, lalo pa ngayon, pinapansin na nya ko. At nakakahiya mang aminin, pero hindi ako magdadalawang isip na sagutin sya kung sakaling ligawan nya ko. Sana nga.

" May dumaang anghel? Tahimik eh. Pero yung totoo, tutal tayu tayo lang. Are you interested with him?", tsismosa talaga si Ella

" Maybe, I think so ", diretso Kong sagot sa kanila

"I knew it, I just knew it. From day one iba na ang dating nya sa iyo di ba. Actually, we're just observing you Athena. Akala mo ba hindi namin nahahalata na silent stalker ka nya at sinasadya mong magpapansin.Gusto lang namin na sa iyo mismo manggaling. But now that you admitted it already, so be it. Congratulations.. Again, you just got what you want. Ingat lang ng konti, wag masyado bigay todo ha" , si Ella talaga Ang galing!

" Eh di pag niligawan ka bet mo? Kunsabagay, mukha namang strong ang personality nya. Mukhang di uubra ang pagiging playgirl mo dun. What if playboy din pala sya?"

" I don't know, saka ko na iisipin ang mga yan pag andun na kami sa ganong stage "

" Pero sabi nga ni Ella mag ingat ka. Mahirap na, hindi natin sya lubos na kilala. Hindi natin alam kung san sya galing, bigla na lang syang dumating. Ang alam lang natin ay isa syang transfer student. Ang hirap pa naman nyang basahin dahil lagi syang seryoso. Mukhang punung puno sya ng misteryo sa buhay. Three weeks pa lang natin sya kilala pero kahit kay Borge hindi rin masyado nagkukwento patungkol sa personal life. Aren't you afraid Athena? Baka sya na ang karmang pinadala sa iyo. "

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon