Chapter 32- Cool Off

8.2K 160 10
                                    

When I came out, naroroon na ang object of my affection..si Jerome, but his with Dindi . Unlike before, there are butterflies now in my stomach. And my heart is beating so fast to the extent na nagpapalpitate na ko. Knowing the truth has a great impact in my life.. and a big transition as well. Ibang iba na kung paano ko sya nakikita ngayon.

Pasimple kong nginitian ang dalawang bagong dating. Nakashort at t-shirt lang si Jerome, nakarubber shoes. Kinilig ako ng sobra ng tinanggal nya ang suot na shades. Grabe!! Ang gwapo talaga nya. How can he be so handsome and attractive after a long travel from out of town. Hindi sya nakaporma, walang effort magpacute..pero ito yung naturalesa nya, pinanganak syang ganyan..perfect!

" Hey, last week na pagsasama sama na natin this week. Until Saturday na lang si Jerome at si Dindi. After maayos lahat ng papers and evidences, ako na lang halos ang mag appear sa kaso. May ibang offers na rin kasi kami na dapat harapin", paalam ni Darren sa min

" Same thing with us Darren..si Athena lang din ang maiiwan sa min. By the way, sorry sir ha. Naging napaka harsh ko nung mga unang araw na pagkikita natin. Epekto na rin siguro ng pagbubuntis ko. "

" Ok lang Ella. And besides, ganyan ka naman talaga kahit wala kang dinadalang bata "

Nagtawanan silang lahat sa biro ni Darren, totoo kasi na talagang napakatapang ng kaibigan ko.

" Labas tayo sa Friday ha! ", si Gene

" Naku Gene di kami pwede. May meeting kami ni Jerome with our new client "

" How about Saturday night..on our last day? "

" Sorry..may party kasi kaming aatenand ni Dindi. Nakacommit na kami eh"

" Ganon ba, sayang naman. Anyway nandito lang naman tayo lahat sa Pilipinas. Labas labas na lang tayo pag may time "

" Kunsabagay. By the way, malapit na ang kasal mo girl! Four months na lang, so how does it feel? "

Nagulat ako sa tanong ni Dindi. Kelan pa kami naging close nito? Oo nga't naging magkasama kami for more than a month dahil sa kasong ito. But it doesn't mean na naging close kami sa isa't isa. Civil lang.

" Okay lang ", tipid kong sagot

Hindi na sya nagtanong pa. Mukha ba kong affected at nahalata nya ang pagkaasiwa ko? Or feeling ko lang yun?

" Sayang! Hindi kami invited! "

" Darren... ", pigil ni Dindi sa pang aasar ng kaibigan.

Hindi ko alam kung ang dahilan ni Dindi ay dahil ayaw nyang pag usapan ang pambubugbog na ginawa nila Jerome kay Mark...o ang dahilan sa likod nito.

" Pwede naman..try nyo ", pinilit kong magbiro, nagiging awkward na kasi ang sitwasyon.

I've noticed na hindi nya rin ako matignan ng diretso..umiiwas. Ano bang gagawin ko para mabasag ang wall sa pagitan naming dalawa? Para kaming estranghero sa isa't isa. Hindi ko rin makita ang emosyon nya. Galit ba sya sa kin dahil sa nangyari.. o gusto nya lang akong deadmahin talaga?

Ganon ba yun Jerome, pag kaharap si Dindi balewala na ko sa iyo?

" Bro nagpapractice ka pa rin pala as lawyer. Akala namin full pledged detective ka na. ", tanong ni Borge Kay Darren

" Oo, may mga kumukuha pa rin so far. And si misis ayaw nyang lagi akong nasa action, baka daw mabiyuda sya ng maaga kaya hindi ko matalikuran ang pagiging abogado. Sayang naman, extra income din. "

" Ano expertise mo? "

" Criminal Law. Kayo ni Ella bat ayaw nyong magpractice? Try nyo na..pwede namang sabay "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now