Chapter 10- His True Color

10.9K 162 6
                                    

JEROME:

"Ano yung nabalitaan ko kahapon kay Dindi? ", usisa sa kin ni Darren

" So, kinwento na nya? Mga babae talaga, hindi sila makatiis na hindi magkwento sa iba "

" What do you expect? Nasaktan mo yung Tao... Pero teka, ano ba nangyari bago yun? Natikman mo na si Athena? "

" Hindi ka rin tsismoso no? Ang aga aga puro kahalayan yang iniisip mo. "

" Oy, nagtatanong lang. Sino kaya sa tin ang mas mahalay? Pero seriously, nag all the way na ba kayo? "

" Sira ulo ! Walang ganon. "

" Talaga lang ha. Kaya sya ang tinatawag mo habang ang kasama mo ay si Dindi. Ano ka ngayon? Nasan na yung sinasabi mo na hindi mo sya gagalawin dahil baka mabuntis sya. Plastic ! Magpakatotoo ka nga. Sa tingin ko, tama ang analysis namin ni Din. "

" Wag masyadong malayo ang isip. Oo, inaamin ko, medyo na carried away ako sa kanya. Pero walang malalim na nangyari. Dahil bigla syang nagising sa katotohanan. "

" Ayun kaya naman pala. Bitin ka nga nun. Kaya kahit ibang babae na ang kaharap mo, eh sya pa rin ang nasa isip mo... Pero sana init lang ng katawan yan pare. Para kasing iba, In fact pareho kami ng observation ni Dindi. "

" Ayan na naman tayo, you're jumping into conclusion. Baka gusto mo ring sabihin sa kin na hindi kita maloloko dahil Isa kang magaling na detective. Na alam mo ang nilalaman ng puso at isipan ng mga Tao. "

" Wala pa kong sinasabi, wag masyadong defensive. Jerome pinapaalala ko lang sa iyo na naghihiganti ka at palabas lamang ang lahat. Wag nawang dumating ang araw na gagamitin mo ang sariling bala na papatay sa iyo "

" Naku Darren, dumale ka na naman sa matatalinghaga mong salita. Hindi ko makakalimutan yun. Dahil... dahil yun lang ang tanging misyon ko kung bakit ako pinanganak at niluwal ni mama. Kung hindi lang dahil dun... wala sana ko dito. "

Binalot sya ng lungkot at bigla ay nakaramdam sya ng awa sa sarili. He's worthless!!  Ito ang tingin ng babaeng nagluwal sa kanya. Ilang beses nyang hiniling na sana kahit minsan ay matutunan syang mahalin nito. Nananabik pa rin sya sa araw na yayakapin sya nito at maririnig ang kataga na napakatagal ng nais marinig ng kanyang puso... Ang salitang "Anak".

"Bro, are you alright? Si Tita Mercy na naman ba? "

His hard, he doesn't care at all. But when it comes to her mom, hindi pwedeng hindi sya iiyak. He never felt that he is accepted. Magkasama naman sila sa bahay pero ang mga kasambahay at mga utusan ang palagi nyang kausap, Hindi nya matandaan na kinarga sya nito o tinabi sa pagtulog simula ng magkaisip sya. Kapag inaaway sya o inaapi ng mga bata noon, hindi sya nito ipinagtatanggol, ni wala ring comfort galing dito. Hindi sya nakatikim ng palo o galit. Pero mas maigi pa nga ata kung sasaktan sya o sisigawan ng Ina, baka mas matuwa pa sya. At least alam nya na may malasakit Ito sa kanya. Once again, reality strikes him, wala itong pakialam sa kanya. At alam na alam nya ang dahilan.

" Ok lang ako Darren, don't worry too much on me. Well thanks to that woman, dahil sa kanya ay may pinag uusapan pa kami ni mama. And I will do anything para lang maging masaya sya. At baka pag nagawa ko na ang gusto nya, ituring na nya kong anak."

" You think so? "

" Perhaps...  And I hope "

" Jerome.. seriously, don't you find her attractive? What if dumating yung time that you fall in love with her... for real? "

" I don't know if that time will come. After all, I was raised to be her worst enemy.  I cannot  love her "

" Pero wag ka pa ring magsasalita ng tapos. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari. She's beautiful inside and out. Hindi sya mahirap mahalin. At kapag natapos ang pagpapanggap mo, sana lang hindi ikaw ang masaktan. "

Revenge vs. Revenge (Romance)Where stories live. Discover now