Chapter 14- At the Bar

8.9K 152 8
                                    

" Athena, si Jerome yun di ba? "

" Oo nakita ko. Ano kayang ginagawa nya dito? Baka may kadate "

" Parang wala, lalaki yung kasama eh. Baka gimmick lang talaga sila "

Sumulyap ako sa kinaroroonan nila. Nakatingin pala sya sa kin and I'm pretty sure na nakita nya rin kami. Iniba ko ang direksyon ng mga mata ko, hindi ko kasi matagalan ang mga titig ni Jerome. Hindi ko mabasa kung blanko, kung galit, o kung nakikiusap. Parang bumalik lang kami sa dati, but this time, nasasaktan ako. Pinilit kong umiwas sa kanila, bagay na nagets agad ni Ella kaya lumipat kami ng pwesto, malayo sa kanila.

" Dalawa lang kaya sila? Ang gwapo ng kasama ni Jerome, pero parang play boy din. Athena, halatang sinusundan nila tayo ng tingin "

" I know. Nasan na ba kasi yung mga kasama nating boys. Itong si Borge baka naman umuwi pa ng bahay para dun magbawas "

" Malamang, ang hirap kaya pag sa public CR, nakakakahiya "

" Eh si Gene, san kaya yun napadpad?"

" Baka sinundan si Borge kasi nakunsensya sya "

" Hi girls... I hope you don't mind. Can I dance with the beautiful lady here?"

Huh?? Looks familiar! Lumingon ako sa Lugar nila Jerome, tama nga. Sya nga yung kasama ni Papa J. Mas gwapo pala sya sa liwanag at sa malapitan. But to my surprise, niyayaya nyang magsayaw si Ella.

" Ako ba.. o sya ", tanong ng kaibigan ko sa estranghero

" Ikaw. Hindi ko pwedeng isayaw si Athena, baka may magwala ", ngumiti pa sya na parang nang aasar. At bakit kilala nya ko?

" By the way I'm Darren, Jerome's best friend. So you must be Ella, right? "

Nakita kong kinilig ang best friend ko. Ganyan naman yan, laging nalolove at first sight sa mga gwapo. But I'm sure pag nakilala na nya at nakita nya ang mga masasamang ugali, agad agad.. washed away  ang feelings nya para sa mga yun. Ganyan lang yan, mag eenjoy.. pero hindi basta basta pumapatol. Sigurista ang babaeng yan.  Masyadong perfectionist si Ella, tignan ko lang kung di to umabot ng thirty at magka asawa na. Gusto gwapo, matalino, mayaman, mabait, maka Diyos, romantiko.. at kung anu ano pang standards. Parang hindi tao ang hanap, parang ilusyon at lalaking nag eexist lang sa imagination at panaginip ng mga babae.

" A-Athena... "

" Ella okay lang ako, don't worry about me. Kaya sige na sumama ka na sa kanya "

" Are you sure? "

" Oo naman, upo muna ko, medyo napagod agad ako eh "

" Pano ba naman, ang taas agad ng energy pagpasok pa lang. Palibhasa kasi bagong laya. O pano, dance muna kami ni Darren. "

" Okay "

Nakakailang minuto pa lang ako sa pagkakaupo ng may lumapit sa king lalaki.

" Hi miss... alone? "

" Nope, with friends"

" Ah.. so where are they? "

" Nasa dance floor"

" Bat ikaw? wanna dance? "

" Rest muna, katatapos lang actually"

" Ohhh. Come on, let's enjoy hindi yung nagmumukmok ka dyan. "

Irita na ko, magpapahinga nga ako di ba? At hindi ako nagmumukmok!Nagulat ako na bigla nyang hinawakan ang kamay ko at pilit akong pinapatayo para sumayaw. Lintik to ah, teka nga.

" Bitiwan mo nga ako! ", at kinabig ko ang kamay nya para matanggal sa pagkakahawak sa kin.

" Hey, wala akong gagawing masama sa iyo. Isasayaw lang kita "

Revenge vs. Revenge (Romance)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن