Chapter 30- The Truth

8.6K 171 6
                                    

" Athena...ayoko ng ituloy ang kaso laban sa asawa ko. Pero hindi kita pipigilan kung ihahabla mo pa rin sya. Hindi kita masisisi.. pinagtangkaan nya ang buhay mo at pinagbalakan ka pa nya ng masama "

" Kailangan nyang managot sa batas. Patung patong na kaso ang isinampa namin laban sa kanya. Hindi pwedeng palampasin ang ginawa nya ng ganun ganon lang. At isa pa, mahirap na nasa labas sya ng kulungan, baka makapanakit pa sya. Minsan na nyang ginawa, chances are..may tendency na ulitin nyang muli yun "

Si Darren ang sumagot. Tama lang naman, pareho kami ng point of view. Pero hindi na ko nagsalita.

" I know... Pasensya na kayo, pati kayo nadamay sa gulong to. Hindi ko alam na kayang gawin yun ni Raul dahil...dahil lang sa gusto nyo kong paghigantihan "

Umiyak sya, hinayaan lang namin. Alam ko, masakit ang pinagdaraan nya ngayon. Ramdam ko ang paghihirap ng kalooban nya.

" Ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit sya nagkaganon. "

" Tita... "

" Alam nyo ba..katulong lang nila ko noon. Pero mababait ang magulang ni Raul, pinag aral nila ko at tinuring nila kong anak. One night, he came home na lasing na lasing. He entered into my room and forced me.. pinigilan ko sya pero wala akong nagawa.. He raped me! Mananahimik na lang sana ko pero inunahan nya ko sa parents nya. He told them na may nangyari sa min and he is willing to marry me. Tatanggi sana ko dahil maliwanag na rape ang lahat! Pero ng makita ko na masayang masaya ang mga magulang nya..pumayag na rin ako. We got married and eventually, I fall in love with him. "

Hindi tuluy tuloy ang kwento nya. May mga time kasi na umiiyak lang sya, pero kami ni Darren.. nananatiling tahimik at pinakikinggan lang sya.

" Okay na sana ang lahat hanggang sa maging part ako ng company nya. Nakilala ko si Elizear, ang isa sa mga partner namin. During the time na naging napakabusy ng asawa ko, nagkaroon kami ng illicit affair. Pero sandali lang yun at pinagsisihan ko na ang lahat. Nalaman nya ang totoo, pinapili nya ko. Natural sya ang pinili ko dahil sya ang asawa ko. Inaamin ko na natukso ko, pero mahal ko ang asawa ko. Akala ko totoong pinatawad nya ko, pero hindi pala. Dahil simula non, lahat ng gawin ko pinagdududahan nya. Lahat na lang ng kilos ko may makikita syang mali. At lagi nya kong ginugulpi at ikinukulong sa kwarto dahil sa selos. Hindi ko na kinaya ang pagmamalupit nya. Tinakasan ko sya at tinangka kong makipaghiwalay sa kanya. Nanatili ako sa America, kung saan mo ko nakilala Athena. Pero isang araw..sinundo nya ko. Humingi sya ng tawad at nagsimula ulit kami. Hindi ko alam na kasama pala yun sa plano nya.. kahit kailan, hindi na nya makalimutan ang ginawa ko. I'm sorry Athena.. I'm so sorry "

Niyakap ko si Ms. Dominguez..humahagulgol na sya. Nakamasid lang sa min si Darren.

" Darren..pakisabi na lang sa team mo na iuurong ko na ang kaso. Ito lang ang paraan para mapatawad na nya ko. Si Athena na lang ang idefend nyo sa court. Athena, I pull out nyo na rin ang audited financial statements na sinubmit nyo sa korte, I'm sure..hindi na rin magsasampa ng kaso si Eleazar at ang ibang stakeholders laban kay Raul "

Napakatragic naman ng naging ending ng love story nila tita. Masyadong naging malalim ang issue. Maraming nadamay, maraming nasaktan, at maraming nawalan. Bakit nga kaya minsan..kahit ang napakagandang relasyon ay masisira at mauuwi sa wala ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali. Na ang dating nagmamahalan ay hahantong sa galit at poot sa isa't isa. Naalala kong muli si Jerome. Ang lahat ng ginawa nya noon...at ang ginagawa ko naman ngayon.

Tama na..hindi ko na hahayaang umabot kami sa ganitong punto. Na wala kaming iisipin at gagawin kundi ang paghigantihan ang isa't isa. Hindi ko na sya uusigin, tatapusin ko na ang sinimulan nya para makapag move on na kami pareho. Hindi ko pa sya ganap na napapatawad. Pero wala na ring saysay ang gumanti pa..hindi ko na rin naman maibabalik ang panahon.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now