Chapter 15- James Bond 007

8.8K 144 4
                                    

" Bro, pwede ka ng lumabas ngayon anytime. Overstaying ka na dito eh", sabi ni Darren sa kin

" Talaga? Okay na ba ko sabi ni Doc"

" Oo, sa bahay ka na magpalakas. One week na rin naman. O baka gusto mong dito ka magpasko? "

" Hindi no, uuwi na ko "

" Jerome... ", nagulat ako sa pagdating ni Athena

" Babe? Bat andito ka, di ka ba pumasok? "

" Nagpaalam ako sa first subject, nabalitaan ko kasi na lalabas ka na."

" Miss mo na ko no? Sana dinalaw mo na lang ako sa bahay pagkatapos ng klase. Pakiss nga sa babe ko "

" Hindi pwede, I am not alone, may kasama ko "

" Huh, sino? "

" Good morning, kumusta ka na iho? "

" Gu-Good morning po. Athena, sila ba ang... "

" Hi Jerome, ako si Kristina, mommy ni Athena. Just call me tita, kung okay lang sa iyo "

" And... this is my dad "

Napaupo akong bigla ng malaman ko na naririto ang parents ni Athena. Surprise of all surprise! In fact, I am not yet prepared to meet them, hindi pa sana ngayon. Pero kasubuan na, kailangan ko silang pakitunguhan ng maganda kahit sa loob ko ay puno pa ng galit para sa mag asawang ito.

" Ako si Alex, hindi rin kami magtatagal. Inalam lang namin ang kalagayan mo kung okay ka na. I just want to meet you and say thank you sa ginawa mo para sa anak ko. I know words are not enough to pay you. But from now on, hindi ko na tututulan ang anumang relasyon nyo ni Athena. You have my blessing para alagaan at protektahan ang anak ko. "

Napalunok ako. Alam ko naman na pinaglalaruan ko lang ang anak nila pero ang huling salita ng daddy ni Athena ay tila isang punyal na dumapo sa kin. Bilang isang lalaki, alam ko ang kahalagahan ng mga salitang yun para sa isang ama. Nanatili akong tahimik, parang wala akong lakas na magsinungaling sa mga oras na ito.

" Dad... thank you "

At nakita ko na niyakap ni Athena ang daddy nya sa tuwa. Hindi ko alam pero pakiwari ko ay nababalot ng lungkot ang puso ko ngayon. Dapat nga ay nagdiriwang ako, dahil nakuha ko na ang tiwala ng mga magulang nya. At ilang panahon na lang.... maisasakatuparan ko na ang mga plano naming mag ina.

" Jerome, may isang bagay lang sana kong hihingin sa iyo. "

" Ano po yun Tito Alex? "

" Avoid premarital sex. I know you have the capacity na buhayin ang anak ko, pero mga bata pa kayo. Gagraduate na sya this March but she's planning to take the board exam this May. I hope, maabot nyo muna pareho ang mga pangarap nyo bago kayo gumawa ng bata "

" Daddy... !! "

" I'm just stating the truth here. Kung ayaw nyong mapunta sa isang sitwasyon na hindi pa kayo handa ay wag nyong simulan. Believe me, it will create millions of heartaches before you realize na nagkamali ka ng decision. Now young man, do I have my words on you? "

" Y-yes Tito, makakaasa po kayo. Hindi ko sya pababayaan.. I'll protect her. And, thank you po dahil binigay nyo na sya sa kin "

" Pano Jerome, marami pa kaming inaasikaso. Okay ka na ba? We have all the time to know each other. Punta ka madalas sa bahay. "

" Sure tita. I'm more than okay now, salamat sa pagdalaw. Athena, sumabay ka na sa kanila para wag kang malate sa second class mo. I'll see you later. "

" Bye Jerome. Darren, ikaw muna bahala sa kanya. By the way mom, he is Jerome's best friend. He's a lawyer "

" Oh, so you have a wonderful friends Athena. Nice meeting you Attorney, akala ko estudyante ka lang na kaklase ni Jerome, you look young. "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now