Chapter 38- The Art of Letting go

9.6K 171 9
                                    

ATHENA:

Dumating ako sa bahay ng may di inaasahang bisita.

" M-Mark! "

" Athena", salubong nya. Niyakap nya ko agad ng mahigpit pagkakita sa kin.

Hinayaan ko lang sya, pero sa mga oras na ito..binabalot ako ng lungkot. Lungkot dahil sa awa sa lalaking nagmahal sa kin ng lubos.

" Alam kong may usapan tayo. I'm sorry but I really missed you so much. Two weeks kitang di nakita at nakausap, hindi kita matiis Athena", may pagsusumamo sa boses nito.

Bumitiw ako sa pagkakayakap nya.

" Pupuntahan talaga dapat kita. Pero after sana ng Christmas. Since nandito ka na, timing na rin siguro na sabihin ko sa iyo to ", malungkot kong sagot sa kanya.

Kung pwede lang sanang matapos ang tagpong ito ng di pa sinisimulan, ginawa ko na sana. Wala na kong nararamdaman pa kay Mark but somehow, ayoko rin syang masaktan.

" A-ano yun Athena? ", kinakabahang tanong nya. Mukhang nararamdaman nya na ang ihahatid kong balita.

" It's over Mark... Itigil na natin ito. Hindi na ko magpapakasal sa iyo "

Surely he was shocked! The fact that he never speaks nor reacts means he's in deep pain. Afterwards, I saw tears coming from his eyes. Hangga't maaari, ayoko na sanang gawin ito. But I need to tell the truth, habang maaga pa..habang kaya pa nyang tanggapin na hindi talaga kami para sa isa't Isa.

" Jerome and I.. we're.. we're back together "

Nagtiim bagang sya, kinuyom ang palad..tanda ng isang pigil na galit. Tama pala..the truth will set us free. But I've realized, most of the time telling the truth will also cause so much bitterness and trouble to the other party. There are lots of complications before you earned your total freedom. Having the truth is not an assurance of a happy and less worry life. But I have no choice.. anumang desisyon ang gawin ko, may masasaktan at masasaktan pa rin ako.

" Since when? ", nagsalita na rin sya.

" Bakit Athena..bakit sya? Niloko ka na nyang minsan.. pwede nyang gawin uli yun sa iyo. Limang taon..ipagpapalit mo yun sa ilang buwan lang na kasinungalingan ni Jerome. Mahal kita! Hindi nya kayang tumbasan yun Athena! "

Umiling lang ako sa kanya. Totoo naman ang lahat ng sinasabi nya.

" Mark..hindi ko alam kung gaano kalalim at gaano kalaki ang pagmamahal nya sa kin. Tama ka..hindi ko pa sya lubusang nakakasama, o hindi ko pa siguro sya kilala. Five years ago..sa sandaling panahon, nabuhay ako sa panlilinlang nya.. sya, kumikilos ng puro kasinungalingan. Kung tutuusin dapat akong matakot hindi ba? Pero alam mo Mark..I want to take all the risk kasi mahal ko si Jerome! ", nagsisimula na ring umagos ang mga luha sa mata ko

" Ni minsan hindi ko sya nakalimutan. Nagpakatatag ako, nagpakadalubhasa ako sa America, nagpaganda ko ng husto. You know why? Dahil pinaghahandaan ko yung muli naming pagkikita. And I want to make sure that he will regret the day that he left me kapag nakita nyang masaya ko at maayos ang buhay ko. You see Mark, ever since he left me.. lahat ng ginagawa ko iisa lang ang direksyon..sa kanya pa rin. "

Lalo syang umiyak sa sinabi ko. Para ko na ring pinamukha sa kanya na walang kapantay si Jerome sa puso ko.

" Ang daya mo lang Athena..napakadaya mo. You make me believe that you love me..you make me believe na wala na syang halaga sa iyo. You allow us to go this far.. at kung kelan malapit na tayong ikasal saka mo sasabihing ayaw mo na. Ang sakit lang Athena..limang taon mo kong ginawang tanga! All the while, ginamit mo lang pala ko laban sa kanya "

Revenge vs. Revenge (Romance)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن