Chapter 20- She's Back

12.1K 229 19
                                    

" Darren, may lead na ba tayo? "

" Jerome sa totoo lang nahihirapan ako sa kaso. I have this feeling na bukod sa Comptroller at Internal Audit Head, may iba pang mataas na tao ang involved dito "

" Tingin mo? Ano nga palang sabi ng external auditor? "

" Yun pa isa. Sa loob ng isang buwan, nakakadalawang palit na tayo ng external auditor. Ngayon yung bago dropped na naman yung audit engagement due to scope limitations. Wala eh, manipulated lahat ng documents ng mga dating Finance Officer. And besides, nakakatanggap sila ng mga death threats from unknown numbers. I can't believe it pare. This is the first time na makakaencounter tayo ng ganito. Imagine, the head of finance, audit at head ng admin nag connived para magnakaw sa company. Considering that they are the most trusted and reliable person. At halos pioneer pa sila dito kaya masamang masama ang loob ng mga shareholders"

" Mga animal, pera pera lang pala ang katapat. Kung wala ng makita bukod sa one hundred million, then let's start and file the case. "

" Ayaw pa ng mga may ari. Duda nila baka mas malaki pa ang nawala kaya ipinatutuloy nila ang audit. Who knows, it might be half a billion "

" Eh sabi mo nga walang tumatagal na external auditor. O di pano yan.. tatagal tayo. Though advantageous on our part dahil tuloy tuloy lang ang engagement natin sa kanila "

" Wala ka bang kilalang auditing firm na medyo matapang tapang para dito sa case? "

" Marami! Pero hindi matatapang. Kahit siguro magbayad ka ng malaki sa mga yun, kahit bahay at kotse pa, hindi tatanggapin kung buhay nila ang nakasalalay "

" Sabagay. Pero bakit tayo, walang threats? Ikaw, may mga text messages ka bang natatanggap? "

" Takot lang nila. May GPS lahat ng phone at may tracking device tayo sa lahat ng gamit natin. Tignan ko lang kung di natin matrace ang source. Wait bro, bat di mo itrace yung source dun sa text messages sa mga auditor? "

" Tinry ko na, ayaw nila. Natatakot silang mainvolve kaya nagdedecline na lang "

" Tsk tsk tsk. Matagal tagal na investigation to. Kaya pala three years agad ang pinirmahan nating contract sa kanila "

" Bakit? Aatras ka? Don't tell me natatakot ka? "

" Bro, since day one, nang magdecide akong maging partner tayo sa negosyo alam kong kalahati ng paa ko ay nasa hukay na. Wala ng atrasan to. Mas ikaw pa nga ang inaalala ko "

" Ako ba? O dahil kay Liza at sa pamangkin mo? "

" Kasama ka na rin dun no. Bahagi ka na ng pamilya noon pa man "

" Don't worry, nag iingat naman ako. Lalo na ngayon, magiging dalawa na ang anak namin "

" You mean buntis si misis? Ang bilis mo, kakatatlong taon pa lang ng panganay nyo tapos on the way na naman si Liza? "

" Wala kong magagawa, irresistible yung pinsan mo eh. Ang hirap tumanggi sa isang napakagandang babae na katabi mong natutulog araw araw "

" Ginamit mo pa asawa mo. Ang sabihin mo, manyakis ka talaga. Magfamily planning din pag may time. Baka maging losyang agad si pinsan "

" Sus... inggit ka lang. Pakasalan mo na kasi si Dindi para may tsikiting na rin kayo. I told you pare, masarap ang bachelor at ang magpalipat lipat sa iba't ibang kandungan. Pero kapag nakasama mo na yung tao na kabiyak ng puso mo, ibang iba. Hindi lang masarap, masaya pa. Feeling mo kumpleto ka, at laging may satisfaction sa kama kasi alam mong wala kang ginagawang masama. Walang hesitation, walang guilt. May freedom, hindi ka nagtatago compare sa ibang babae na naging flings mo lang "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now