Chapter 2 - His Plan

18K 241 12
                                    

JEROME:

"Bro, you sure you want to do this?", tanong sa kin ng kaibigan kong detective

"Darren, I've been waiting for this time", siguradong sigurado ako sa naging sagot ko

"Alam mo pare kung di lang kita kaibigan hindi ko 'to gagawin. This is totally nonsense."

"Sa Iyo oo, pero sa kin malaking bagay 'to"

"Kung tutuusin Jerome wala ka namang kinalaman dito. Hindi mo ba naiisip na ang gagawan mo ng masama ay walang kasalanan sa iyo."

"Malaki ang kasalanan ng mga magulang nya. Kaya dapat silang magbayad"

"At her expense? Can't you see, inosente sya pare. Yung mga ganyang kagandang babae dapat inaalagaan, hindi sinasaktan"

I look at her pictures, totoo ang sinasabi ni Darren, the word beautiful is an understatement to describe her. Maamo ang kanyang mukha, matangos ang ilong at buhay na buhay ang bilugan nyang mga mata. Stolen shot ang kuha ng kaibigan ko pero kita sa mga mukha nya ang saya. She has a beautiful smile, with a kissable lips, plus dimple na nakadagdag sa kanya ng x-factor. Mas maganda sya sa mga artiststa at model na nakikita ko.

"Jerome baka matunaw yan. See, picture pa lang pero mukhang naaarouse ka na sa kanya. Baka magfire back sa Iyo ang mga plano mo pag nakita mo sya ng personal. Believe me, dihamak na maganda sya sa personal. Candid shot yan kaya wala pa syang poised sa lagay na yan"

Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Darren. Napaka manyakis talaga ng lalaking 'to. He's a private investigator at sya ang tumulong sa kin para matagpuan ang mga tao na hinanap ko sa loob ng pitong taon. Kunsabagay, we belong to same feathers, kaya nga magkaibigan kami. I'm a certified playboy and womanizer at hindi ko itatanggi 'yun. I'm twenty two pero napakarami ng babae ang dumaan sa mga kamay ko, hindi ko na halos mabilang. Karamihan sa kanila ang unang gumawa ng move. Sino ba naman ako para tumanggi, palay na ang lumalapit sa manok.. So sige, tuka lang ng tuka.

"Pare, I tell you.. She's sexy... She's hot. Naglalaway ako habang ninanakawan ko sya ng kuha. And I'm warning you, mukhang malayo sya sa mga babaeng pinapaikot mo lang. And according to my investigation, she's also a player. In short, nagbibilang ng mga lalake.. baka mapabilang ka sa kanila."

Kumunot ang noo ko. Itong maamong mukha na to, playgirl? Napakainosente pag tinignan mo, well looks can be deceiving. But I don't mind kung ano pa sya, wala naman akong balak na seryosohin sya, all I want is to revenge. I know that I am irresistible and he will fall for me soon. Gagamitin ko ang lahat ng charm at strategy ngayong alam ko na hindi pala sya basta basta lang na bumibigay. Paplanuhin ko 'to and I know na hindi ako matatalo.

"There will never come a time na mahuhulog ako para sa isang babae, at alam mo yan. Wanna bet?"

"Sure! Four months?"

"Sige! Matagal na nga 'yun eh"

" Ang yabang mo.. Kilalanin mo muna bago ka magsalita ng tapos!"

Four months... October ngayon kaya meaning by February next year dapat ay In love na sya sa kin, and by that time... her heart will fall into pieces dahil iiwan ko na sya. With my history, sobrang tagal na 'yun. Madalas pinakamatagal na sa kin ang two months, the worst... one week. Madali lang akong magsawa sa mga babae lalo na pag nakuha ko na ang gusto ko. Depende rin sa performance.

"Fifty thousand!", hamon ni Darren

"BET ! "

"Confident. Anyway, pag ayaw mo na sa kanya magtira ka naman para sa kin, wag mo masyadong sirain"

" Wag mo na syang hintayin dahil sinisiguro ko sa Iyo na hindi na sya magtitiwala sa Iba pagkatapos kong maisakatuparan ang mga Plano ko. Wag mo na syang pag interesan"

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now