Chapter 25- Abduction

9.1K 151 3
                                    

JEROME:

"Bro.. nagsisimula ng gumawa ng move si Athena ", kwento ko kay Darren. Okay na kaming dalawa after nya kong suntukin last week.

" Anong ginagawa? "

" Sineseduce ako "

" What?! Nilalandi ka? Ayos ah..kelan pa? "

"Nung isang gabi, nagbar kami. You don't believe this.. but she even kissed me "

" Ganon?!! Anong reaksyon mo? Eh di na arose ka? San kayo humantong?"

" Ang layo mo na agad. Hindi kami umabot sa kama okay. Ganon lang.. we kissed and hugged the whole night"

" Kinaya mo.. di bitin.... "

" Manyak! Believe it or not.. pero hindi ko sya pinagnasahan. Hindi ko maexplain.. basta niyakap ko lang sya at hinalikan. Takot na takot akong gumawa ng move na lampas dun.. baka magalit sya..baka iwasan nya ko. Yung pakiramdam na anumang oras pwede syang mawala kaya ganon na lang ang pag iingat ko sa kanya. "

" You really love her..yun lang ang masasabi ko. Bro..pano na si Dindi? "

" I don't know..naaawa ako sa kanya pero gusto ko lang maging totoo"

" Pero di ba okay naman kayo bago dumating si Athena? Nakita ko naman na somehow..minahal mo rin sya. Jerome, oo naghahalikan kayo.. but it doesn't change the fact that she's getting married. And besides, alam na alam mo na walang totoo ngayon sa kanya. Pinaglalaruan ka lang nya!  "

" I know for a fact that she's here for revenge. At dun ako nagsisimula "

" Sa totoo lang ang labo ng ganyan."

" Darren.. sa paghihiganti ko nakilala si Athena. At ni sa panaginip hindi ko naisip na isang araw ay mahuhulog ang loob ko sa kanya at mamahalin ko sya ng totoo. Galit ang naging dahilan kung bakit kami nagkalapit "

" Got it. Iniisip mo ngayon na sa lahat ng gagawin ni Athena ay may possibility na maging totoo in the end, until such time na bumalik ang nararamdaman nya sa iyo. Ano telenovela lang? Baliw "

" Yes, I am so crazy about her. Hindi pa sya kasal..asawa nga nasusulot girl friend pa kaya. This time, I'm on a passive side. Hahayaan ko lang syang maglaro. And I am more than willing to be her playmate "

" Ewan ko sa iyo! Ayusin mo muna yung sa inyo ni Dindi. I'm pretty sure, mahihirapan ka..she won't give up on you. Mahal na mahal ka nun "

" Darren..Jerome..Athena is missing! ", bungad sa min ni Ms. Domiguez pagbukas nya ng pinto.

" What?? Since when?! "

" Tumawag si Gene, since yesterday  pa daw "

" Oo nga..ito ang dami kong missed calls from Borge "

Napaupo ako..nanghina ako bigla sa balita na nawawala sya.

Athena.. nasan ka na?

" Darren..kailangan na nating kumilos. Hanapin na natin sya kaagad. Baka kung napano na si Athena"

" Heto na sina Ella "

" Gene, anong balita kay Athena? "

" Wala pa..Until now di pa sya makontact "

" Ang isang malaking palaisipan..hindi rin namin macontact si Mark "

" How about her family? "

" Nasa Hongkong kasi buong family nila ngayon. Ayaw naman naming ipaalam sa mga kasambahay nya dahil mag aalala sila Tito Alex. Pero tumawag ako kanina sa bahay nila, hindi pa raw umuuwi si Athena"

Revenge vs. Revenge (Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon