Chapter 31- The Love for Jerome

8.4K 161 11
                                    

" Haayy salamat, makakatulog na ko ng maayos ", si Gene

Actually masaya kaming lahat. Natapos agad ang kaso in less than two months. Hindi na kami kakaba kaba palagi, malaya na rin kaming makakakilos ng walang kinatatakutan. On the other hand, may nadarama akong lungkot. Nangangahulugan din kasi ito ng muling paghihiwalay ng team ko..at ng team nila Darren...syempre kasama dun si Jerome. Although magkikita pa kami madalas ni Darren, dahil sya ang tatayong lawyer at state witness ko at the same time sa kasong isinampa namin laban kay Mr. Domiguez..pero sya na lang.

" Hey..ang lalim ng iniisip mo ha. Malungkot ka ata? You should be happy..makaka move on na tayo pare pareho. We can now accept the offer of other companies. At least this time, yung trabahong pangtao. ", bati ni Ella. Napansin ata nya na wala akong kibo kanina pa.

" Bro, nasan nga pala sina Jerome?", tanong ni Borge Kay Darren

Buti tinanong ni Borge, yun din ang laman ng isip ko..nasan si Jerome?

" Naku malalate yun. Out of town kasi sila ni Dindi since nung isang araw. Third year anniversary nila yesterday eh. "

So magkasama pala sila. Parang four days pa lang nakakaraan ang insidente sa pagitan namin ni Jerome. Will they gonna do the same thing.. or more intense? Will he feel her the way that he touched me? Is he thinking about me? Dahil ako..oo, simula ng mangyari ang gabing yun. It's been four days but until now, I still feel his arms around me. I missed him.. his touched, his kisses..everything about him. And the worst part, I missed him..inside of me

May kung anong bumara sa dibdib ko. I thought that he still love me. Would it be better kung hindi ko na lang nalaman ang totoo. Sinabi na sa kin nila Ella ang lahat, kinonfirm din ng daddy ko na ilang beses ngang humingi ng tawad sa kanila si Jerome.

Flashbacks:

" Anong ginagawa mo dito??!! "

" Bo-Borge please kailangan kong makita si Athena.. "

" Ano to Jerome?! Ang kapal din naman ng mukha mo!! Matapos mo syang iwanan sa simbahan nung isang linggo, may gana ka pang bumalik dito?! "

BBLLAAGG...BOGGG...!!

" Tama na! Ano ba! Tigilan nyo na yan!! Baka mapatay nyo sya! "

" Ella...Ella nakikiusap ako. I-ituro nyo sa kin kung nasan si Athena, gusto ko syang makita... "

" Jerome umalis ka na! Maawa ka at iligtas mo na ang sarili mo. Papatayin ka ng mga fraternity dito!! "

" Diyos ko, Jerome!! Ella anong nangyari? Duguan na sya! Please..ako na ang nakikiusap sa inyo. Ibalato nyo na sya sa kin, hayaan na natin syang makawala! Maawa na kayo sa kanya! "

" Dalhin mo na yan Gene at baka mapatay talaga namin sya!! "

" Gene..nasan si Athena? Gusto kong humingi ng tawad. Ma-mahal ko sya. Please...ipakita nyo sya sa kin"

" Wala na sya dito Jerome. At wala ka ring mapapala sa min. Halika na, umalis ka na dito o ihahatid ka naming bangkay sa nanay mo! "

Matapos syang gulpihin sa school, pumunta pa sya sa bahay namin

" Ti-tita ... "

" Jerome!! What happened?! Sinong gumawa sa iyo nito?! "

" Kristina?.. At anong ginagawa dito ng lalaking yan dito?!! Walang hiya ka!!... "

" Alex huwwaagg!! Can't you see..duguan na sya.!! "

" Tama lang yan sa hayop na yan!! Kung sino man ang gumawa sa iyo ng bagay na yan, nagpapasalamat ako sa kanila. "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now