Chapter 36- ULAN

8.8K 196 2
                                    

ATHENA:

"Grabe ang lakas ng ulan no, parang walang katapusan ", si Darren habang nagliligpit na ng pinagkainan.

" Pano ba yan, eat and run ako. Need ko na umalis dahil baka bumaha. Alam nyo naman ang maynila, konting ulan dagat agad. ", pagpapaalam ni Jerome

" Sayang, kung kelan pa naman nandito si Athena. Pero tama ka..dapat mauna ka na nga dahil baka abutan ka ng mataas na baha "

" Sige, una na ko. Thank you sa napakasarap na dinner. Hay naku, tataba ako ngayong holiday. Athena.. I have to go. It's nice to see you again. "

Tumango lang ako at tipid na ngumiti. But deep inside, I was really hurt. Obviously, iniiwasan nya ko. Bumigat ang dibdib ko ng lumakad na sya palabas ng gate. After this day, I don't know what will happen to both of us. Maliit lang ang mundo, magkikita at magkikita pa rin kami. Pero bilang mga tao na lang na magkakilala, no strings attached. Gaya ngayon, napaka civil lang ng naging interaction namin.

" Athena, Mas makabubuting dito ka na matulog. Hatid ka na lang namin tomorrow morning. Ang sama na ng panahon ", offer ni Liza sa kin

" Yun nga rin naisip ko. Pag hinatid nyo ko baka di na kayo makabalik agad. Wala ring taxi na magsasakay sa kin. Okay lang ba, hindi ba ko nakakaistorbo sa pamamahinga nyo? "

" Eto naman..of course not. Muntik na nga tayong maging pamilya, ako nga ang nahihiya sa iyo. "

Hinatid na ko ni Liza sa kwarto. But I'm sure, hindi rin ako makakatulog. Although na 'at home' ako sa bahay nila Darren, still mamamahay pa rin ako. Makapanood na nga lang muna ng HBO.

Lumabas ako ng room after an hour to drink some water. Pero nagulat ako sa nakita ko pagbaba. Hindi 'ano' kundi 'sino'.

" Oh my god! Je-Jerome sorry...nagulat ako sa iyo. Bakit hindi mo binuksan ang ilaw? ", he's sitting in the mini bar while drinking wine, pero napaka dim ng light.

" Ayoko kasing magising ang iba kaya hindi ko na binukas ang ilaw. Dito ka pala natulog? "

" Oo, mastranded din kasi ko pag pinilit ko pang umuwi. I.. I thought umuwi ka na? "

" Hindi ko kinaya, masyadong masama ang panahon. Zero visibility sa labas at baha na sa mga daanan. So I decided to come back here "

" Ganon ba, tama lang pala na dito na ko nagpalipas ng gabi. Ah.. excuse me ha, iinom lang ako ng tubig"

Dahan dahan akong dumaan sa likod nya. Bukod sa kinakabahan ako dahil sa presence nya, in a way..naiilang ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung pano ko pa sya pakikiharapan ng normal pag kaming dalawa lang ang magkaharap.

I don't know but I have a feeling na sinusundan nya ko ng tingin. I opened the refrigerator para kumuha ng tubig ng maramdaman ko na may tao ng nakatayo sa likuran ko.

" A-Athena... ", halos pabulong na ang pagkakatawag nya sa kin. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at halos umakyat ito sa ulo ko. I knew it, nasa likuran ko na nga sya. Ang lakas lakas na ng kaba ng dibdib ko.

Hindi ako makakilos..ayoko ring humarap sa kanya. Ano ba dapat ang maging reaction ko? Hindi na ko makapag isip ng tama. Si Jerome to.. hindi lang kung sinong lalaki. Ever since, kaya nyang alisin ang lahat ng katinuan ko.

Sya na ang nagsara ng ref dahil nagmistula na kong tuod na hindi gumagalaw sa pwesto. Although I am anticipating his next move, milya milyang boltahe pa rin ang idinulot nito sa katawan ko ng yakapin nya ko mula sa likuran. Hinawi nya ang buhok ko.. I groaned when he started to kiss my neck down to my shoulder.

Revenge vs. Revenge (Romance)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang