Chapter 24- Her Plan

9K 155 9
                                    

ATHENA:

Papunta ko sa bahay nila Gene para makipagkita kina Ella. Halos one month na ko sa Pilipinas pero hindi pa kami nakakalabas magkakaibigan para makapaglakwatsa. Pero sa totoo lang kanina pa ko kinakabahan dahil may napapansin akong kotse na mukhang sumusunod sa kin. Akala ko kanina nagkataon lang, pero iba.. mukhang tinitiktikan talaga ko. Tsk.. ayaw kasing isama ni Gene si Mark dahil out of place ang labas nya.

" He-Hello..Gene, nandyan na ba sila Borge? "

" Oo kadarating lang din halos. Nasan ka na ba? Bakit parang nanginginig ka, may problema ba Athena? "

" Gene..natatakot ako. Mukhang may sumusunod sa king kotse. Actually, malapit na ko sa inyo..ayoko lang bumaba. Baka pag bumaba ako, anytime pwede nila kong barilin "

" Ha??!! My god..nasan sila? Mga mukha bang goons?! Diyos ko..wag naman sana sila yung nagbabanta sa tin "

" I don't know.. tinted yung kotse. BMW na color gray. Nasilip ko yung plate number nya kanina..AJS yung umpisa. Medyo malayo sya ng konti sa kin.. para siguro wag mahalata. Gene anong gagawin natin? "

" Gene ano yan?! Napano si Athena?! "

" Ella nasa baba na sya. Hindi sya makalabas ng kotse dahil mukhang may tumitiktik sa tin. May BMW car na color gray at may plate number na AJS na kanina pa daw sunud ng sunod sa kanya. Borge...a-anong gagawin natin "

" Nasa panganib si Athena, we need to help her. Gene, ihanda mo ang baril mo. Ella dito ka lang, kahit anong mangyari wag kang susunod okay !"

" Ano?! Borge baka patayin nila tayo pag baba natin! Tumawag na tayo ng pulis, hindi tayo pwedeng sumugod dun na dalawa lang. Baka mga armado pa sila."

" Eh ano, hahayaan na lang natin dun si Athena mag isa habang hinihintay ang pagdating ng mga pulis? We need to do something. Ella, ikaw na bahala dito. Ingatan mo si baby, wag na wag kang baba. Call the police right away! "

" Borge!! "

" Gene pwede ba magpakalalaki ka muna. She needs us! At kailangan nating lumaban once and for all.! Now follow me! "

" Borge kung nasa likuran ni Athena yung sasakyan dapat sa kabila kayo magdaan, para hindi nila kayo makita. Para at least ang tumbok nyo yung likuran ng kotse ng mga goons.. Athena.. nandyan ka pa ba?"

" Oo, hindi nga ako makababa. Wag mo na munang pababain sila Borge. Baka pare pareho lang tayong mamatay. At least ako, mag isa lang dito. Kung sakali ako lang ang madidisgrasya"

" Tumigil ka nga!! At saka tapos na, unti unti na silang bumababa papunta dyan. "

" My god Ella! Hindi ako mapalagay. Bakit ba kasi kailangan pa nilang gawin yun?! "

" Hindi ka naman namin pwedeng pabayaan. Magdasal ka muna dyan..ako naman tatawag ng pulis!"

Bang!! Bang!! Bang!!
________________________________

JEROME:

Shit!! Pumutok ang mga gulong ko??!! Sinong??!!

Sina Borge..binabaril ako!! Bakit??!!

" Hey!!!.. Gene!!!., Sandali!!! "

" Jerome?!! Ikaw? Ikaw ang naniniktik sa min?! "

" Anong naniniktik?! Kayo nga tong bumabaril sa kin. Papatayin nyo ba ko? "

" Bro sorry.. hindi namin alam na ikaw pala ang sakay ng kotseng yan. Ano ba kasing ginagawa mo? Bakit mo ba sinusundan si Athena?"

" Eh Borge..pwede bang sa loob na magexplain si Jerome. Baka nag aalala na yung dalawang girls sa tin"

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now