Chapter 18- Run away groom

10.3K 232 15
                                    

It's a beautiful sunny day! Napakaganda ng paligid, nakikisama sa okasyon ngayon.

" Good morning! So kumusta naman ang feeling ng aming bride?"

Tawag ni Gene sa telepono. Yes, today is my wedding day and I can't wait to be the Mrs. Jerome Sandoval!

" Excited, kinakabahan, happy! Alam mo yun, hindi ko maexplain eh "

" Sabagay, ako rin siguro pag ikakasal ganyan. "

" Gene! You're not serious, are you? "

" Huh? Why, porke bakla di pwedeng mag asawa? Hmp, anyway girl, mamimiss ka namin ng sobra "

" Gene mag aasawa lang ako wag ka ngang OA "

" Kahit na, syempre things will never be the same for us. Mas priority mo na si Jerome kesa sa mga friends, sooner or later magkakaanak na kayo "

" Tumigil ka nga hindi ako buntis no. "

" Alam ko. Pero knowing him, makakabuo agad kayo. Aaraw arawin ko nun "

" Loko mo. Anyway, mag aayos na ko. See you na lang later sa church. And don't be late okay "

" Wag ako sabihan mo nyan, si Borge. Alam mo yun, kundi late on the dot ang dating. O sya sige na bye. And before I forget, happy birthday Athena! "

Mixed emotions ako talaga, but of course above all those emotions, I am so happy. At last, makakasama ko na ang lalaking pinapantasya at pinakamamahal ko for the rest of my life. Napakaraming mabubuting bagay ang nangyari sa kin pagpasok ng taon. Grumaduate ako ng March, we passed the board exam last month, kami ni Gene, at si Ella.. of course kasama sa top 10. But Jerome as my husband? No amount of license or accomplishment can replace him in my heart. What is success kung hindi rin lang si Jerome ang makakasama ko. At ikakasal kami,  ngayon, sa araw mismo ng ika 21st birthday ko, at June Bride pa. Celebration of all celebration.

Tinignan ko ang oras, it's nine am in the morning. Eight hours from now, I'll be walking down the aisle with my wedding gown. Ayyiieee.. kakakilig, sobra.

I texted my groom, three days na kami di nagkikita. According to him, busy pa sila ng mommy nya until yesterday dahil nung isang araw lang ito dumating ng Manila to attend our wedding ceremony. Kahapon naman dumating yung Tito nya with her cousins kasama si Liza. Kaya mamaya pa lang kami magkikita uli for our church wedding. Yung family nya mamaya ko pa lang din makikita ng personal,  naging busy kasi ako dahil sa paghahabol sa board exam kaya walang pagkakataon na makapunta sa bayan nila Jerome.

Tok tok tok

" Athena..."

" Mommy "

Umiyak agad ako pagkakita sa mommy ko. Umiiyak din sya habang yakap yakap nya ko. Alam ko mamimiss nila ko.

" Hoy kayong dalawa tama na yan. Baka mamaga ang mata ng anak mo pumangit sa kasal nya. "

" Daddy "

" O, wag iiyak. Dapat magandang maganda ka para mamaya ", at niyakap nya ko ng mahigpit. Wag daw iiyak pero sya itong humahagulgol ngayon. Haayy, ang daddy ko talaga.

" Daddy, thank you. Don't worry, nandito pa rin ako.. sa inyo ni mommy. Hindi ako mawawala "

" I know. But for us, you will be forever our baby. Ayaw pa sana kitang ibigay kay Jerome dahil napakabata mo pa. At sa totoo lang, di pa namin kayang mawala ka sa buhay namin ng mommy mo. ", garalgal ang boses ni daddy, hirap na hirap ang kalooban na palayain ako.

" But we see that you really love him. Para kang lantang gulay everytime na pinaghihiwalay namin kayo ni Jerome. At sa takot na baka mabuntis ka ng hindi ka pa kinakasal, pinakawalan ka na rin namin. Tutal, dun din naman kayo papunta... at sya rin naman ang patutunguhan mo, kaya anak.. binibigay ka na namin sa kanya. We want you to be happy "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now