Chapter 28- Rated SPG

10.5K 191 6
                                    

Ang kabanatang Ito ay naglalaman ng mga eksena at lengguwaha na karahasan at sexual na di angkop sa mga bata at konserbatibong mambabasa.

Darren's POV:

Akalain mo yun, si Mike pala ang fiance ni Athena! Pinaalis na muna namin ang mga pulis at lahat ng agents ko. Hiniram muna namin siya kay Athena at sinabi naming may pag-uusapan lang kami sandali. We go back to the resort ... para lang gulpihin si Michael.

" Kumusta ka na Mark Michael? ", sarcasting kong bati sa kanya.

" Hayop ka! Tinira mo kami ng patalikod! "

BBLLLOOGGG!!!

Si Jerome hindi na makapagpigil. Kanina pa nya kinokontrol ang galit nya sa isang dating kaibigan. Pero ngayong kami na lang ang naririto, binanatan nya na si Mike. At ako? Kakampihan ko si Jerome, babanatan ko din sya. He betrayed us! Yes.. we're good friends before. Kapartner ko si Mark Michael sa detective agency noon. Mike ang tawag namin sa kanya.

Five years ago, kinuha ni Jerome ang serbisyo nya para hanapin si Athena sa US. Hindi kasi ako pwede dahil kilalang kilala na ko ni Athena at ng mga taong nakapaligid sa kanya. That's why sya ang nagpabalik balik sa US for one year. Apparently, natapos ang isang taon ng walang nangyari. He didn't found her..according to Mike.

After that Nagresign sya at nagpaalam sa kin na magcoconcentrate na sya sa family business nila. Kaya nagdesisyon si Jerome na sya na mismo ang pumunta at magpabalik balik sa US for one year. But unfortunately, he failed. Wala kaming kamalay malay na iba na pala ang tinatrabaho ni Mike. Iyon ay walang iba kundi si Athena!

" Bro, tama na!! Ano papatayin nyo ko dito?! "

" Wag mo kaming matawag tawag na bro! Ang kapal ng mukha mo!! Papatayin talaga kita "

" Tama nnaaaa!!! "

Puro black eye at pasa na si Mike, duguan na rin ang ilong at labi nya sa mga suntok at sipa namin ni Jerome. Tsk.. baka malumpo to pag di kami tumigil. Hindi man namin sya mapatay, madedemanda pa rin kami ni Jerome. Nakakahiya, dalawang abogado at parehong detective makukulong sa kasong physical injury, or to make it worst...murder! Tumigil na ko, aawatin ko na rin tong isa.. Mahirap na.

" Bro..enough! ", inilayo ko si Jerome. Nakaibabaw kasi sya at walang humpay na sinusuntok si Mike.

" Je-Jerome..sorry pare. "

" Sorry? Yun lang?! Matapos mo kong gaguhin! "

" Hindi ko sinasadya ang nangyari. Unang kita ko pa lang sa kanya..nabighani na ko kaagad."

Unti unti syang tumatayo mula sa pagkakahiga. Hinihingal, at hinang hina ang katawan.

" Limang taon Mike..tarantado ka! Pano mo nagawang ilihim ang lahat ng ito sa amin. Kaya hindi mo sya masundo sundo sa opisina dahil alam mong kami ang kapartner nya. At kelan mo gustong lumantad? Pag kasal na kayo?! "

" Darren... patawarin mo ko "

" Pinagkatiwalaan kita Mike! Binayaran ko ang serbisyo mo. All expenses paid!! Para lang ahasin mo ko!! "

" Jerome..isosoli ko lahat ng ginastos mo, dodoblehin ko pa bilang kabayaran. "

" Hindi mo kayang bayaran ang kawalang hiyaang ginawa mo Michael! Mukha kong tanga na naghahanap at umaasa na muli ko syang makikita. Pero hindi ko pala talaga sya mahahanap, dahil kasama ka nya. Tinago mo sya ng matagal, Traydor ka!! "

" Pareho lang tayo Jerome. Hindi bat ganon din ang nangyari sa iyo? Pinlano mo na magkita kayo para lokohin at paghigantihan sya noon. Pero nahulog ng totoo ang loob mo sa kanya. Ganon din ang naramdaman ko ! Hindi ko intensyon na lokohin ka ng una. Pero huli na para iwasan ko sya. Dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na mahal ko na si Athena."

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now