Chapter 33- He's Engaged!

8K 163 5
                                    

" You're leaving? ", bati ni mommy. Nakita kasi nya ang dalawang malaking maleta sa kwarto ko na nakahanda na.

" Ye-Yes mom "

" Business trip? "

" No. It's...vacation"

" With Mark? Out of town? Bat ang dami mong dala, parang di ka na uuwi "

Ang dami namang tanong ng nanay ko. Isa Isa lang ma, mahina kalaban.

" No.. I'm leaving...alone. "

" Alone?! Wala kang kasama? Teka muna, san ka ba talaga pupunta? "

Haayyy.. alone nga eh.

" Magbabaskasyon ako sa US. Yes mom, ako lang..for about three months. "

" What?! How about your wedding preparation? The case? May nangyari na naman ba Athena?! "

Pano ko ba uumpisahan to? Pano ko sasabihin sa kanya na hindi sya magiging hysterical pagkatapos.

" Anong nangyayari sa inyong mag-ina? "

I'm dead.. daddy is here!

" Alex...yang anak mo, magbabakasyon daw "

" And then...? "

" She's going to US for three months... alone... "

Kung ang nanay ko sunud sunod at walang katapusan ang tanong, my dad is totally different. So far, no reaction.. he's just silent. Mas nakakatakot, mas nakakakaba. Well, that's him. Nevertheless, dapat handa na ko sa mga ganitong eksena.

Ginusto mo yan Athena, pwes panindigan mo all the way!

Nakita ko na bumuntong hininga sya, bago nagsalita.

" What is exactly going on Athena?", mahinahon pero maawtoridad ang tanong nya.

Sabi na nga ba. Bakit ba hindi ko magawang maging matapang pag sya na ang kaharap. Pinaghandaan ko na to ng ilang araw, pero parang kulang ang naipon kong lakas para sabihin sa kanila ang totoo. But I have no choice...they need to know the truth.

" Dad..mom..nakipag cool off ako kay Mark. "

" My god, Athena.. what are you trying to do? "

" Ma, naguguluhan ako. Ako ang may diperensya. I think..my feelings have changed. I'm not sure kung gusto ko pa syang pakasalan "

" What happened Athena? "

" Hindi ko alam dad.. It's just that.."

" It's impossible na hindi mo Alam. Of course you know "

" Anak, it's a normal thing sa mga babaeng ikakasal. Kahit sino atang ikakasal, dinadaanan yang feeling na ganyan "

" How about you mom, naramdaman mo ba to nung malapit na kayong ikasal ni daddy?"

Natahimik sya..hindi nya ko nasagot.

" Well I guess hindi. Because you love him, at handa kang ibigay ang sarili mo sa kanya without hesitation "

" Anak... "

" Ewan ko pero hindi ganito ang naramdaman ko sa min ni Jerome. Dad..hindi ito ang unang pagkakataon na ikakasal ako. Muntik na kong ikasal five years ago, kaya alam ko rin ang pakiramdam ng mga babaeng ikakasal"

" Now I get it! Everything falls into pieces because of that jerk. Why, nagkabalikan ba kayo? "

" Dad.. walang alam si Jerome sa lahat nangyayari ngayon. In fact..he's getting married too "

Revenge vs. Revenge (Romance)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora