Chapter 3 - The Actor

14.4K 213 6
                                    

JEROME:

Makailang beses akong lumunok ng makita ko sya ng harapan. Tama si Darren, hindi lang sya basta maganda.. she's a goddess. Hindi ko nagawang makipag shake hands man lang sa kanya. Baka mahalata nyang nanginginig ako at kinakabahan habang pinakikilala kami ni Borge sa isa't isa. Ang mga titig nya ay nagdudulot na agad ng kakaibang sensation sa aking katawan. Kung ibang babae lang sana sya ay matagal ko ng ginawa ang mga bagay na lagi kong ginagawa. I wanna kiss her the moment that I saw her. More than that.. I want to feel her body. Ano kaya ang feeling, would it be different with her?

Pero hindi ko makakalimutan na isa syang kaaway... she's the object of my revenge. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Third year na ko sa pinapasukan kong law school ng magdecide akong magtransfer sa Reinhard. Kasama to sa plano ko dahil nalaman ko na dito din sya nag aaral ng Accountancy. Pag sinusuwerte ka nga naman, magiging magkasama pa pala kami sa iisang building at isang floor lang ang naghihiwalay sa min. Masaya ko na umaayon sa mga plano ko ang tinatakbo ng pagkakataon. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko na natulala sya mg makita nya ko. I know, she's attracted to me. Basang basa ko na ang lakas ng dating ko sa kanya.

Nagsimula na kong umarte.Hindi ko sya masyadong pinansin kanina. Effective dahil napansin kong medyo naasiwa sya. Kinontrol ko ang nararamdaman kong pagnanasa..may panahon para dun at hindi ito ang tamang panahon. I will take it slow. Kailangan kong maging matalino sa lahat ng gagawin kong hakbang para maisakatuparan ko ang aming paghihiganti.

" Dude, ang ganda ni Athena noh? Matagal na kong may HD dun eh, ayoko lang ligawan. ", si Borge, ang kaklase ko kaibigan pala ni Athena. Small world, pinaglalapit talaga Kami ng tadhana ng babaeng yun

" Okay lang. Marami din namang magaganda dito sa Reinhard. Teka, kung matagal ka ng may HD bakit di mo itry magparamdam? Malay mo type ka rin. "

" Malabong mangyari yun. Mga artistahin lang dinidate nun eh. Tapos hindi rin nagtatagal. Sayang naman yung friendship namin kung mauuwi rin sa hiwalayan. "

" Hindi magtatagal? Bakit, sinong may problema? "

" Si Athena. Hindi yung mga lalaki pala. Magulo eh, ganito kasi yun. Pag nalaman ni Athena na playboy yung nanliligaw sa kanya sasagutin nya. Tapos pag naging sila at mahal na mahal na sya ng guy ibebreak na nya "

" Paano kung hindi naman playboy? "

" Ah yun... Hindi nya sinasagot. Ayaw nya pa kasing pumasok sa isang seryosong relasyon kaya ayaw nya ring makasakit ng damdamin. Kaya ako hindi ko na titatry dahil alam ko naman na 100% ay wala kong pag asa. Baka ikaw pwede pa. Ano tinamaan ka ba sa kanya? "

" Honestly, di ko sya masyadong natitigan. Nakita mo naman na sinalubong agad tayo ng mga girls kanina di ba. And in fairness, magaganda din halos lahat ng mga babae sa accountancy, pati sa law.. walang tulak kabigin. "

" Whoaa.. di nga? Imposible naman na di nagregister sa iyo ang magandang mukha ni Athena"

" No offense sa kaibigan mo pare . Di ko talaga sya naalala eh. Siguro pag nagkita uli kami. Ganon ba talaga sya kasikat sa tin? "

" Sinabi mo. Ilang beses na nga yang inalok magmodel at mag artista. kahit san kami magpunta may lumalapit na talent scout. Ayaw lang payagan ng daddy nya..over protective. Unica iha kasi"

" Pero Jerome bilib ako sa iyo. Ke bago bago mo ang dami mo na agad fans. Siguro kaya ko lumipat ng school dahil hinahabol ka ng mga chicks. Kalevel mo daw si papa P sabi ng mga girls. Bigla ngang dumami ang gustong makipag kaibigan sa kin para lang makilala ka ng personal"

" Hi Borge, are you busy? "

Speaking of the angel. Athena is here..in our department. Again, I feel so restless. Her presence makes my body weak.

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now