Epilogue - Part 1

10.7K 205 3
                                    

"Bro pwede ba, kanina ka pa pabalik balik. Ako nahihilo sa iyo, maupo ka nga. ", puna ni Darren sa kaibigan.

" Darren..bakit kaya ganon? Ten minutes na lang five pm na, pero ni isa sa kanila wala pa. Considering na four thirty ang call time "

Hindi sya mapakali. Ngayon ang araw ng kasal nila ni Athena pero hanggang ngayon ay hindi pa ito dumarating. Okay lang sana kung ang bride lang at ang pamilya nya, pero palaisipan na pati mga kaibigan nitong abay ay wala pa.

" Jerome, ten minutes pa nga di ba? Paranoid..wag mong sabihing until now minumulto ka pa rin ng nakaraan "

Pinapakalma sya ni Darren na syang tatayong best man sa kasal nya.

" I can't help but to think about it. Lahat ng side ko nandito na. At ang dami na ring tao dito sa simbahan. Sana man lang magtext sila at tumawag. Kaso lahat ng entourage na galing sa kanila walang sumasagot "

" Pero tumutunog ba naman ang phone? "

" Oo "

" Darating yun. Malamang nasa loob na ng bag mga cellphone nila kaya hindi ka na masagot. O kaya baka hindi pa tapos ayusan. Sana pala sa Manila Hotel na rin natin sila pinag check in para at least malapit na "

" Sila tong may ayaw di ba? Nag offer ako pero gusto nila sa bahay manggaling "

" Magrelax ka nga! Stress lang yan. And besides, don't you trust her para isiping hindi ka nya sisiputin? ", pagreremind ni Liza

" Hindi sa ganon..pero syempre hindi nyo maaalis sa kin na kabahan. May history kasi kami "

" History?? Ikaw ang gumawa nun hindi sila. Mabubuting angkan ang mga taong yun Jerome, hindi nila kayang gawin ang kinatatakutan mo. "

" Pero bro..wild imagination or worst scenario. What if..kung hindi ka nga siputin ni Athena ngayon? Halimbawa lang.."

" Ayokong isipin. Iniisip ko pa lang, hindi ko na kaya. Baka magpasagasa na lang ako sa MRT "

" Jerome!!! ", napabulalas ang mama nya sa narinig mula sa kanya.

" Ganyan ka kamorbid? Pwes ihanda mo ang sarili mo dahil baka hindi talaga sumipot yun. Gantihan na! ", pang aasar ng Tito nya.

" Daddy!! ", inirapan ni Liza ang ama

Five minutes left. Wala pa rin.

Five pm..the supposedly wedding time has arrived!

" Ma..she's not here. Maybe..she's not coming ", nanlulumo sya habang patuloy na tinatambol ang dibdib nya sa kaba. Hindi nya mapaniwalaan na gagawin sa kanya to ni Athena. Punung puno sya ng takot at pangamba ng mga sandaling ito.

Hinagod ni Mercy ang likod ng anak. Ayaw man nyang aminin, pero maging sya ay natatakot na rin sa maaaring kahinatnan ng araw na ito. Ang tanging pinanghahawakan na lang nya sa mga oras na to ay ang sinabi ni Liza. Mabubuting tao ang pamilya nila Athena. They are not capable to do such evil act kagaya ng hindi pagsipot sa isang sagradong okasyon, lalo na sa sarili nyang kasal. And besides, naramdaman naman nya ang katotohanan ng pagpapatawad ng mga ito sa kanilang mag ina.

" Anak..pwede namang malate di ba. Let's still wait. Don't lose your hope Jerome, I knew..she's coming ", trying to comfort her son.

Fifteen minutes after the stipulated time ng pumasok na ang coordinator.

" Attorney.. I hate to say this. Pero wala ng sumasagot sa kanilang lahat. I tried to call the Romualdez residence, but according to their maid, kagabi pa raw sila umalis ng bahay "

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon