Chapter 37- I love you!

9.7K 201 17
                                    

JEROME:

I look myself at the mirror, I see to it na fresh ang itsura ko bago bumaba. I am very confident na isa kong casanova at certified heartthrob sa mga kababaihan. But It feels different whenever she's around. Ilang beses ng may nangyari sa min but I can't get enough of her, as if it's always been a first time. At parang humihinto ang takbo ng orasan, kapag sya na ang kasama ko.

Ang isa pang naglalaro sa isipan ko ay ang naging pakikitungo nya sa akin kagabi. The last time I checked, galit na galit sya sa kin. But yesterday, it seems na hindi sya galit. Hindi ko rin sya pinilit na may mangyari sa min, she even made the first move. Though we never had the chance to talk the whole night, I know that last night is different sa mga nauna naming lovemaking. I never felt any inhibition or reservation from her. Bigay na bigay sya. At nakakapagtakang hindi sya umalis ngayon.

Makababa na nga.. somehow, gusto kong mabigyan ng linaw ang mga tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko. Bumuga muna ko ng hangin bago ko nagpasyang lumabas ng kwarto. Hoohh!!! Relax Jerome..kaya mo to. Parang naging slow motion ang lahat. Nakatingin sa kin si Darren, si Liza habang papalapit ako sa table nila. At si Athena.. I was surprised to see her...staring at me, with a genuine smile on her face.

" Good morning, sorry ha. Kanina pa kayo? "

" It's okay, come on..join us ", yaya ni Liza

Sinipat ko ang breakfast. Napangiti ako ng makitang wala ang hinahanap kong pagkain.

" I have an idea! Ipagluluto ko kayo ng omelet at mushroom soup. Okay lang ba? Mabilis lang yun. "

" Really?! Wow!! Gusto ko yun. Daliii ", excited na reaction ni Liza.

Nakangiti at iiling iling lang ang kaibigan ko. Ito lang ang gusto ko kay Darren.. Supportive!

" Wow! Mukhang masarap yan ha", si Athena! kinilig ako sa comment nya habang sineserve ko sa lamesa ang niluto kong omelet at soup.

Bukas pa ang pasko pero pakiramdam ko nakatanggap ako ng isang napakagandang aginaldo.

" This is so delicious! Pano mo nagawang naging napakasarap ang isang simpleng soup at omelet? ", sabi uli nya habang kumakain.. sarap na sarap sya

Para kong nakalutang sa ulap. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. I'm so happy na nagustuhan nya ang luto ko. More than that, napansin ko na totoo ang pinapakita nya sa kin, walang halong drama. Sana lang tama ang hinala ko, na hindi na sya galit..at tuluyan na nya kong napatawad.

" Masarap ba? I'm glad you like it ", ngiti ko sa kanya. Abot hanggang tenga yata Ang ngiti ko

Napansin ko na nagpapalitan ng tingin ang mag asawa sa takbo ng conversation namin ni Athena. Mukhang iisa sila ng iniisip.

I took advantage of the opportunity. I get her plate and started to serve her. Dito man lang, maparamdam ko sa kanya that I really care for her at hindi lang sex ang habol ko.

" Thanks Jerome, ako na. ", pigil nya sa kin while I'm cutting the bacon for her

" Let me help you.. I insist ", bigla akong tinitigan ni Darren sa ginawa ko.. as if sinasabi nya na 'here you are again'.

" Masyado mo kong pina pamper, baka lang masanay ako "

Ako naman ang nagulat. Ibang iba ang Athena na kaharap ko. In fact, kagabi pa ko naiibahan sa kanya. Mas straightforward, mas palaban.

" O eh ano naman. Ito nga yung gusto ko..ang masanay ka na nasa tabi mo ko. Hayaan mo ng paglingkuran kita.. Athena"

Gulat na napatingin sa kin ang mag asawa. Si Liza, nabitiwan pa ang hawak nyang tinidor, nashock siguro ng husto.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now